Chapter 14 - unedited

690 28 2
                                    

Dumating ang araw ng talent show, busy ang lahat sa pag p-prepare. I'm not feeling good today, mabigat ang pakiramdam ko. I just want to stay in my room and hug my comforter but I need to be here today. Hindi ang school ang mag a-adjust sa nararamdaman ko. Mamayang 6pm ang start at alas dos palang ng hapon. Wala ring klase ngayon para magbigay daan sa talent show. Kung tutuusin hindi naman talaga to big event, parang opening lang para sa foundation week na magsisimula sa lunes.

Nandito ako sa theater club office at nagpapahinga. Ayoko na masyadong magkikilos at baka pag pawisan ako. Wala rin ako sa mood makipagkapwa tao ngayong araw kaya nagku-kulong ako dito. Hindi ko pa rin nakikita si Ms. Suarez ngayong araw. Two weeks na lumipas mula nung inalagaan niya ako sa bahay.

Maya maya ay nag vibrate ang phone ko at nakita ko ang encouragement ng mga mahal ko sa buhay.

The Monterdes 😎

Daddy 👨🏼
Good luck, darling!
Mommy 👩🏻
You can do it, honey! 😍
Bunso 👦🏼
Go, ate! I know you'll win!
Big sis 🧒🏻
We'll be there later! 😘
Middle sis 👧🏼
Thanks, fam! I love you all!

Yep, meron na kaming family gc. Recently lang naisipan gumawa kasi medyo techy na ang parents namin. Si Prime nag-isip ng group name pati nicknames namin, para daw cool. Lumabas tuloy pagiging middle child momints ko. Pagkatapos replyan sila mommy ay yung gc naman namin nila Light ang inopen ko.

⚖️ Trio Tagapayo ⚖️

Meralco 💡
Babae, galingan mo ha! Libre mo kami pag nanalo ka 💅

Ryleigh the horsey 🐴
Good luck, Alexys!! Pataubin mo silang lahat 🤙🏻
Alexys with a y
Thank you girls! ❤️

Pagkatapos ko silang replyan ay itinago ko na ulit ang phone ko. Walang message galing kay Ms. Suarez. Baka busy si ante. Siya ang adviser namin kaya for sure marami rin siyang pinagkakaabalahan. Pagsapit ng 5pm ay inayusan na nila ako. I wore a white v-neck shirt, naka tuck-in sa black pants ko tapos pinatungan ng black leather jacket then white dr. Martens na boots. Light make up lang ang inapply sakin at nag suot na rin ako accessories.

30 minutes before the start ay nasa back stage na kami. Meron kaming sari-sariling pwesto at pag kami na ang susunod na mag pe-perform ay dadalhin kami sa isang room na may tv para makita namin yung current na nagpe-perform. Ako yung last sa performer and anim kaming kasali. Pangatlo palang yung nag pe-perform kaya chill pa ako sa pwesto ko. Nag vibrate ang phone ko kaya tinignan ko ito.

From: Ms. Sungit
Good luck.

Simple lang ang message niya pero lakas ng impact sa akin. Napangiti ako at medyo gumaan ang pakiramdam ko. Nandito pa rin yung bigat pero kahit papaano ay gumaan nung nagparamdam siya. Hindi ko talaga siya nakita maghapon kaya sana ay makita ko siya sa crowd mamaya.

Another twenty minutes came, pinapunta na ako sa waiting room. Kasalukuyan nang nag pe-perform yung 5th contestant. Ilang minuto lang ay ako na ang sasabak. Kinabahan ako ng konti pero alam kong kaya ko 'to. Ako pa, nag bonakid ako nung bata ako 'no. Maya maya pa ay may kumatok bago binuksan ang pinto.

"Kayo na po ang susunod. Need na po mag stand-by sa likod ng curtain." Nginitian ako nung nagsundo sa akin. Tumango lang ako at nagpasalamat.

Sumunod ako sa kanya at ngayon ay naghihintay ako dito sa likod para tawagin ang pangalan ko. Isang beses ko pang pinasadahan ang ayos ko bago ako nakampante. Maya maya lang ay nag intro sila sa akin at tinawag na ang pangalan ko.

Cruel Summer (GxG)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ