Chapter 29 - unedited

643 17 3
                                    

"Huy! Alam niyo ba?" Sabi nung babaeng maputla ang balat.

"Ano? Ano?" Sagot naman nung isang mahaba ang nguso.

"Si Sir Corpuz daw ang asawa ni Ms. Suarez." Yung babaeng maputla ulit. Natawa ako sa isip ko.

"Ay bakla, sino nag sabi?" Yung kasama nilang lalaki pero mukhang malambot kumilos.

"May nakakita kasi sa kanila sa parking lot, ang sweet daw!" Sabi nung babaeng maputla.

Yan ang bulung-bulungan ng mga estudyante sa paligid mula pa kaninang umaga. Wednesday na at wala kaming klase kay Aly mamaya. Hindi rin kami natuloy sa spa kagabi kasi biglang umulan kaya dumiretso nalang kami pauwi. Naglalakad ako ngayon papuntang Cafeteria dahil lunch time na, hinihintay rin ako nila Ryleigh. Habang naglalakad ay natanaw ko sa malayo si Sir Corpuz na nakasunod nanaman sa asawa ko. Paanong hindi mapagkakamalan yan kung para siyang aso? Napailing nalang ako at binilisan ang lakad ko para maabutan ko pa sila. Hindi kasama ni Aly ngayon ang kapatid ko kaya dalawa lang silang naglalakad papunta sa kung saan. Nang maabutan ko sila ay kinuha ko agad ang atensyon ng asawa ko.

"Where are you going?" I asked my wife. Dinaanan ko lang ng tingin ang aso niya, sa susunod talaga ay ipapakulong ko na 'to sa animal shelter.

"I have a lunch meeting with the President. Did you have yours already?" Sagot niya sa akin at hinawakan pa ang braso ko.

"Not yet, papunta palang sana ako sa caf pero nakita kita dito." Gusto ko sana siyang harutin kaso madaming tao sa paligid. "Bakit kabuntot mo nanaman itong aso mo?" Inilapit ko ang bibig sa tenga niya para ibulong yun. Kinurot niya ang tagiliran ko kaya agad akong napalayo.

"Your mouth!" Irap niya sa akin. "He said he needs to discuss something with the President, that's why he's here." Sagot niya matapos akong pagalitan. Tinanguan ko lang siya at sinabayan siya sa paglalakad. Ihahatid ko nalang siya don para hindi siya matabihan ng asong ito.

"I thought you're going to the cafateria?" Tanong niya, naglalakad na kami ngayon sa direksyon ng office ni Daddy Cai. Minsan nagpupunta rin ang dad ko rito pero si Daddy Cai ang talagang nagma-manage nitong university.

"Yep, pero ihahatid nalang muna kita." I told her habang kinuha ko yung bitbit niya na ibinigay naman niya.

"Ano daw pag-uusapan niyo ni dad?" Tanong ko sa kanya.

"I don't know, he didn't say anything when he called me." Sagot naman niya, malapit na rin kami sa office ni dad. Mukhang doon lang rin sila sa office magla-lunch. Nilingon ko si Sir Corpuz sa likuran namin at nakitang masama itong nakatingin sa akin habang naglalakad kami sa unahan niya. Tinaasan ko naman siya ng kilay bilang ganti bago ako muling tumingin sa asawa ko.

"Can I join you?" Nakangusong tanong ko.

"Ask dad, not me." Masungit niyang sabi. Oo nga naman.

Maya maya pa ay nakarating na kami sa building ng office ni dad at naghintay kami elevator, tatlo lang kaming nag aabang dito. Pagkapasok ay agad kong hinapit sa bewang ang asawa ko at pinatong ang baba ko sa balikat niya. Sa likod kami ni Aly habang nasa harap si Sir Corpuz. I sighed, magkasama naman kami lagi at magkatabing natutulog pero lagi ko pa rin siyang namimiss. Napansin kong nakatingin lang sa repleksyon namin si Sir Corpuz, inggitin ko nga lalo. Inangat ko ang ulo ko at hinalikan ang pisngi ni Aly. Hindi naman ako sinaway nitong isa kaya napangiti ako. Nang huminto ang elevator ay umayos na ako ng tayo. Pinauna ko si sir Corpuz lumabas bago hinawakan ang kamay ni Aly para alalayan siyang lumabas. Pagkarating sa harap ng office ni dad ay kumatok lang si Aly at ilang minuto lang ay nasa loob na kami.

"Hi dad!" Bati ko kay Daddy Cai, niyakap ko siya at niyakap niya din ako pabalik. Huh, see that Corpuz? I'm the legal spouse!

"What brought you here, Alex?" Tanong ni dad matapos naming maghiwalay. Dumiretso naman si Aly sa upuan sa harap ng table ni dad habang si sir Corpuz ay nakatayo lang sa isang tabi.

Cruel Summer (GxG)Where stories live. Discover now