18

2.8K 50 5
                                    

-Samantha-

"Wow!"manghang sabi ko."Ang laki pala ng hacienda ni Tiya Lorna!"nagulat ako pagpasok namin sa isang makipot na daan sa gilid ng mansiyon ng tumambad sa akin ang isang malawak na palayan na may mga nagsasaka sa ilalim ng sikat ng araw. Mayroon din akong natatanaw na mga maliliit at cute na nippa house sa gilid gilid.

"Welcome to the real hacienda Salazar."he said, smiling.

"Señorito!"may ilang lumapit sa amin na magsasaka ng matanaw kami, kasama ang kanilang mga asawa at anak.

"Kayo na ho ba iyan?"tila hindi makapaniwalang bulalas ng isang magsasaka na Mang Isko ang pangalan.

"Opo, Mang Isko."nakangiting sagot ni Angelo sa matandang magsasaka na may katabing matandang babae.

"Parang kailan lang ng palagi kang pumupunta sa amin kapag nababagot ka sa bahay ni Madam Lorna at nakikipaglaro sa aming Ella."I guessed the wife of Mang Isko is pertaining to their daughter.

Ipinakilala ako ni Angelo as his wife at lahat ng tao ay nagulat. Masaya mainit naman ang pagtanggap ng mga magsasaka at mga pamilya nila sa akin. Mang Isko even invited us to their house for lunch para makita na rin daw ni Angelo ang kababata nito.

On their way to Mang Isko's house, hindi natigil ang masasaya nilang kwentuhan kasama ang iba pang mga magsasaka.

"Naku! May tumalo na sa kagandahan ng Ella ninyo, Isko!"biro ng isang magsasaka kay Mang Isko na sinang-ayunan ng iba pa.

"Hindi na nakakapagtaka na pinakasalan siya ni Señorito."nagtawanan ang lahat. Tumingin ako kay Angelo sa kanyang gilid, nakatingala na ako dahil matangkad siya. Nagulat naman ako ng hapitin nito ang aking bewang at inilapit ako sa kanya.

I look at his hand on my waist, then back to his face. Yumuko naman siya at tiningnan ako, a smile is playing on his lips.

"Staring is rude."he said in a teasing manner, then leaned on my ears afterwards."You can have me later when we go back to the mansion."my eyes widened and he chuckled.

"You're so cute!"he even pinched my cheek na nakapagpasimangot sa akin. He loves pinching my cheeks and nose!

"Ehem!"napatingin kami ng makarinig ng pag-ubo at nakita ang asawa ni Mang Isko- no, they're all staring at us smilingly, maliban sa isang babae na nasa may doorframe ng pintuan. She's beautiful, I must say.

"Nandito na po tayo."nang-aasar na pahayag ng isang magsasaka.

"Ahm."that's all I can manage to say.

"Oh, anak! Ang aga mo yata ngayon?"nagtataka ngunit halata ang saya sa boses ng mag-asawang Mang Isko at Aling Raquel. Sinalubong ng mag-asawa ng mahigpit na yakap ang kanilang anak at nagmano naman ito sa kanila. They are a picture of a happy family and I can't help but feel envy towards their daughter, Ella. How I missed my mom and dad!

Tumingala ako para pigilan ang mga luha na gustong kumawala.

"Hey, are you okay?"tanong ni Angelo na hindi ko napansing nakatingin na sa akin.

"May problema po ba, Señorita?"tanong ng ibang mga magsasaka.

"Oh, no. Nothing."tanggi ko habang kinukumpas pa ang kamay."Napuwing lang yata ako."in my peripheral vision, nakita ko ang pag-ikot ng mga mata ng anak nila Mang Isko. Nakaramdam ako ng inis but I quickly shrugged it off dahil hindi naman ako sigurado kung ako ba ang iniikutan niya ng kanyang mga mata. Malay mo naman, sadyang nag-rerevolve lang talaga iyon at kinukumbulsiyon siya kung minsan. Oh! That so mean!

ATM 2:A True Madness (FBS#1)Where stories live. Discover now