Chapter 10 - unedited

672 19 1
                                    

Mabilis lang lumipas ang weekend, parang lumilipad lang ang mga araw. Yung tipong kakapikit ko lang pero nag iba nanaman ang araw. Wednesday na ngayon at kasalukuyan akong nasa practice room dito sa loob ng theater club. Si Dory at Paula lang ang nakakaalam kung anong gagawin ko sa talent show. Siguro maging stand-up comedienne nalang ako. Syempre joke lang. Baka walang bumoto sakin kasi waley ang jokes ko.

Araw-araw ko dinadalhan ng breakfast or kung anong food si Ms. Suarez, kung hindi man ako makapunta sa kanya tuwing umaga ay sa tanghali o hapon ko naman iyon ginagawa. Masasabi kong naging malapit na ang loob niya sa akin, yun nga lang ay masungit pa rin siya. Inilabas ko ang phone ko at nagtipa ng mensahe para sa aking irog.

To: Ms. Sungit
Hello madlang people, mabuhay! Mini miss u so much.

Sinend ko sa kanya ang text ko at hindi umasang mag rereply siya. Bumalik ako sa pagp-practice at humihinto lang ako tuwing iinom ng tubig. Nag break ako for 10 minutes at chineck ko ang phone ko. May reply pala si Ms. Suarez, one hour ago na.

From: Ms. Sungit
Stop annoying me, Ms. Monterde. Focus on your practice session.

Kahit sa text ay napaka-sungit pa rin hay nako. Naisipan kong dalawin siya mamaya pagkatapos ng practice ko. Sa isiping yon ay sinipag ako at bumalik na sa pag practice para matapos na ako dito. Nag focus ako sa ginagawa at isang oras ang lumipas ay natapos din ako. Hindi naman ako pinagpawisan dahil secret.

Kinuha ko ulit ang phone at nag text kay Ms. Suarez.

To: Ms. Sungit
Hi, Miss. Wru?

Mabilis lang din siyang nag reply na akala mo ay naghihintay talaga ng text ko. Syempre delulu tayo eh.

From: Ms. Sungit
Somewhere, with someone.

Edi wow? Hindi ko naman tinatanong kung may kasama siya. Kainis talaga. Dahil dun ay nagpasya nalang akong umuwi. Bukas ko nalang siya guguluhin. Magpakasaya muna siya kasama ang someone niya.

Alas sais na ng makauwi ako sa bahay, nagpahinga ako saglit at naligo. Naisipan kong dalawin ang resto ko dahil ilang beses ko na sinabing dadalawin ko pero hindi ko na nagawa-gawa. Nag suot lang ako ng comfy clothes dahil hindi naman ako makikipag date. Sleeveless na sando at high waisted shorts ang sinuot ko tapos kumuha ako ng cardigan at nag white sneakers. Pagkatapos ay lumabas na ulit ako. Nag drive ako ng halos 30 minutes bago narating ang resto. Pumasok ako sa loob at dumiretso sa kitchen. Busy silang lahat sa loob at nung makita ako ay parang nataranta pa sila. Agad lumapit sa akin ang head chef na si Chef Reese. Pinsan siya ni Ryleigh at talagang siniguro ko na makukuha ko siya nung tinatayo ko palang itong resto. Maganda kasi ang reputation niya at talagang masarap siya magluto. Siya rin ang personal na nag t-train sa mga chef na kasama niya.

"Hi Lex, napadalaw ka ata?" Bati sakin ni Reese. Close kami at minsan napagkakamalan kaming magkapatid. Bumeso ako sa kanya bago ko siya sagutin.

"Ngayon lang ako nagka-oras dumalaw dito, gusto ko lang kayong kumustahin." Ngiti ko sa kanya. Binati ako ng ibang nasa kitchen at binati ko rin sila pabalik. Nagsibalikan na sila sa mga ginagawa bukod kay Reese.

"Ayos lang naman kami dito, palaging busy dahil dinudumog talaga ng mga tao lalo na nung nagpunta dito yung isang singer." Naka-ngiting kwento ni Reese sa akin.

"Mabuti naman kung ganon. So Chef, pwede mo ba akong lutuan ng specialty mo ngayong gabi?" Pagbibiro ko sa kanya, pero gutom na rin talaga ako. Tinawanan niya ako at tumango siya. Lumabas ako ng kitchen at nagpunta sa office dito para kumustahin naman ang manager.

Papalapit palang ako sa pintuan ay bumukas na ito. Pinapasok ako ni Eury sa loob ng opisina at saka siya nag report sakin nung makaupo ako sa swivel chair doon. Masaya akong marinig na mataas ang sales namin at walang kahit anong problema ang resto. Lumabas na rin siya pagkatapos at iniwan ako mag-isa. Pagdating sa pamamahala ay full time kong ipinagkakatiwala kay Eury at Reese ang lahat. Kung may kailangan mang pirmahan o reviewhin ay saka lang ako pumapasok sa eksena. Professional ang dalawa at magaling talaga kaya malaki rin palagi ang bonus na binibigay ko sa kanila.

Ilang saglit pa ay may kumatok na serbidora, "Ma'am, san niyo po gustong kumain? Dito na po ba o sa labas po?" Gusto ko sanang sabihin na syempre sa plato sa ibabaw ng mesa alangan naman sa lapag ako kumain.

"Dito nalang please, thank you." Sinagot ko nalang siya ng matino. Limang minuto lang ang lumipas at may kumatok ulit. Binuksan ko ang pintuan at sunod sunod silang pumasok para ayusin ang mesa at ilapag ang mga pagkain. Parang ang dami naman nito? Ako lang naman ang kakain.

Nagpasalamat ako sa kanila at isa isang tinignan ang mga putahe. May grilled country ribs, corn and carrots, australian sirloin steak, mashed potato, at garlic rice na nakahain ngayon. Pagkatapos kong mag pray ay sinimulan ko na ang bakbakan.

Busog na busog ako matapos kumain, hindi ko halos naubos at pina-take out ko nalang. Para kung magutom ako sa bahay ay may makakain pa ako. Syempre nagbayad ako dahil bawas yun sa inventory namin at kailangan ay mai-count sa sales. Nagbilin lang ako sa kanila tapos ay umalis na ako.

Papalabas ako ng resto ng mahagip ng paningin ko si Ms. Suarez, nag-iisa siya ngayon sa tabi ng kalsada at patingin tingin sa relo niya. Nilapitan ko siya para tanungin anong ginagawa niya dun.

"Hi Miss ma'am. Anong ginagawa mo dito? Gabi na po ah." Tanong ko sa kanya pagkalapit ko. Tumingin siya sakin bago sumagot.

"I'm waiting for a taxi. My sister used my car because there's an emergency in her office." Oh so sister pala niya ang kasama niya kanina. Gumaan ang loob ko pagkarinig doon. Inalok ko siyang ihahatid at hindi na siya tumanggi pa. Mukhang pagod na rin siya.

Lumapit kami sa sasakyan ko at pinagbuksan ko siya ng pinto. Pagkapasok niya ay dali na rin akong umikot para makaalis na kami. Medyo binilisan ko ang pagmamaneho dahil nga mukhang pagod na siya pero may pagiingat pa rin. Halos 40 mins bago kami nakarating sa The Empire. Pinagbuksan ko siya ng pinto at nagpasalamat siya pagkababa. Hindi na ako sumama para makapahinga siya ng maayos.

"Good night ma'am." Nginitian ko siya.

"Good night. Thanks for driving me home." Sagot niya. Gusto niya idrive ko pa siya like crazy eh. Joke. Hinintay ko siyang makapasok sa elevator bago ako umalis.

Nakapasok na ako sa subdivision ng makareceive ako ng text galing kay Ms. Suarez. Huminto ako saglit sa gilid para basahin ito.

From: Ms. Sungit
Thanks again for driving me home. Take care. See you tomorrow. :)

Wow, himala. Replyan ko nalang siya pag-uwi ko. After another 5 minutes ay narating ko na ang bahay ko. Nilock ko lang ang gate pagtapos ko mag park sa garage saka ako pumasok sa bahay. Nilock ko na din ang main door bago umakyat papunta sa kwarto ko. Pagkarating sa kwarto ay nagpahinga ako saglit, kinuha ko ang phone at nireplyan si Ms. Suarez.

To: Ms. Sungit
I just got home. No worries, you always have my back. :) Good night! See you tomorrow.

Pagkatapos mag reply ay nag freshen up lang ako at nahiga na sa kama. Medyo inaantok na rin ako kaya matutulog na ako. Bukas na ako magbabasa dahil wala naman kaming klase bukas ng umaga, si Ms. Suarez lang ang klase ko sa buong araw at 1:30pm pa yun. Nakatulog ako kakaisip kay Ms. Suarez.

Cruel Summer (GxG)Where stories live. Discover now