Chapter 8 - unedited

710 21 12
                                    

Another 2 weeks ang lumipas simula nung iluwa ng pinto ng theater club si Ms. Suarez. Siya pala ang bagong adviser namin, which is hindi ko naisip agad. Nagbigay lang siya ng remarks about sa pagkaka-appoint niya bilang adviser namin. Mamaya ay may meeting ulit kami para sa nalalapit na Foundation week ng school.

Naglalakad ako galing parking lot ng makita ko si Ms. Suarez kasama si Sir Corpuz at saktong inabutan siya nito ng bulaklak. Tinignan niya lang yun at hindi pinansin. Nasa likuran na nila ako nung marinig ko si Ms. Suarez na nagsalita.

"Sir, would you like to be my sun?" Walang emosyong sabi nito kay sir Corpuz. Ngiting aso naman yung isa dahil sa biglang banat ni Ms. Suarez. Napasimangot ako sa kaisipang nakakakilig ang bibitawan niyang salita.

"Of course, sinong a-ayaw sa alok ng magandang katulad mo?" Ngiting aso pa ring sagot ni panget.

"Alright, then stay at approx. 151,742,423 km away from me." Muntik na ako mapabunghalit ng tawa sa narinig ko. Halos magdugo ang labi ko kakapigil sa pagtawa. Iniwanan ni Ms. Suarez si Sir Corpuz na nakasimangot na ngayon.

Akala mo makakaisa kang panget ka ha. Nung mawala si panget sa paningin ko ay pinakawalan ko na yung tawa ko.

"Para kang tanga dyan tumatawa mag-isa. Anyare sa'yo?" Bungad sakin ni Ryleigh, nakalapit na pala siya sa akin.

"Wala! Huwag ka magulo." Sabi ko kay Ry at sabay na kaming naglakad papunta sa first subject namin. Friday ngayon at wala kaming klase kay Ms. Suarez pero makikita ko siya mamaya dahil nga sa meeting.

Napakainit ng panahon ngayon, summer na rin kasi. Sino ba kasi nagpauso na ang pasok ay August? Kahit tuloy summer na ay may pasok pa dahil June pa mag e-end ang second sem. Kinuha ko ang phone ko habang naglalakad at naisipang itext si Ms. Suarez.

Nag-type ako ng sasabihin at pagkatapos isend ay ilang minuto lang ang hinintay ko ay nag reply na siya. Natawa ako sa reply niya at nireplyan ko lang ulit ng kalokohan.

Itinago ko na ang phone sa bulsa at mamaya ko nalang siya guguluhin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Itinago ko na ang phone sa bulsa at mamaya ko nalang siya guguluhin. Nakarating kami ni Ry sa room at mabilis lumipas ang oras, natapos na rin ang lahat ng subject namin. Hindi ko na ulit nakita si Ms. Suarez kahit nung lunch time. Pagkatapos ng last subject ko ay pumunta ko office niya para ayain siyang magsabay nalang kami papunta sa theater club.

Pagdating ko roon ay kakatok palang sana ako nang bumukas ang pinto at lumabas si Prime. Nagkagulatan pa kaming dalawa.

"What brought you here, sis?" Tanong ni Prime, luh siya lang ba pwede pumunta dito?

"She's our new adviser in theater club. May meeting kami maya maya at sasabayan ko lang sana siya pumunta sa office at baka may dala siyang mabibigat na gamit or something. Aalis ba kayo?" Mahaba kong sagot kay Prime.

"Nope, may inabot lang ako sa kanya kaya ako nandito. Anyway, I'll go ahead na sis. Uuwi pa ako kina Mom. Makakauwi ka ba bukas?" Tanong ulit ni Prime.

Cruel Summer (GxG)Where stories live. Discover now