Chapter 15 - unedited

751 20 0
                                    

Note: this chapter onwards will be a flashback and always remember, all the name of a person, place, events, and structure are all fictional.
———————————————————

Sa wakas, summer na ulit! I've been waiting for this day to come. Summer means I'll be able to see Alystaire, my sister's bestest best friend. We're also friends but sometimes, she still treats me like a kid! My gosh, she's only three years older than me kaya. I have a huge crush on her since we were little and until now that I'm seventeen. Kapitbahay namin sila dito sa subdivision, kaso parents nalang niya ang nakatira dito ngayon. Nasa London kasi silang dalawa ni Prime tapos si ate Tyla naman na kapatid ni Alystaire ay sa Manila naka-destino dahil nandon yung company na mina-manage niya. Sa London currently nag aaral yung dalawa, si Prime ay Business Administration ang course while si Alystaire ay BA English Literature sa University of Brighton. Mas maganda rin kasi kung sa Europe ka mag a-aral about arts and literature, sila ang may madaming ambag pagdating sa larangang iyon. Actually dapat si Alystaire lang nandoon, kaso itong si Prime ayaw iwanan mag-isa si Aly at baka mapanisan daw ng laway. Graduating na rin sila next year. Ako naman 4th year high school student palang, thankfully hindi ako inabot ng senior high. Kaka-start palang kasi ng 1st batch ng SHS students ngayong taon and too late na if pati kami ay idadamay nila dahil 4th year na nga kami. Halos sabay pala kami ga-graduate, ako sa high school at sila naman ay college.

"La la la la la" I was humming because of excitement, pababa ako ng hagdan para tignan kung dumating na ba sila Prime. Ang alam ko kasi ay ngayong araw sila darating. Hindi ko lang alam kung anong oras. Pagbaba ko ay nakita ko si mommy sa sala, kinukutingting ang kanyang vase. Mukhang kakakuha lang niya ng mga bulaklak mula sa garden. I went closer to where she is and greeted her cheerfully.

"Hello to my ever beautiful mom!" Kiniss ko siya sa cheeks at naupo sa tabi niya.

"Hi honey, akala ko tulog ka?" Tanong niya sa akin habang inaayos pa rin yung flowers sa vase.

"I can't sleep mom, wala pa po ba sila Prime?" Tanong ko sa kanya.

"Oh.. you didn't know nga pala." What is it? Tinitigan ko si mommy ng may pagtataka sa mukha. Nagets naman niya kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"She called yesterday and said hindi sila matutuloy umuwi, kasi daw madami silang inaasikasong papers for their school since graduating na sila. Akala ko nagkausap na kayo ng ate mo?" Nalungkot ako sa narinig. I was so excited pa naman.

"Yes mom but she didn't tell me. Maybe she forgot." Sagot ko.

"Can I go to where they are, then?" Nagpaawa ako kay mommy. Summer naman ngayon eh, sa June pa ulit ang pasukan kaya pwede ako mag stay dun!

"Please, please mom!" I pleaded. Sana pumayag siya.

"Guguluhin mo lang sila doon eh. Tiisin mo nalang muna at uuwi naman sila sa Pasko." Hindi pagpayag ni mommy.

Mas lalo akong nalungkot kaya napa-sigh nalang ako at tumango kay mommy. I was about to leave when I heard daddy's voice.

"Xandra, hon. Let her go para makapag bakasyon na rin siya dun. She can handle herself, right Prim?" Nanlaki mata ko sa sinabi ni daddy at ilang beses akong tumango bilang pagsang-ayon.

"Please, mom?" Nag puppy eyes pa ako sa kanya.

Mommy sighed at mukhang wala na siyang magagawa kung hindi ang pumayag.

"Alright, but promise me na kapag oras ng pag-aaral nung dalawa ay hindi mo sila guguluhin." Sabi ni mommy.

"Promise, mamatay man ang mga halaman mo mom." Nakangiting sabi ko.

Cruel Summer (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon