Chapter 25 - unedited

736 20 15
                                    

I woke up in the middle of the night because Alystaire is crying beside me. Nag-panic ako dahil talagang namumula na ang mga mata niya kakaiyak.

"What's wrong, love?" Inayos ko ang magulo niyang buhok at pinunasan ang mukha nyang hilam na sa luha.

"I want to eat a penoy na hinihigop. Can you buy something for me?" Nakahinga ako ng maluwag at cravings lang pala ang iniiyakan niya. She's one and a half month pregnant now. Nai-announce na rin namin sa family namin ang pagbubuntis niya at lahat sila ay tuwang tuwa. Unang apo ito kung sakali dahil single pa rin naman si Prime at Ate Tyla hanggang ngayon.

"But don't leave me here." Sumisinghot na sabi niya. Tumango ako sa kanya at hinagilap ang phone para istorbohin si Prime.

"What?" Iritang sagot ni Prime sa akin.

"Can you buy penoy na hinihigop for Aly? Please buy a dozen na Ate. Ayaw niya ko umalis sa tabi niya eh." Napabuntonghininga nalang si Prime sa kabilang linya bago nag okay at pinatay ang tawag.

Kung tutuusin ay mild lang ang pregnancy cravings ni Aly sa ngayon, hindi katulad ng iba na naghahanap ng strawberry na lasang orange kaya hindi ako nahihirapan.

After thirty minutes ay dumating si Prime bitbit ang request ni Aly.

"Thanks Ate, would you like to sleep here para hindi ka na mag byahe pauwi?" Alok ko sa kanya. Naglagay kami ng room talaga para sa kanya. Alam naman nating parang kambal sila ni Aly. Tinanguan lang niya ako at dumiretso na sa taas.

Umakyat na rin ako papunta kay Aly, nakita ko siyang nanonood ng tiktok vids.

"Love, can you dance for me? Please?" Nakangusong request niya. She looks so cute right now, how can I refuse her?

Nagkakamot sa ulo akong tumango.

"What would you like me to dance?" Tanong ko. Ipinakita niya sakin yung nakita niya sa tiktok. Yung ting ting tang ting challenge. Napakamot ulit ako sa noo bago ko siya sinunod.

Tawa siya ng tawa habang nanonood sa akin, kasalukuyan na rin siyang kumakain nung penoy niya. Natawa nalang rin ako dahil ang saya saya niyang tignan.

KAKATAPOS lang ng klase ko nung makareceive ako ng text galing kay Aly.

From: Alystaire
Prim, can you buy me a pasta and garlic bread, please?

Lumabas ako ng school para bumili ng gusto niya at pagkabalik ko ay agad ko siyang tinawagan.

"Love, san ka po? Office mo?" I asked her habang naglalakad galing parking lot.

"I'm here in my class, Arts Building 4th Floor, Room 406." Sagot naman niya.

"Should I bring your food there or iwan ko nalang sa office mo po?" Sabi ko ulit.

"No, please come up here. I'll wait for you." Sabi niya at pagkatapos ay ibinaba ang tawag. Napakamot nalang ako sa sentido bago naglakad patungo sa building na binanggit niya. Sakto ay doon sa 5th floor non ang next class ko at may isang oras pa ako bago mag start yun.

Sumakay ako ng elevator at nang makarating sa tamang floor ay naglakad ako papunta sa room.

"403, 404, 405...... 406!" Pagbibilang ko sa bawat room na madaanan ko. Kumatok ako at hinintay na buksan niya ang pinto.

"Come in." Sabi niya pagkabukas niya ng pinto. Sumilip muna ako at nakitang may sinasagutan ang mga estudyante niya. Nagpa-long quiz siguro. Kaya pala nagagawa niya akong itext at tawagan.

Cruel Summer (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon