Epilogue - unedited

1.2K 38 16
                                    

My eyes roam around the people in front me, the room is filled with silence so I decided to break it, "Any ques--"

"Mommy!!!!!!!"
"Mommmmyyyy!!"
"Mooooommmmy!"

I was interrupted with what I was trying to say when the door of the conference room opened and three kids suddenly barged in while shouting at the top of their lungs. I chuckled at the sight of my kids running towards me.

Pagkalapit nila sa akin ay agad akong lumuhod sa harap nila at niyakap silang tatlo.

"Hey babies. Why are you all here?" I asked them, iniwan ko kasi sila kay Prim dahil may meeting ako ngayon with the faculties and board members.

My daughter spoke first, "We want to see you already, mommy!"

"You've been gone for too long, mommy." followed by my son.

"We missed you!" The youngest squealed in excitement. We all giggled at what she said.

"Where's your Mama?" I asked the three of them before letting them go then I assisted them to sit in the vacant chairs in front of the podium.

"I'm h-here!" I heard my wife's voice echoing in the room. I chuckled at the sight of her, she's panting and she looks like a mess with the sweats running down her face.

Binigyan naman siya ng tubig ng assistant ko, I almost forgot na kaharap nga pala namin ang buong faculty members. They are all smiling and giggling at us. Pagkatapos inumin ni Prim ang tubig niya ay lumapit siya sa amin.

"Running away from Mama is bad." She said then pouted at our kids.

"We're sorry, Mama!" The three said in unison before hugging her. After that ay naupo si Prim sa tabi nila. Bumalik naman ako sa podium to continue what I was doing.

"I'm sorry about that. Okay, any questions?" I asked, umiling naman sila kaya nag tuloy ako sa announcement ko bago ipinagpatuloy ng Dean ang discussion habang ako ay naupo sa tabi ng pamilya ko.

Matapos ang meeting ay nandito na kami ngayon sa office ko, nakaupo ako sa swivel chair habang ang mag-iina ko naman ay nasa couch at nagbabangayan.

"Why did you ran away huh?" Tanong ni Prim sa mga bata.

"You're so tagal kasi mom. Sowwy!" Pa-cute na sagot ni Thraia kay Prim.

"We're sorry na nga po!" Thylane kissed Prim's cheek to gain her forgiveness.

"You're not going to say anything, Thunder?" Taas kilay na tanong ni Prim sa panganay.

"I'm sorry mom!" He hugged her after that.

I can't stop myself from smiling while watching them. Time flew by really fast. Limang taon na rin ang lumipas, si Reigan at ang mga pinsan niya ay nakakulong pa rin with no chance of parole. Nagpatayo pa ng sariling facility ang mga Monterde para lang doon sila ikulong with the approval of Supreme Court dahil nangangamba na makatakas ang mga ito kung sa regular jail lang sila ibabagsak. Walang kahit anong bintana na magbibigay ng natural na liwanag sa kanila, hiwa-hiwalay din ang kulungan nila para mabaliw sila na walang nakakausap. Reigan was shot in the knee by the Police. Hindi na rin niya mailakad ang isang paa ng hindi gumagamit ng saklay dahil napuruhan ang tuhod niya. Their family also kept their mum at hindi nag abalang isalba ang tatlo.

Cruel Summer (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon