Chapter 17 - unedited

626 19 1
                                    

Tinupad ni Aly yung pangako niya sa akin na sasamahan ako sa paglilibot dito. There's only less than three weeks bago ako bumalik ng Manila. Nagkaroon din sila ng one week academic break at ngayon ang ika-2nd day kaya balak kong sulitin ang maghapon na kasama siya hangga't pwede pa. Nag a-ayos ako ngayon dahil pupunta kaming Victoria & Albert Museum. This is one of the world's largest museum. First time ko palang makakapunta pero si Aly ay ilang beses na raw nakapunta. Kaming dalawa lang ang lalabas ngayon, si Prime ay gusto lang daw matulog maghapon. If I know, makikipag video call lang siya kay Ate Summer, pinsan ni Aly. Hindi ko alam kung anong meron sa kanila pero halos lagi silang magkausap, minsan nga nakikita ko pang tulog na si Ate Summer pero naka on pa rin yung call nila.

Nagsuot lang ako ng beige wideleg pants at crop top. Kumuha na rin ako ng cardigan just in case. Nauna ako sa sala at wala pa si Aly. Pumikit muna ako sa sofa habang hinihintay ko siya. Maya maya ay nakarinig ako ng yabag mula sa hagdan kaya nagmulat ako ng mata. Saktong pagdilat ko ay nasa harapan ko na si Aly. Halos magka-terno kami ng suot. Sleeveless na racerback ang suot niya saka beige na shorts. May bitbit siyang coat na cream ang kulay. Pareho kaming naka white sneakers lang.

"Let's go?" Aya niya sa akin.

Medyo magulo yung buhok niya kaya tumayo na ako mula sa sofa at lumapit sa kanya. Inayos ko ang buhok niya saka ko siya nginitian.

"Let's go." Ngiti ko ulit at hinawakan ang bewang niya para igiya siya palabas. Halos 2 inches lang naman ang taas niya sa akin kaya walang problema, hindi awkward tignan.

Binuksan ko ang pinto para makalabas siya saka ako sumunod at inilock ito, baka pasukin si Prime ng kung sino. I opened the door sa driver's seat para sa kanya saka ako umikot sa passenger seat. Siya lang ang allowed mag drive kaya tamang passenger princess lang ako.

"Patugtog ako ha." Paalam ko sa kanya at nag connect ako sa bluetooth. Syempre dahil nasa London tayo, I played Taylor Swift's London Boy. Yun nga lang, London girl ang gusto ko hihi.

Paminsan minsan ay sinasabayan ko ang kanta, isa rin ito sa paborito ko.

"Darling, I fancy you!" Kanta ko habang nakatingin sa kanya. Tinignan niya ako at inirapan. Sungit!

"Are you hungry?" Tanong niya sa akin. Sa inilagi ko dito ay masasabi kong mas naging close kami lalo na nung sinamahan ko siya sa coffee shop near London Eye.

After nung araw na yun ay marami na rin kaming napuntahan. Itong pupuntahan namin ngayon ay pang lima na sa gagalaan namin. Minsan sumasama si Prime pero madalas ay kami lang dalawa. Madami na rin akong naipon na picture naming dalawa o kaya ay mga stolen shots niya.

"Kinda, can we eat pasta?" I suddenly craved for a carbonara.

"Yeah, sure. Do you want to eat now?" Tanong niya ulit. Told 'ya, close na kami hihi.

"How about you, are you hungry?" Balik na tanong ko sa kanya.

Tumango lang din siya. "Kain na tayo muna." Sagot ko, pagod na ko mag english.

Nagpunta muna kami sa paborito niyang italian restau para kumain. Alas 3 palang ng hapon so snack time na rin. Pagkarating namin ay nag-order agad kami ng carbonara na pinaikot sa cheese wheel, lasagna, fried chicken, and potato wedge.

"Do you like messi?" Ginaya ko si Kim Bok-joo.

"You watch too much k-drama, Prim." Plain niyang sagot.

I really like it when she calls me Prim. Tanging siya at ang pamilya ko lang tumatawag sa akin nito kaya dapat ay maging kasapi siya ng pamilya namin through me. Natawa ako sa aking isipan.

Cruel Summer (GxG)Where stories live. Discover now