Chapter 1

1.7K 32 3
                                    

Kasalukuyan akong naglalakad patungong auditorium, ngayon ang first day of classes dito sa pinapasukan kong university.

"Alexys!" lumingon ako nung narinig ko ang pagtawag sa pangalan ko. Si Light lang pala, yung pinsan ko.

"Bakit?" sagot ko at huminto upang masabayan niya ako sa paglalakad.

"Hinahanap ka kanina ni Ryleigh. 'Di ka raw niya matawagan." Kinuha ko ang phone ko sa loob ng bag, in-off ko nga pala ito. Agad ko itong binuksan at pagkatapos ng ilang minuto, sandamakmak na notification ang pumasok, lahat ay galing kay Ry. Binuksan ko ito at binasa.

"Hoy babae, nasaan ka na???"
"Hoy!"
"Hindi ko matawagan number mo, gaga ka!"
"Late ka na!"
"Nandito ako sa unahan, pinag-save kita ng upuan."
"Bilisan mo!!"
"Pumunta ka nalang dito ha! 'Di pa rin kita matawagan!"

Natawa 'ko sa laman ng messages niya. Akala mo naman late na talaga ako, may sampung minuto pa bago magsimula ang orientation.

Agad kong nilingon si Light na kasama ko nga pala, "Sa audi rin ba punta mo?" Tanong ko sa kanya.

Pareho kaming nasa 3rd year na, magkaiba lang kami ng course na kinukuha. Tuwing first day of classes talaga ay may orientation sa auditorium. Hindi ko nga alam kung bakit kasali pa rin kami doon kahit nasa higher year na kami.

"Oo, gusto ko sana tumabi sa inyo kaso naalala ko per course daw ang seats." Dismayado niyang sambit. Ginulo ko 'yung buhok niya saka siya tinawanan. Mas matangkad ako sa kanya kaya abot ko buhok niya. Hinampas niya ako bago ko pa man maibaba yung kamay ko.

"Leche ka talaga! Ang hirap mag ayos ng buhok tapos guguluhin mo lang." Natawa nalang ulit ako.

Sila lang naman mahilig mag-ayos ng buhok. Ako isang beses lang nagsusuklay, 'yun ay tuwing pagkatapos maligo tapos wala na ulit. Magsusuklay lang ako sa kaparehong araw kung naligo ako ulit. Maayos naman buhok ko, eh. No need na magsuklay ng paulit ulit.

Ilang minuto pa kaming naglakad bago nakarating sa audi. Naghiwalay din kami ng landas at nagtungo sa kanya-kanyang pwesto. Hinanap ng mga mata ko si Ryleigh, paglingon ko sa kabilang side sa bandang unahan ay nakita ko siyang kumakaway sa akin. Mukhang kanina pa niya ako hinihintay pumasok.

"Ang ligalig mo naman. Kahit nasa malayo palang ako para kang bulate na binudburan ng asin." Bungad ko sa kanya pagkalapit ko sa pwesto niya.

"Panget talaga ng ugali mo, kaya wala kang jowa eh!" Umirap pa siya sa akin pagkatapos sabihin 'yun. Wala akong panahon maghanap ng jo-jowain, may iba akong priority sa buhay.

Saktong pagka-upo ko ay tumayo si Stef upang simulan na ang orientation. Si Stef ang SC President ng university, medyo close kami kasi naging kaklase ko siya nung first year kami.

"Good morning, everyone! Did you have your breakfast before coming here?" Madaming sumagot ng oo at hindi. 'Di ako nakisali, nakakatamad kaya.

Madami pa syang sinabi, nakinig lang ako kahit ang totoo ay bagot na bagot na ako dito. Paulit-ulit lang naman ang sinasabi nila yearly, konti nalang makakabisado ko na 'yun. Habang gumagala ang paningin ko sa paligid, napatingin ako sa babaeng naka-upo sa gilid, malapit sa exit. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nung maglapat ang paningin naming dalawa. Si Ms. Thyrese, naging sub professor namin sa English Literature I at sure akong siya ang prof namin sa EngLit II. She's a very beautiful woman. Actually, the word beautiful is an understatement. Kulang na kulang pa iyon para ilarawan siya. Matangkad rin siya, mas mataas siya sa akin ng one to two inches. Her eyes are brown in color, she also has this perfectly shaped eyebrows. Her lips are thin and laced with a red lipstick. She's on her usual resting bitch face. Agad siyang nag-iwas ng tingin at ibinalik sa harap ang atensyon, gano'n nalang rin ang ginawa ko.

Cruel Summer (GxG)Where stories live. Discover now