Chapter 12 - unedited

629 17 4
                                    

After class ay hinatid ko si Thyrese sa office niya at pinaalalahanan ko siyang pupunta ako sa condo niya mamaya. Pagkatapos ay dinaanan ko si Prime sa office niya dahil ihahatid ko siya.

Kumatok ako sa pinto ng office niya at binuksan ko ito nung pinapasok niya ako.

"You're so early, 7pm pa ang dinner ko." Reklamo ni Prime.

"Anong early, 5:30 na kaya. Hindi ka naman siguro b-byahe at exactly 7?" Pang-aasar ko sa kanya. Rush hour na.

"Fine, annoying ka rin minsan eh no? Give me another 10 minutes to wrap this up." Turo niya sa mga paper works niya.

Tinanguan ko nalang siya then I sat down sa couch niya. Naglaro ako car cops while waiting. Nakalimutan ko kasi i-update yung BPTG ko kaya hindi ko pa malaro.

"Who's your date ba?" Naisipan kong itanong kay Prime. Napangisi ako nang maisip ko ang isang tao. "Si ano ba?"

"Sinong ano? Tigilan mo ako ha. Client ang ka-dinner ko later." Wehhhh???

"Talaga? I'll text your special someone para isumbong ka." Pang-iinis ko lalo. Pikon din kasi 'tong kapatid ko.

"Shut up! I should've called Xav instead of you." See? Pikon talaga.

"Nye nye nye, he won't answer you because ka-facetime non lagi jowa niya. Sabaok!" Sabi ko ulit. Inirapan niya ako at ilang minuto pa ay nagligpit na siya.

"Let's go, I can't stand your annoying ass today." Pagsuko ni Prime. Tinawanan ko lang siya. Hindi naman niya ako matitiis, di lang niya ako makita ng ilang araw eh tatadtarin na ako ng tanong kung nasaan ako. Daig pa si mommy.

Hinatid ko siya sa Primavera's, doon daw sila mag di-dinner. Hindi ko na siya susunduin kasi magpapahatid nalang raw siya sa kasama niya pauwi. Since nandito na ako sa resto, nag take out nalang ako foods. Halos 30 mins din akong naghintay bago ako nakaalis at nagpaalam kay Prime.

Nagbyahe ako pauwi muna sa bahay para makaligo. Hindi ko na ipinasok sa garage ang sasakyan at pinark ko nalang sa tapat ng bahay. Pumasok ako agad para makaligo. Matapos maligo ay nag suot lang ako ng pair of pajamas. Gabi naman na eh, hindi na ako lalabas bukod sa condo ni Ma'am. Nagpabango lang ako tapos sinuot ung white Gucci slides ko.

Pagkaalis ko ng bahay ay nag drive ako papuntang The Empire. Diretso ako sa basement. Hindi pa ako nakakapag-park ay nakita ko na si Ms. Suarez, kasama si Ben. Pumasok silang dalawa sa isang sasakyan. Kinuha ko ang phone ko at dun ko nakitang may message pala si ma'am.

From: Ms. Sungit,

I'm sorry, I can't accommodate you. I have an emergency tonight.

It was sent 30 minutes ago. I sighed and waited for them to leave the basement bago ako umalis din. Nung may nadaanan akong convenience store ay bumaba ako saglit para bumili ng canned beers at horoyoi suntory, yung yakult saka sprite flavor. Dumiretso ako sa condo ni Ry nang walang pasabi. Nag park ako at pagkatapos ay pumasok sa elevator. Hindi ko na need mag iwan ng ID kasi nasa visitor's list ako ni Ry.

Nag-doorbell ako at nung buksan niya ang pinto ay nagulat pa siya sa pagdating ko.

"Are you up for a drink tonight?" Nakangiting tanong ko sa kanya. Niluwangan niya ang pagkabukas sa pinto at pinapasok ako.

Pagkapasok ko ay dumiretso ako sa living room at naupo sa couch niya.

"Anong masamang hangin ang nagtaboy sa'yo dito?" Natawa ko sa sinabi niya at umiling.

"Wala lang, naisip ko kasi hindi na tayo nakakapag bonding outside school. Tawagan mo nga si Light. Sabihin mo magdala siya 24 chicken." I said na sinunod naman niya agad.

Cruel Summer (GxG)Where stories live. Discover now