Chapter 37 - unedited

576 18 7
                                    

Nauna akong umuwi ng bahay ngayon, three thirty palang ng hapon at nasa university pa si Alystaire. I asked my sister to bring her home later. Today's our 2nd anniversary. Nandito ako sa poolside at nag p-pump ng inflatable balls. Merong solid white at transparent ang kulay. Ininflate ko rin yung isang malaking pearl white colored na swimming pool, kung saan magkakasya kami ni Aly mamaya. Tapos dalawang oblong shaped na parang salbabida pero lalagyan mo ng drinks and snacks. Pagkatapos ko silang i-pump ay nilagay ko na sa pool lahat except don sa lalagyan ko ng drinks and snacks. Kinuha ko naman yung wire na may nakakabit na light bulbs at ipinalibot ito sa gilid ng pool tapos inilabas ko yung smoke or fog generating machine at sinet up ito sa kabilang dulo kung saan hindi masasagi. Maya maya ay inayos ko na yung projector at yung screen na pagpapanooran namin, pagkatapos ay nilagyan ko ng makapal na comforter at mga unan yung inflatable pool tapos ay nag scatter ako ng mga petals ng rosas.

Chineck ko ang oras at nakitang alas sinko na. In thirty minutes ay makakauwi na ang asawa ko kaya pumasok ako sa loob ng bahay at naligo. Pagkatapos ay nagsuot lang ako ng kumportableng damit. Lumabas ulit ako para ilagay naman sa floating salbabida yung drinks and snacks namin. Kinuha ko rin yung flowers na ibibigay ko kay Aly pagdating niya. Maya maya pa ay nag ring ang phone ko tapos ay chineck ko ito.

Prime Alexandria Monterde
On the way na kami.

Alexys Monterde
Thanks Ate! I owe you one!

Reply ko sa kanya. Medyo kinakabahan ako at baka hindi magustuhan ng asawa ko pero bahala na. Few more minutes ay narinig ko na yung pag bukas ng pinto ng bahay. For sure ay hahanapin ako ni Aly dahil ang pool area ay nasa likod ng bahay namin kung saan matatanaw rin ang paglubog ng araw.

"Prim! Where are you?" Rinig kong sigaw niya sa loob ng bahay.

"Pool area!" Sigaw ko pabalik. Maya maya ay rinig ko na ang takong niya na naglalakad palapit kung nasaan ako. Napanganga siya nung makita ang set up ng pool namin. Nilapitan ko siya at niyakap naman niya ako.

"Happy Anniversary, my love!" Sabi ko sa kanya nung kumalas ako sa yakap. Inabot ko naman ang flowers.

"Happy Anniversary and Happy Birthday, hon!" Bati naman niya sa akin then kissed me on my lips. Halos makalimutan kong birthday ko rin pala ngayon.

"What's going on here?" Maya maya ay tanong niya, inilibot ang paningin sa paligid. I saw happiness and love in her eyes, her smile reaches her ears.

"I prepared us dinner by the pool? Tapos watch tayo movie, may snacks din akong hinanda for the movie." I smiled at her lovingly. Tumango naman siya at niyakap ulit ako.

"Let's eat or you want to change into comfortable clothes muna? I brought you clothes." Sabi ko.

"I'll change first. Can you wait for me?" She asked me bago kinuha yung pamalit na dinala ko. Tumango lang ako kaya nag punta siyang shower area na nandito lang rin sa pool area. Pagkalabas niya ay agad ko na siyang niyaya kumain. Iginiya ko siya sa table and chair set-up na nasa ilalim ng puno, tapos ay ipinaghila ko ng upuan para makaupo na siya. Pinalibutan ko rin ng mga ilaw ang puno kanina pero medyo maliwanag pa naman dahil quarter to six palang.

"You prepared all of this alone?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Yeah, I went home early today kaya si Prime naghatid sa'yo pauwi." Sabi ko. Pinaghiwa ko siya ng steak na niluto ko at inilagay sa plato niya. Meron ding vegetable salad, mashed potato, and garlic rice. May wine rin and lava cake for dessert.

Cruel Summer (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon