Chapter 34 - unedited

627 22 4
                                    

It's our fourth day here in Palawan and we decided to do an island hopping the whole day at ngayon ay pabalik na kami sa shore. Kasalukuyan akong kumukuha ng drinks namin dito sa bar ng Yacht namin nung naramdaman kong nag vibrate ang phone ko. It's a message from an unknown number, it's different from the other week.

+63917652****
I saw your wife yesterday, she looks so hot. I bet she's also good in bed and she tastes like a sweet honey.

Can I take her to my bed too?

Napakunot ang noo ko sa sunod niyang mensahe. That's it. I blocked the number then deleted the messages afterwards. That's freaking disrespectful. Whoever it was, I hope they rot in hell. Napalingon ako kung nasaan ang asawa kong tahimik na nakatingin sa paligid, patagilid siyang nakaupo ngayon sa lounge bed na nasa unahan ng Yate. She's wearing a pair of summer long sleeves and shorts  with patterns, malayang nakabukas ang long sleeves niya kaya litaw ang magandang katawan na naka suot ng puting bikini top. Binilisan ko ang pagkuha ng inumin saka ako bumalik sa kanya.

"Are you enjoying?" Tanong ko pagkaupo ko sa tabi niya. Inabot ko ang orange juice na kinuha ko at tumingin naman siya sa akin at ngumiti pagkatapos kuhain yung inumin.

"Yes. I'm glad that we had a chance to have this vacation. I'm sure we'll be busier when we get back." She sighed at tumango naman ako at nginitian siya, kinuha ko ang isang kamay niya at pinagsiklop sa kamay ko.

Pinagmasdan ko ang paligid kung saan matatanaw ang papalubog na araw. Bukas ay last day na namin dito at sa hapon ay uuwi na kami sa Manila.

"Lex!" Rinig kong sigaw sa pangalan ko. Hinanap ko ang tumawag sa akin at nakita si Light sa bar na pinanggalingan ko kanina. Tinaasan ko siya ng kilay na tila nagtatanong kung bakit.

"Punta tayong club mamaya." Sabi niya sa akin pagkalapit niya sa amin. Medyo natigilan pa siya nung makita niya si Alystaire na blanko ang mukhang nakatingin rin sa kanya. Nalimutan ata niyang kasama ko ang asawa ko.

"Joke lang pala, maaga pala akong matutulog kasi maaga rin nagising kanina." Biglang bawi niya at napakamot sa batok. Natawa naman ako sa kanya.

"It's okay, she can join you." Sabat ng asawa ko. Napalingon naman ako sa kanya at napanguso. Ayoko nga, baka mamaya may mangyari nanaman sa akin.

"Ayaw ko mag club. Nood nalang tayo ng fire show mamayang gabi." Sabi ko sa kanya. May fire dance kasi sa kabilang bahagi ng isla tuwing gabi.

Tinitigan ako ni Alystaire bago tumango at pumayag. Tinignan ko naman si Light at nilakihan siya ng mata na naintindihan naman niya at tumango rin.

"Where's Ry pala? Ba't di mo kabuntot?" Tanong ko kay Light.

"Nakiki third-wheel kay Ate Prime at Ate Summer. Natuwa kasi siya dun sa anak ni Ate Sum kaya hindi na nilubayan. Mukhang masayang pamilya sila Ate tapos si Ry ang yaya." Sabi niya habang tumatawa kaya natawa rin ako. Kawawang Ryleigh.

"Ate Thyrese, may tanong po ako." Maya maya ay sabi ni Light.

"What is it?" Plain na sagot naman nitong katabi ko.

"Ano pong nagustuhan mo sa pinsan ko? Eh bukod sa pangit ang mukha ay masama pa ugali nito." Nagpipigil na tawa si Light, sinamaan ko naman siya ng tingin. Gago amputa.

Cruel Summer (GxG)Where stories live. Discover now