Chapter 5

739 22 0
                                    

Kinabukasan, nagising ako saktong bago mag tanghalian. Dumiretso ako sa banyo para gawin ang morning routine ko at nagsuot ng kumportableng damit.

Pagkababa ay nakita ko ang dalawang hukluban kasama si sir Archie na nanonood sa sala. Naupo ako sa tabi ni sir Archie at nakinood dahil gusto ko ang palabas. Train to Busan ang pinapanood nila ngayon. Kahit napanood ko na eh pinanood ko ulit dahil mahilig ako sa zombie genre.

"Bakit maaga ka umuwi kagabi? Hindi mo man lang kami sinabihan. Naglakad tuloy kami." Reklamo ni Light.

"Pake ko sa 'yo? Pagkatapos mo akong ihulog sa pool." This time ako naman ang nang-irap sa kanya. Natawa lang si sir Archie sa tabi ko. "Anong oras ba kayo nakauwi?" Tanong ko nalang ulit habang nasa tv ang paningin ko.

"Halos alas kwatro na rin. Nakatulog na nga yung ibang friends niyo sa picnic mat dahil sa kalasingan eh." Baka friends ni Brylle tinutukoy niya. Tumango lang ako at nagpatuloy sa panonood.

"Bweset talaga 'tong matandang 'to! Garapal ang mukha!" Inis na sabi ni Ry tungkol sa isang lalaking character. Siya 'yung nakasuot ng suit, nagtago siya sa cr ng train kasama 'yung isang attendant pagkatapos ay itinulak niya palabas nung may zombie na sumilip sa pwesto nila.

At dahil ang ingay manood nung dalawa, tumayo ako at nagpuntang kitchen. Nakita ko doon si Ms. Suarez at si Mommy na nagluluto. Kapag nandito kami sa bahay, gusto ni Mom na siya ang personal na nagluluto. Nilapitan ko sila at humalik kay Mom.

"Good morning, my." Pagbati ko sa kanya.

"Good morning po." Bati ko kay Ms. Suarez.

"Morning." Himala at sinagot niya ako.

Napatingin sa amin si Mommy at kahit may gustong sabihin ay nagpasya nalang na itikom ang bibig.

"Good morning sweetie. Kumusta tulog mo?" Tanong ni Mom. Kumuha muna ako warm water at uminom bago ko siya sinagot.

"Okay lang mom. Nasaan pala si Xavier? Kahapon ko pa siya hindi nakikita." Tanong ko nalang para makaiwas sa tingin ni Mommy.

"Nasa Japan siya ngayon kasama ang girlfriend niya. Sa makalawa pa ang uwi nila." Sagot niya sakin.

Natawa ako at biniro si Mommy, "Baka pag uwi noon, may apo ka na 'my."

"Mabuti pa nga! Para may baby na ulit dito sa atin. Ayaw niyo pa akong bigyan ni Prime eh." Nagsisi ako bigla sa sinabi ko dahil sa naging sagot ni Mom.

Napatingin ako kay Ms. Suarez at walang emosyon sa mukha niya na parang walang pakialam sa pinag-uusapan namin ni Mommy. Naghihiwa lang siya ng ingredients sa counter top habang nakaupo. Hindi niya ako tinatapunan ng tingin.

Ipinagsawalang bahala ko nalang muna iyon at nagpaalam sa kanila. Babalik nalang ako sa kwarto para makapag-basa. Lunes na naman bukas at may pasok kami. Tuwing Monday, Tuesday, and Thursday ang klase namin kay Ms. Suarez at nasabi niya nung byernes na magkakaroon kami ng quiz bukas.

Agad akong nagtungo sa kwarto at nakita ko ang gamit ko sa couch malapit sa kama. Ito 'yung naiwan ko kina Tita kagabi, inihatid siguro ni Prime pagkauwi nila. Buti nagdala ako ng notes ko, kinuha ko 'yun mula sa kabilang bag at nagsimula akong magbasa.

Halos mag iisang oras na akong nagbabasa nung may kumatok sa kwarto. Lumapit ako sa pinto upang buksan at nakita si ate Sars sa labas.

"Kakain na raw po ma'am." Tumango ako at nagpasalamat, sinabing susunod na. Niligpit ko ang mga ginamit at bumaba.

Cruel Summer (GxG)Where stories live. Discover now