Chapter 33 - unedited

644 18 2
                                    

Tirik na tirik na ang araw kaya naisipan naming mamalagi nalang sa poolside kung saan may malaking payong kaya pwede kami magpahinga ng hindi naiinitan. Galing kami sa dalampasigan kanina at ngayon nga ay alas dos na ng tanghali. Nagising lang kami ng maaga kanina para mag breakfast at mag lakad lakad habang hindi pa maaraw pagkatapos ay nag water activities hanggang lunch time. Babalik sana kami ngayon kaso napakainit naman kaya dito nalang kami sa poolside. Kasama ko syempre ang asawa kong sobrang hot sa suot niyang puting bikini top at shorts. Naka upo ako sa sun-lounger habang siya naman ay nasa pagitan ng mga hita ko at nakasandal sa akin. Nakapatong ang baba ko sa ulo niya dahil medyo mababa siya sa akin ngayon habang siya naman ay nag b-browse lang sa phone niya.

"Do you want anything, love?" Tanong ko sa kanya. Ang mga kamay ko ay nakayakap naman sa bewang niya bilang suporta.

Umiling lang siya at lalo pang sumandal sa akin. Pumikit naman ako para damhin ang simoy ng hangin.

"Lex, ako hindi mo tatanungin?" Sabat ng ambisyosa kong pinsan. Muntik ko nang malimutan na kasama namin siya dito sa poolside.

"Bahala ka na sa buhay mo. Matanda ka na!" Sabi ko sa kanya, nanatili pa rin akong naka pikit. Kinurot naman ni Aly ang hita ko kaya napadilat ako ng wala sa oras.

"Why?" Nakangusong tanong ko.

"Stop bullying your cousin." Saway niya sa akin. Dinilaan naman ako ni Light bilang pang-asar sa akin.

"Buti nga sa'yo! Sama kasi ng ugali." Dagdag pa niya. Inirapan ko lang siya dahil baka makurot nanaman ako.

"Shut up! Go find Ryleigh! Baka nagkakalat na yun kung saan." Sabi ko kay Light. Kaming tatlo lang kasi ang nandito sa poolside.

"Hayaan mo siya, malaki na siya." Natawa ako sa sagot ni Light. Parang pareho lang ng sagot ko kanina eh. Hindi ko na siya pinansin at hinayaan siyang manahimik sa kinauupuan niya.

"What happened to your student, love? The one with anxiety." Tanong ko dahil bigla ko itong naalala.

"The parents talked to Renz, the kid, and asked him about what he felt and what triggered him to burst out like that." Panimulang kwento niya. Itinigil niya ang pagkalkal sa phone at humarap sa akin. Another thing that I love about her, whenever she's telling me a story or something, she'll focus on me unless she's doing something really important.

"And then?" Pag encourage ko na ituloy niya ang kwento niya.

"Renz told them that there was a kid who tried to hurt him by stabbing his hand using the other end of a paint brush and when he told the staff, they didn't believe him. The kid denied and turned the situation the other way around. Renz felt so helpless and powerless so he did what he did." She sighed deeply. I can feel that she's really affected by it.

"I can see his potential and I know that he really love what he's doing so I offered his parents that I'll teach him personally at our house every Saturday if he doesn't want to go back in the studio anymore, which they accepted." Ngumiti siya sa akin kaya nahawa na rin ako.

Nakaharap pa rin siya sa akin kaya hinaplos ko ang ulo niya tapos ay ninakawan siya ng halik sa labi na ikinairap lang niya. Sayang nga naman kung hindi ipagpapatuloy ng bata ang gusto niya dahil lang sa mga taong nakapaligid sa kanya.

"As for the staff who ignored Renz, I'll talk to them next week when we get back. As of now, they're suspended." Dagdag niya.

"I'm so proud of you, my love!" Nakangiting sabi ko. She has this soft spot for kids talaga kaya gagawin niya lahat kung ano tingin niyang tama. Nginitian lang din niya ako at muli siyang sumandal sa akin.

Nanatili lang kami sa poolside hanggang alas singko ng hapon at ngayon naman ay nasa dalampasigan kami nakaupo at hinihintay ang pag lubog ng araw. Maya maya ay tumayo si Alystaire at hinubad ang shorts niya. Naiwan nalang ang suot niyang white bikini.

Cruel Summer (GxG)Where stories live. Discover now