Chapter 19 - unedited

586 17 0
                                    

Flashback
———————————————————
Nag aayos na ako ng mga gamit ko ngayon, bukas kasi ay babalik na ako ng Manila. Pumapasok na rin ulit sila Aly sa school pero sinulit namin yung mga nakaraang araw. Kung saan saan kami nag-ikot at karamihan ay sa mga coffee shop at museum. Sa susunod sa Paris naman kami magbabakasyon. Pagkatapos ko mag ayos ng gamit ay bumaba ako para ipagluto sila ng dinner. Pagdating ko sa kusina ay naglabas lang ako ng pwede kong lutuin. Roast pork with potato marbles nalang. Bago magluto ay inopen ko ang gc naming tatlo at minessage sila.

Triple A

Alexys Monterde:
Dito kayo mag dinner ah! Uuwi na ako bukas. Pleaseeeeee!

Prime Monterde:
I'm on my way home. 😘

Thyrese Suarez:
I'm still finishing something but I'll be there in an hour.

Alexys Monterde:
Okay, take care! ❤️❤️

Nagsimula akong magluto at habang naghihintay ay nag b-browse lang ako sa tiktok. After thirty minutes ay dumating si Prime, nagpaalam siya sa akin na maliligo muna. Another hour has come and tapos na ako magluto. Wala pa rin si Aly. I decided to message her na.

To: Alystaire
Where ka na po? 🥺

Sana mag reply. Umakyat muna ako sa kwarto para makaligo rin, nainitan ako sa kusina kanina. Pagkatapos maligo ay nagsuot muna ako ng robe para mapatuyo ko muna ang buhok. Chineck ko rin muna ang phone kung may reply si Aly pero wala kaya nagsimula akong patuyuin ang buhok ko.

Maya maya ay nakarinig ako ng katok sa pinto. Sumigaw nalang ako na bukas iyon para hindi na ako titigil sa pag blower. Pumasok si Prime.

"Let's eat first, Thy called me. Hindi raw siya makakaabot. Nagyaya daw ng dinner yung mga kasama niya at hindi siya pinayagang mag rain check." Mahabang litanya sa akin ni Prime. Tinitigan niya akong mabuti na tila sinusuri ang reaksyon ko.

Tumango ako at ngumiti ng pilit sa kanya.
"Sige ate, magbibihis lang ako." Sabi ko sa kanya kaya tinanguan niya ako at nauna na siyang bumaba.

Nagsuot lang ako oversized white shirt at shorts. Hindi na ako nag-abalang mag bra dahil hindi naman ako lalabas at dalawa lang kami ni Prime dito.

Pagdating ko sa kusina ay nakahain na si Prime. Naupo ako sa tapat niya para di naman kami mukhang tanga. Nagsimula kaming kumain bago niya ako kinausap.

"Did you enjoy your stay here?" Tanong niya.

"Yes, I'll be back for sure!" Nginitian ko siya. Nalulungkot ako dahil hindi nakasabay si Aly pero hindi ko pwede ipakita sa kapatid ko na disappointed ako dahil nandito naman siya para samahan ako.

"I'm sorry I wasn't able to accompany you most of the time but I'm sure naman na mas gusto mong kasama si Thy kesa sa akin." Nang-aasar niyang sabi.

"Grabe ka sakin! Gusto rin kitang makasama no." Depensa ko sa sarili. "But seriously ate, thank you for welcoming me here. Akala ko hindi ka papayag nung sinabihan ka ni Daddy dahil busy ka sa school eh." Sinserong pasasalamat ko sa kanya.

"Sus, wala yun. Alam ko namang gusto mo makasama ang best friend ko." Nang-aasar nanaman siya!

"Che! Ikaw rin naman, kulang nalang pumasok ka sa loob ng phone mo para kay ate Summer." Balik kong asar sa kanya. "Gusto mo palit tayo? Sa Pinas ka na, ako na dito." Dagdag ko pa.

Cruel Summer (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon