Chapter 22 - unedited

602 18 1
                                    

Flashback pero medyo bilisan natin 🤣
———————————————————
"Love, talk to me, please?" Pakiusap ko kay Aly.

She's currently not talking to me kasi nakita niya si Vanessa na halos halikan na ako sa cafeteria kanina.

"Not now, I'm not in the mood." Sagot niya sa akin. Nandito kami ngayon sa penthouse niya sa The Empire. Katatapos lang ng klase namin kaya naki-tambay ako dito.

I'm currently in 3rd yr college and 3 years na rin kami ni Aly. Siya naman ay 2nd year na ng Master's Degree. Two years lang naman yun kaya ilang buwan lang ay g-graduate na ulit sila ni Prime. After maging kami nung 18th birthday ko ay bumalik sila ni Prime sa London, nag stay pa sila dun for two months bago bumalik dito sa Manila for good. The next school year pa tuloy sila nakapag enroll for their Masteral.

Madami rin kaming pinagdaanan pero nalalagpasan naman agad. We're legal from both sides of our family. Laging si Vanessa ang puno't dulo ng problema naming dalawa. Napaka-clingy kasi ng babaeng yun kaya laging nagagalit si Aly. Nilalayuan ko na nga minsan pero lapit pa rin ng lapit. She's my friend pero umamin siya sa akin a year ago. Nireject ko naman siya and she already knows na kami na ni Aly. Tigas rin ng bungo eh, ako tuloy napapahamak.

Nandito kami sa kwarto ni Aly, hinayaan ko muna siya para lumamig ulo niya. Nahiga ako sa lap niya at pumikit. Niyakap ko ang mga binti niya. May hawak siyang libro at sa tingin ko ay nag a-advance reading siya. Balak niya rin kasi magturo sa SMU. Need muna niya grumaduate sa Master's bago makapag proceed, madami rin kasing requirements and process na need pag daanan. Maya maya hindi ko namalayan ay nakatulog na pala ako.

Naalimpungatan lang ako nung makaramdam ako ng paglundo ng kama. Dumilat ako at nabungaran ko ang pinaka mamahal kong babae na nakatingin sa akin ngayon.

"Come on, let's eat na." Malumanay na ang expression niya ngayon. Sana naman ay hindi na siya galit, sigh.

Bumangon ako at niyakap ko siya.

"Are you still mad at me, love?" Masuyong tanong ko.

"Not anymore. Let's go, I'm hungry na." Aya niya ulit sakin kaya binitawan ko na siya at tumayo na. Pinagbuksan ko siya ng pinto saka kami dumiretso sa dining area niya. Nagluto pala siya ng aking paboritong creamy chicken with mushroom.

Kumain muna kami ng matiwasay at nagligpit ng pinagkainan bago ko siya kinausap muli. Niyakap ko siya mula sa likuran niya at hinalikan ang leeg at balikat niya.

"I'm sorry love. Umiiwas naman ako sa kanya eh, sadyang makulit lang siya. You don't have to worry about her dahil hindi ko siya gusto." I assured her. Hinawakan niya ang mga braso kong nakayakap sa kanya at tumango. Maya maya ay humarap siya sa akin at nilambitin ang mga kamay sa batok ko.

"I'm sorry too, she's pissing me off big time. I trust you, it's her that I don't." Litanya niya. Naiintindihan ko naman siya. Hindi naman siya mahigpit sa akin at mas lalong hindi niya ako pinagbabawalan sa mga gusto kong gawin o kung may labas kami nila Ryleigh. Ako lang ang kusang umiiwas kay Vanessa kasi ayoko siyang mag overthink.

Tinitigan ko muna siyang mabuti at nginitian. Pagkatapos ay unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa kanya para mahalikan ko siya. We shared a very passionate kiss and it lead us to her bedroom. We've been together for three years already but she still has the same effect on me.

"Good night, love. I love you!" Bulong ko sa kanya at hinalikan siya sa noo. Inayos ko ang kumot naming dalawa at niyakap siya ng mahigpit bago ako tuluyang pumikit.

Another year has passed and grumaduate na ulit si Alystaire at Prime sa kanilang masteral. Nag aasikaso na rin sila ng papers nila para maging ganap na Professor sa SMU. Hindi ko alam kung anong requirements ang inaasikaso nila eh, sila nalang tanungin niyo. Joke. Ako naman ay graduating na rin sa college. A year ago ay napalitan rin ang curriculum ng buong bansa. Pinatupad na ang opening ng class ay every August then 2nd sem usually ends ng June. Nagkaroon tuloy kami ng almost four months vacation because of that. Hassle tuloy kasi may pasok pa rin kahit napakainit, buti nalang ay may aircon sa each classroom. Hindi ko nalang maisip yung mga school na walang aircon, kawawa lalo ang mga bata. Maybe I'll ask my parents to check them out and do something for them.

Cruel Summer (GxG)Where stories live. Discover now