Chapter 4

766 24 2
                                    

Kasalukuyan kaming nandito sa bahay nila Tita Trina, kapatid ni Daddy. Siya ang may kaarawan ngayon. Natapos na kaming kumain kaya nagpapahangin muna ako dito sa garden. Nandoon sila sa may pool side kasi doon kami mag iinuman mamaya. Pool party ang ganap kasama ang mga cousins and friends. Naupo ako sa hammock nila Tita na nandito sa garden bago ko kinuha yung phone ko sa dala kong purse. Chineck ko kung may texts or chats ba sa akin, madami ngang message pero walang kahit isa galing sa taong gusto kong makita. Nagtipa ako ng mensahe para sa kanya.

To: Alystaire
Hi! Are you having fun? Take care! :)

Pagka-send ng message ay itinago ko na ulit ang phone ko at nag muni-muni. Ganito ang gusto ko, mukha lang akong maingay na tao pero mas na e-enjoy ko ang katahimikan. Mga tunog lang ng kuliglig ang maririnig na sinamahan ng malamig na simoy ng hangin. Habang tahimik na nag-iisip ay dumapo na naman kay Ms. Suarez ang isipan ko. Ang tahimik niya kahit sino man ang kasama niya. Hindi ko pa siya nakikita ulit ngumiti. Nakaramdam ako ng pagka-excite sa kaisipang siya ang magiging Professor ko sa buong second sem, sana maging maayos lang ang lahat. Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bag at nagmamadaling tinignan sa pag a-akalang galing kay Alystaire ang message. Bigo ako nung makita ko ang pangalan ni Light na lumabas.

Light Saber Aragon
Lex, nasaan ka? Kanina ka pa namin hinihintay dito sa pool area.

Natawa ko sa pangalan niya, hindi ko alam ano naisip ng mga magulang niya at 'yan ang binigay sa kanya. Nag type lang ako ng reply at sinabing papunta na ako. Tumayo na ako at nag inhale exhale muna bago tuluyang nilisan ang garden.

Pagkarating ko sa pool area, nakita ko silang naka upo sa lapag, naglatag sila ng picnic mat sa may fake grass. Nakapag-palit na rin pala sila ng mga damit na akma sa pool party. Bumalik ako sa loob ng bahay ni Tita, pumunta ako sa guest room para magpalit na rin. Nag-suot ako ng black bikini from Calvin Klein at pinatungan ko ng black oversized shirt and white Nike women swimming short, inayos ko lang ulit buhok ko into a messy bun. Nang makuntento ako sa ayos ko ay muli akong bumalik sa pool area, naupo ako sa space sa pagitan ni Prime at Ms. Suarez. Napatingin lang sakin si Ms. Suarez at parang sinasabihan niya ko sa utak niya kung bakit sa kanya ako tumabi. Nginitian ko nalang siya at kumuha na ako ng maiinom, wine lang muna para chill. Tumingin ako sa paligid at nakita ko yung dalawang hukluban na nag-iihaw ng bbq.

"Long time no see, couz!" Bati sa akin ni Brylle, pinsan ko. Tinanguan ko lang siya at kinumusta.

Bihira ko din makita ang isang 'to dahil sa Cebu siya naglalagi dahil nandoon ang isang branch ng resort niya. Mas matanda siya sa akin ng tatlong taon, kasing-edad lang rin ni Prime.

"How's your business, Bry? Kailan ka pa umuwi dito?"

"The other day lang, umuwi talaga ako para sa birthday ni Mommy. Alam mo naman 'yun, baka magtampo." Natatawang sagot niya kaya nakitawa na rin ako.

Madami pa kaming napag-usapan pero nadi-distract ako sa katabi kong hindi tumigil kakainom. Kada mauubos ang laman ng baso niya ay nagsasalin agad siya.

Binalingan ko siya upang pagsabihan, "Baka malasing ka, Ma'am." Inirapan niya ako bilang sagot at nilagok ulit yung baso na may wine.

Maya maya pa ay nag shift siya from wine to tequila, inisang lagok niya lang rin ang jose cuervo na nasa shot glass niya at kumuha ng asin at lemon. Tutal hindi siya makikinig sa akin, sinabayan ko nalang siya. Sabi nga nila, if you can't beat them, join them.

"Thy, dahan-dahan lang ah, hindi pa lumalalim ang gabi." Paalala rin ni Prime sa kanya.

Sinilip ko si sir Archie at nakita ko siyang nakatingin lang rin kay Ms. Suarez. Close na close talaga silang tatlo at sa tingin ko naman ay walang malisya ang friendship nila ni Ms. Suarez.

Cruel Summer (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon