Chapter 32 - unedited

640 14 2
                                    

I woke up in the middle of the night feeling thirsty. Dumilat ako tapos ay dahan dahang bumangon at kinuha ang tubig sa side table para inumin. Matapos uminom ay nilingon ko ang asawa kong mahimbing ang tulog. Chineck ko ang oras at nakitang two thirty-seven palang ng madaling araw. Tinignan ko muli si Aly, naka awang ng konti ang bibig niya. Napakaganda pa rin talaga kahit tulog. Bumaba ang tingin ko mula sa mukha niya papunta sa leeg at sa cleavage niyang lumilitaw sa suot na manipis na pantulog. Iwinaksi ko sa isip ang init na naramdaman. Bumangon ako para magtungo sa banyo at umihi. Nang matapos ay nag ayos lang ako ng sarili bago bumalik sa kama at nahiga. Sumiksik ako kay Alystaire at agad naman niya akong niyakap at hinalikan sa ulo, tapos ay hinagod ang likod ko.

Ganito talaga siya, kahit gaano siya kaantok ay didilat siya kahit ilang segundo para lang yakapin ako pabalik o halikan ako sa labi, sa noo, o sa ulo basta naramdaman niya akong gumalaw palapit sa kanya. This is just one of the things I love about her. Niyakap ko siya ng mahigpit bago muling pumikit. Dahil sa paghagod niya sa likod ko ay agad rin akong nakatulog ulit.

Pag gising ko ulit ay umaga na, nasa tabi ko pa rin ang asawa kong mukhang napagod at nastress talaga sa meeting niya kagabi. Hinayaan ko lang siyang matulog at dahan dahan akong bumangon. Bumaba ako sa kitchen para uminom ng maligamgam na tubig tapos ay naghalungkat sa ref ng pwedeng iluto for breakfast. I decided to cook soft-scrambled egg, hotdogs, and bacon then nag toast lang ako ng bread. Nag timpla na rin ako ng milk para kay Aly. Pagkatapos ay umakyat na ako sa kwarto bitbit ang ginawa kong breakfast. Tulog pa rin siya pagkapasok ko sa kwarto. Napatingin ako sa wall clock at nakitang eight thirty na ng umaga. Nagtungo muna ako sa banyo para mag toothbrush at maghilamos bago ko pupugin ng halik ang asawa ko para gisingin siya.

"Love? Wakey wakey!" Sinundot sundot ko pa ang pisngi niya. Nandito ako sa gilid niya nakaupo sa bed.

Idinilat niya ang mga mata at ngumiti nung makita ako. Ipinulupot niya sa batok ko ang mga kamay niya kaya mas napalapit ang mukha ko sa kanya. Hindi ko na napigilan at kinintalan ko siya ng halik sa labi.

"Good morning, my love! Breakfast na. Wala ka bang lakad today?" Masuyong sabi ko, hinawi ko yung buhok niyang nalaglag sa noo niya. Umiling naman siya bilang sagot bago pumikit ulit. Naka yakap pa rin siya sa leeg ko.

"I cooked us breakfast. C'mon. Let's sleep nalang ulit after eating." Sabi ko ulit. Dumilat naman siya para irapan ako pero bumangon din naman. Sumandal siya sa headboard ng kama at humikab. Cutie! Nalaglag yung strap ng suot niyang pantulog kaya inangat ko ito hanggang balikat niya. Matapos ay kinuha ko yung foldable bed tray na may lamang food namin.

"Good morning, hon." Bati niya sa akin tapos ay kumain lang kami ng tahimik. Hindi talaga kami madaldal kapag kumakain dahil baka raw mabilaukan kami pero minsan ay kinukulit ko siya kapag nabibingi ako sa katahimikan.

Pagkatapos mag breakfast ay nagpahinga lang kami saglit at gaya ng sabi ko, natulog ulit kami. Bihira lang kami makabawi ng tulog dahil minsan, kahit weekend ay may work kami pareho o kaya nag rereview ako tapos siya naman ay naghahanda para sa mga susunod na lectures niya. Maghapon lang kaming nag stay sa bahay, ako ang nagluto para sa amin ng lunch at dinner. Nanood lang rin kami ng movie tapos ay natulog. Kumbaga, nag bebe time lang kami ngayong linggo.

Kinabukasan, maaga kaming naghanda papasok sa school. Napanganga naman ako nung makita ko kung gaano kaganda at sexy ang asawa ko sa suot niyang black dress na hapit sa katawan niya. Walang sleeves yung kabilang kamay habang yung isa ay may long sleeves. Exposed din ang flat niyang tyan at curves sa gilid. Damn girl!

"You're drooling." Nakangising sabi ni Aly. Agad naman akong napahawak sa bibig at napasimangot nung hindi naman totoo.

"You're so unfair! Why are you so beautiful and sexy and hot at the same time? Aaligid nanaman sa'yo niyan yung husband mo raw!" Nakasimangot na sabi ko. Tinawanan naman niya ako saka ako nilapitan at ikinawit ang mga braso sa leeg ko. Agad ko naman siyang niyakap sa bewang. Hinalikan niya ako sa labi bago nagsalita.

Cruel Summer (GxG)Where stories live. Discover now