Chapter 31 - unedited

623 17 5
                                    

Kakahatid ko lang kay Alystaire sa Life and Colors, ito yung work shop studio niya. We were supposed to go home in Tagaytay because our parents are inviting us over but unfortunately, she's needed by her staff. Pupunta nalang ako ngayon sa company para tulungan si Prime. Bumyahe lang ako ng halos thirty minutes bago makarating sa MGC, Monterde Group of Companies, ipinark ko lang ang sasakyan ko bago tuluyang umakyat sa top floor kung saan naroon ang office namin ni Prime.

Pagkalabas ko ng elevator ay iginala ko ang paningin sa paligid. Konti lang ngayon ang employees dahil Saturday. Agad akong naglakad patungo sa dulong bahagi ng hallway kung nasaan naroon ang magkatabing office namin. Binati ako ng ilang empleyado na nakakakilala sa akin samantalang yung iba ay nagtataka kung sino ako. Bihira lang rin kasi ako magawi dito, madalas ay sa labas ko mini-meet ang ibang investors o kung sino man ang may kailangan sa akin. Si Prime din naman ang CEO dito habang COO naman ako. Minsan si Daddy pa rin nag dedecide pero mas madalas ay hinahayaan na niya kami.

I entered my office pagkatapos kong batiin si Faye, yung secretary ko. Nagtungo agad ako sa table ko at naupo sa swivel chair at nagsimulang asikasuhin yung mga papeles na dinala sa akin ni Faye. I just need to review and approve these bago makarating sa CEO.

After I think three hours of reviewing papers and signing them, I felt my phone vibrated. Kinuha ko ito from the table bago tinignan. It's an iMessage from an unknown number.

+63975712****
Aww, look at them! They look so happy ❤️
+6397571***** sent a photo.

Inopen ko yung message then I saw my wife smiling at the little boy while Sir Corpuz is beside them, smiling too.

Nangunot noo ko sa nakita. Nag thumbs up nalang ako sa nag message dahil tinatamad ako mag reply. Nagpatuloy ako sa pag babasa ng papeles nung mag vibrate ulit ang phone ko.

+63975712*****
Aren't you jealous? Can you give your wife what that man can give?

Napabuga nalang ako ng hangin sa nabasa. Papansin naman 'to, sayang oras eh. Papadilim na rin kasi kaya nagmadali na akong tapusin ang ginagawa. Hindi ko nalang pinansin at nag message kay Aly. May tiwala ako sa asawa ko kaya hindi ako bothered sa narereceive na messages.

My wife ❤️
Hi, my love! Are you done?

Hindi rin nagtagal at nag reply siya.

My wife ❤️
Almost done. How about you? Will you pick me up?
Yes, should I go na?

I asked her again. Sa iMessage lang rin kami nag uusap. Ayoko mag open ng messenger at malamang ay puro kalokohan lang ng RyLight nandoon. Maya maya ay nag reply na si Aly.

My wife ❤️
You can go na after 10 minutes, hon. I'll wait for you.

Alright! I'll see you soon. I love you! 😘

Tapos na rin naman ako sa ginagawa ko kaya tumayo na ako at nag stretch ng katawan. Medyo nangalay ang balakang ko kakaupo ng ilang oras. Nagligpit lang ako ng gamit at pagkatapos ay nagpaalam na sa sekretarya ko.

"Faye, I'll go ahead na. Kapag hinanap ako ni Prime, tell her na nauna na ako. Salamat!" Nginitian ko siya at hindi ko na rin hinintay ang sagot niya at nagtungo na ako sa elevator.

Pagkarating ko sa sasakyan ay inilagay ko lang ang gamit ko sa back seat bago nag drive papuntang studio. Nag h-hum lang ako habang nag d-drive nang mag vibrate ulit ang phone ko. Saktong stop light kaya kinuha ko at binuksan.

Cruel Summer (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon