Chapter 36 - unedited

583 16 4
                                    

Finally, Friday na at last day na ng exams! Patapos na ako sa sinasagutan kong papel nung may kumatok sa pinto ng room namin. Agad namang tumayo ang proctor para buksan ito. Hindi ko naman pinansin at nagpatuloy sa pagsagot, two questions nalang kasi tapos essay pa yung last.

"Ms. Monterde, are you finish with your exam?" Napa angat ako ng tingin sa proctor nung narinig ko ang tanong niya.

"Almost done, ma'am." Sagot ko naman.

Babalik na sana ako sa pag sagot nung may sumilip sa pinto at bumungad ang walang emosyong mukha ng asawa ko. Nagulat man ay napangiti ako.

"Hala, ang ganda!"
"Miss ko na si Ms. Suarez as a prof, kahit masungit."
"Sinusundo kaya niya yung asawa niya?"

Bulung-bulungan sa loob ng room, kahit si Ry ay nakatingin sa akin ng pang-asar. Tatayo na sana ako nung pinigilan ako ng asawa ko.

"Finish your exam first then please proceed to my office." Sabi ni Alystaire, ngumiti siya ng konti bago nagpasalamat sa proctor at umalis.

Binilisan ko na ang pagsasagot ko para maka sunod ako agad sa kanya. Pagkatapos ay nagpaalam na ako kay Ryleigh.

Nagmadali ako maglakad papuntang office of the President, naks. Nang makarating ay kumatok muna ako bago pumasok. I saw my wife sitting in her swivel chair, nakatutok sa laptop.

"Hi love! Akala ko next week ka pa babalik?" I asked her. Lumapit ako para bigyan siya ng halik sa noo.

"Yeah, I got bored sa house so I decided to come today. I texted you before I left." Taas kilay na sabi nito. Napakamot naman ako sa noo dahil hindi ko pa nache-check ang phone ko dahil sunod-sunod ang exam. Last subject na yung kaninang pinuntahan niya ako.

"Nag lunch ka na?" Tanong ko. Past 2 in the afternoon na rin kasi.

Tumango naman siya. "I brought you lunch." Sabi niya. Patuloy pa rin siya sa pag ta-type ng kung ano sa laptop.

Nagtungo naman ako sa couch, may paper bag sa table. Hindi pa rin ako nag lunch kasi tatlong subject inexam ko today, 30 minutes lang ang break pagkatapos nung nauna tapos sunod sunod na from eleven am to two pm. Inilabas ko yung Tupperware sa paper bag. Naexcite naman ako kasi rice and baked salmon with corn and carrots yung dinala niya. Nagsimula akong kumain at inalok ko naman siya pero tinanggihan lang niya.

"What are you doing?" Tanong ko. Patapos na rin ako kumain.

"Just some paper works." Maikling tugon niya, abala pa rin sa laptop.

"Mag isa ka lang nag drive?" Tanong ko ulit.

"No, I asked your sister to pick me up." Tumingin siya sa akin saglit kaya tinanguan ko siya.

Tapos na rin akong kumain kaya hinayaan ko nalang muna siya sa ginagawa at tahimik lang na tumambay dito sa office niya. Maya maya ay nag ring ang phone ko at nakita si Prime tumatawag.

"Hey little sis!" Bati niya sa akin.

Sinagot ko naman ito, "Hey! Why?"

"Sabay ako tomorrow pauwi. Ipapa-maintain ko kasi ang car ko sa casa bukas ng umaga." Sabi naman nito sa kabilang linya.

"Okay, alis tayo after lunch?" Sagot ko. Napatingin naman sa akin si Aly.

"Sure. Thanks sis!" Binaba na niya ang tawag bago pa ako makasagot.

"Who's that?" Taas kilay na tanong ni miss ma'am.

"Si Prime, sabay daw siya sa atin bukas pauwi." Sagot ko. Tumango naman siya at nagpatuloy sa ginagawa niya.

Cruel Summer (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon