Chapter 21 - unedited

596 17 1
                                    

Flashback
———————————————————
Time flies so fast when you're having fun talaga. Almost nasa half na ako ng 1st year 1st sem ko in college dito sa SMU. Walang pasok ngayon kasi Saturday and today's also my birthday. Nakauwi si Prime but Aly's not here. Malungkot at medyo nagtatampo ako pero naiintindihan ko naman.

Ayaw ko sana mag formal party but ayaw pumayag ng parents ko. Once in a life time lang daw ako mag e-eighteen. Hindi ko nalang siya kinontra pa. Si Kuya Archie ang magiging escort ko, kasali siya sa circle of friends ni Prime at Aly. Hindi ko lang siya masyadong nakikita kasi nasa Manila siya naka-base. Ang alam ko ay ka-something siya ni Ate Tyla.

Kasalukuyan akong inaayusan dito sa hotel room na kinuha para sa akin dahil ilang oras nalang at magsisimula na ang party na gaganapin dito sa Hotel Shangri-la. Sabi ko ay light make up lang dahil maganda na ako, baka lalo pa akong gumanda at wala na maibigay sa iba. Syempre charot lang yun. Love yourself era tayo mga sis. Makalipas ang ilang oras ay tapos na ang preparation ko. Simpleng sleeveless black gown lang din sinuot ko at meron slit sa right leg. Kumikinang kinang gawa ng maliliit na diamonds.

Maya maya ay kumatok si mommy para silipin kung ayos na ba ako.

"Happy birthday, honey! Are you ready?" Magiliw na tanong niya.

"Aye aye Mommy!" Pabirong sagot ko. Tinawanan niya lang ako at niyakap.

"Archie will be here in 10 minutes. Pag nandito na siya, sumama ka na sa kanya at bababa na kayo. Okay?" Bilin sa akin ni mommy.

Tinanguan ko siya kaya umalis na rin siya. Hindi nagtagal ay may kumatok sa pinto, si Kuya Archie pala.

"Hi Lex! Happy Birthday!" He hugged me afterwards.

"Thank you, kuya! Are we going na ba?" Tanong ko sa kanya.

"Yes, let's go na. Kapit ka na sa akin." Gaya ng sabi niya ay umangkla na ako sa braso niya para maalalayan niya ako. Ilang saglit pa ay lulan na kami ng elevator papunta sa grand ballroom ng hotel. Makalipas ang ilang minuto ay nakatayo na kami sa harap ng isang nakasaradong pinto.

"Let's all welcome, our birthday celebrant, Ms. Alexys Monterde!" Rinig kong anunsyo ng emcee. Bumukas ang pinto at nagpalakpakan ang mga tao.

Karamihan sa narito ay mga business partners ng parents namin nila Aly. Konti lang ang friends namin na nandito ngayon. Even Vanessa is here, yung nameet ko sa London way back. Sa SMU din kasi siya nag-aaral ngayon. Good thing ay magkaiba kami ng course, ang alam ko ay related sa fashion designing ang kinukuha niya.

Naglakad kami ni Kuya Archie from the entrance hanggang sa stage. Akala mo tuloy ay ikakasal kami. May red carpet pa sa gitna. Nang makarating sa stage ay nagpasalamat ako kay Kuya Archie bago siya bumaba at magtungo sa assigned table sa kanya. Inilibot ko ang aking paningin pero wala talaga si Alystaire. Pinilit kong ngumiti ng masaya para hindi mabigo ang mga taong nasa harapan ko ngayon.

Nag proceed kami sa normal na programa tuwing may 18th birthday na ginaganap. Ang 1st dance ko mamaya ay si daddy, ang last dance ko ay si kuya Archie dahil siya ang escort ko. Gusto ko sana ay si daddy ulit ang last kaso kinontra nila ako. I don't know why though.

Matapos ang ibang ganap ay kumain kaming lahat. Kumuha ng sikat na banda sila mommy para magbigay ng entertainment habang kumakain ang lahat. Pagkakataon ko rin ito para makipag socialize. Una kong pinuntahan ang table ng mga pinsan ko sa mother side.

"Hi couzzos! I hope you're all enjoying the party tonight." Bati ko sa kanilang lahat. Mga anim lang naman sila.

"Thanks for inviting us couz! Next time ay mag travel naman tayo together." Sabi ni Lauren.

Cruel Summer (GxG)Where stories live. Discover now