Chapter 18 - unedited

589 17 0
                                    

Flashback pa rin ito mga ineng.
———————————————————
Nakakairita! Araw-araw nalang na ginawa ng Diyos eh binubwisit ako ng tanawin ko. Mula ng matulog ako sa kwarto ni Aly ay hindi na naulit pa. Tapos tuwing umaga bungad agad sakin pagmumukha nung bentot na yun. Gumagawa daw ng thesis, hindi na naubos? At bakit siya ang laging ka-partner? Kairita talaga pagmumukha, mukhang palaka naman.

Nandito ako sa kusina at gusto ko sana ng kape kaso naaalibadbaran talaga ako sa mukha ni Ben kaya lalabas nalang ako. Umalis ako sa kusina at nakita ko sila, nakaupo sa couch si Aly habang nasa tapat niya si Ben, para silang naghahalikan. Ang sakit sa mata. Umakyat ako sa kwarto at napabuntong-hininga nalang. Ano laban ko dun, manliligaw niya yun eh. Baka nga sinagot na niya. Lalo akong nawalan ng gana dahil sa naisip. Nagpalit ako ng damit at ng matapos ay bumaba para lumabas. Wala na si Ben doon pero nandon pa rin si Aly sa couch, nag ta-type sa kanyang laptop. Hindi ko siya pinansin at nag diretso lang ako sa pinto. Nakita kong sinundan niya ako ng tingin pero hindi ko pa rin siya nilingon. Hindi tayo marupok for todei's video.

Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa coffee shop na malapit lang dito sa bahay. Saglit lang ang byahe kaya bumaba ako agad at pumasok sa loob. Naghanap ako ng magandang pwesto. Halos isang linggo nalang rin ang natitira at uuwi na ako ng Manila. Naging masaya naman ako nung mga nakaraang araw pero sinisira din kasi agad ni Bentot. Kinuha ko ang phone ko at nilipat sa do not disturb ang focus. Pagkatapos ay kinuha ko ang dala kong libro para magbasa nalang, kinuha ko rin ang airpods ko at nakinig kay Taylor. Tahimik lang ako sa isang tabi, paunti unting iniinom ang iced coffee ko nang may naupo sa tapat ko.

Kumaway kaway sa harap ko ang babae para kuhain ang atensyon ko. Ugh istorbo.

"Yes?" Tanong ko nung mag-angat ako ng tingin. Si Vanessa pala 'to. Lagi nalang nakakasalubong, maliit lang ba ang London at lagi siya naroon kung nasaan ako?

"Oopppssss, did I disturb you?" Nakangiwing sabi niya, well, obvious ba? Lol joke di tayo masungit.

"Uh it's okay. How may I help you?" Tanong ko sa kanya.

"Nothing. But would you mind if I join you?" Yes pero umiling ako para hindi maging bastos. Wala ako sa mood girl, bahala ka dyan.

Sumandal ako sa inuupuan upang maging mas kumportable, tapos ay bumalik ako sa ginagawa ko at tahimik lang rin naman siya. Maya maya ay pinicturan niya pala ako.

"I posted it in ig and tagged you!" Nakangiting sabi niya. Epal yarn? Kinuha ko ang phone ko at dumiretso sa ig. Inistory ko nalang rin yung mention niya sa akin para wala siyang masabi.

Pagkatapos irepost ay ibababa ko na sana ang phone nang makatanggap ako ng reply sa story ko

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

Pagkatapos irepost ay ibababa ko na sana ang phone nang makatanggap ako ng reply sa story ko.

Thyrese Suarez
That's why you're not answering huh.

Huh? Ano sinasabi niya? Chineck ko ang messaging app ko at nakitang may tatlo pala siyang text.

From: Alystaire
Where are you going?

Cruel Summer (GxG)Onde histórias criam vida. Descubra agora