Chapter 16 - unedited

609 18 0
                                    

Note: this chapter will contain flashbacks and always remember, all the name of the person, place, events, and structures are all fictional and purely coincidental.
———————————————————

Halos three weeks na ako dito sa London pero bilang sa daliri ang araw na nakasama ko si Aly. Sobrang busy nga talaga nila sa University at halos lagi niyang kasama yung Bentot na yun. Gaya ng sabi ni mommy, inalagaan ko sila. I always cook for them, mapa-breakfast man yan, lunch, or dinner. Sometimes we'll eat outside pero madalas ay nilulutuan ko sila. I'm only 17 pero alam ko na paano magluto dahil 15 palang ako ay tinuruan na ako ni mommy.

Today, I decided to go out dahil nabuburyo na ako. Nagpunta ako dito para kay Aly pero parang balewala lang rin. I decided to visit the London Eye, nag bihis ako ng akma sa weather bago ako lumabas. Bitbit ko lang ang Chanel sling bag kung saan wallet at phone ko lang ang laman.

Ilang saglit pa ay nakarating ako sa destinasyon, nag taxi lang ako kasi wala akong sasakyan dito. Ang dami pa rin palang tao dito kahit weekday ngayon. Naglibot libot lang ako at nag take ng ilang picture. Kasalukuyan akong naglalakad nung may makabungguan akong babae. Muntik na siyang masubsob kaya't agad kong hinatak ang katawan niya papunta sa akin. Nagkatitigan kami saglit at siniguro kong okay siya bago ko siya binitawan.

"I'm sorry, I wasn't looking at the road." Paghingi niya ng sorry. Maganda siya, mas matangkad ako ng konti. Kulay ash ang mga mata niya at light brown ang buhok.

"It's okay, I wasn't looking as well. Sorry!" Kinamot ko ang noo para mawala ang awkwardness na nararamdaman. Nginitian niya ako at tumango. Inilahad niya ang kamay sa akin.

"I'm Vanessa, may I know your name?"

Nginitian ko siya pabalik at tinanggap ang kamay na inaalok. "I'm Lex." Pagkatapos kong magpakilala ay binitawan ko rin ang kamay niya.

"I'm sorry again, Lex. I need to go. It was nice meeting you!" Ngumiti siya ulit at kumaway bago naglakad palayo.

Sinundan ko siya ng tingin kung san siya papunta bago ako nagpatuloy sa paglalakad. I was about to enter in a coffee shop near the London Eye nung makita ko si Aly na nakaupo mag-isa sa labas. May hawak siyang sketchpad, I think. Hindi na ako nagdalawang isip at nilapitan ko na siya.

"Aly! Nandito ka pala." Nakangiti kong bati sa kanya.

"Hey. What are you doing here?" Bati niya rin sa akin, sumulyap lang siya sa akin saglit bago ibinalik ang tingin sa ginagawa niya. Gusto ko sanang silipin kaso medyo malayo at mukhang ayaw niya naman ipakita.

"I was bored at home so I decided to go out. I didn't know na makikita kita dito." Napakamot ako sa batok ko.

Tumango lang siya at patuloy pa rin sa ginagawa. Napansin kong paubos na yung croissant at hot choco niya.

"I'll just order some coffee and pastry, would you like some more?" Alok ko sa kanya. Umiling naman siya agad kaya umalis na ako doon para bumili.

Iced Americano lang binili ko dahil ayun lang familiar sa akin, tapos ay isang Banana Crostata. Pagkakuha sa order ay bumalik ako sa kinaroroonan ni Aly at nakiupo sa tapat niya.

"Are you sketching?" Tanong ko para magbukas ng topic.

"Yeah, I need to finish it today." Sagot niya sa akin. Close naman kami kasi matagal na nga magkakilala ang mga pamilya namin pero hindi niya ako nginingitian masyado. Sobrang rare lang mangyari kaya gusto kong basagin bungo nung Bentot na yun nung nakita kong nakangiti siya dun.

"Okay, would you mind if I accompany you until you're finish?" Sana pumayag. Pleaaaaaseeeee!!

She just nodded at me kaya tuwang tuwa ako. Pinagmasdan ko siya habang busy sa ginagawa. She has this long eyelashes with a beautiful brown orbs. Matangos rin ang ilong at may maninipis na labi na nakaka-akit halikan.

Sobrang ganda niya lang talaga. How I wish I can call her mine. I sighed. Mukhang malabong mangyari dahil nakababatang kapatid lang ang tingin niya sa akin. But maybe when I reach 18, I'll try na ligawan siya.

"Have you been in a museum here?" Try ko lang kung sasagot siya.

"Yeah." Maikling sagot niya, busy pa rin sa ginagawa.

"Can you accompany me when you're not busy?" Hopeful kong tanong. Please naman. Nakailang please na ako today ah.

"Okay. I'll let you know when." Napa-yes ako ng mahina at nakita kong napatingin siya sakin sa gilid ng mga mata. Iniisip siguro niyang ang weird ko.

"Do you like what you're doing?" Tanong ko ulit.

"Hmm, yes. I'm into arts and anything related to it." Sagot niya, mahahalata mong masaya nga siya sa ginagawa niya.

"Can you introduce me more to your world? I'd like to see it the way you see them." Sabi ko. Syempre, mas maganda kung meron kaming same interest. I'm actually fascinated rin sa arts, mahilig ako pumuntang mga museum at magbasa ng mga literary pieces.

Mukhang nakuha ko ang buong atensyon niya dahil sa sinabi ko, ibinaba na rin niya ang sketch pad niya at humarap sa akin.

"Sure, just let me finish all of my requirements and I'll tour you around." She smiled at me, ngayon ko lang ulit siya nakitang ngumiti sa akin kaya napangiti lang din ako. Tumango ako sa kanya at nagpasalamat.

"Are you done with what you're doing?" Tanong ko ulit. Tumango lang siya at unti-unting inubos yung pagkain niya.

"What course will you be taking up in college?" Tanong niya sakin pagkaraan ng ilang minutong katahimikan.

"Hmm, baka mag business ad din muna ako gaya ni Prime. Tapos I'll get my second degree about arts and lit dito sa university niyo." I smiled at her.

"Are you sure about that? The second degree thingy." Saad niya habang gumagala ang paningin kung saan.

"Yes, kailangan ni Prime ng katulong sa pag manage ng businesses nila Dad so I don't really have a choice kung hindi unahin ang course na tungkol sa business. Basta ba ay papayagan ako kumuha ng second degree ay walang magiging problema sa akin." Mahabang paliwanag ko.

Madaming business ang pamilya namin, the Monterdes are into real estate and may malaking farm sina Daddy kung saan nag e-export kami ng high grade beef meat and poultry products like eggs sa iba't ibang bansa sa Asia. Ang alam ko din ay kasosyo ni Tito Cairus si dad sa university nila. Tito Cairus is Aly's dad. While the Aragons owns a big company wherein nag p-produce ng different kinds of electrical items gaya ng circuit breakers, switches & sockets, electrical circuity, loadbanks, solar powered na items and solar panel din, and etc.

Tumango siya bilang pag-sang ayon sa akin. Maya maya ay tumayo na siya at niyaya ako.

"Let's go home if you're done." Sabi niya. Kanina pa ako tapos kumain habang busy siya sa ginagawa niya. Tumayo na rin ako at sinabayan ko siyang maglakad.

Habang naglalakad ay nahulog yung lapis niya kaya nagkasabay kami sa pagdampot nito at nagka-untugan ang mga noo namin. Dali dali akong lumayo at tinulungan siya. Pagtayo namin ay hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya to check her forehead.

"What awre you doin?" She's like a baby while talking dahil hawak ko pa rin magkabilang pisngi niya na nasandwich ko na.

"I'm just checking at baka may bukol. Ang ganda ganda mo eh hindi bagay sa'yo magka-bukol." Seryosong sabi ko.

Hinawi niya ang mga kamay ko at inirapan ako. I noticed na namumula ang mga tenga niya bago siya tumalikod sa akin at naglakad palayo. Natawa ako bago siya sinundan.

Kinilig ba siya?

Cruel Summer (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon