Chapter 26 - unedited

772 19 5
                                    

"I'm sorry love, I'm really sorry." Hingi ko ng tawad sa kanya. Kung may dapat man siyang sisihin sa aming dalawa, ako lang yun.

It was my fault why we lost our child.

Nakatulog na si Aly dahil sa pagod pero nanatili pa rin ako dito sa unit niya. Napalitan ko na rin ang damit niya sa mas kumportableng kasuotan.

Simula nung maghiwalay kami pansamantala, lagi ko nalang siyang tinatanaw mula sa malayo. Gustuhin ko mang lapitan siya ay nirerespeto ko rin yung naging desisyon niya. Selfish man sa paningin ng iba ay naiintindihan ko siya. Nagagawa ko pa rin naman siyang alagaan kahit sa malayo dahil kay Prime at alam kong hindi niya rin ako pinapabayaan. Madalas akong bigyan ni Prime ng mga lutong pagkain noon lalo na kung abala ako sa extra curricular activities ng club, alam kong galing yun sa asawa ko dahil hindi naman marunong magluto si Prime. Naging malapit ulit kami sa isa't isa nung naging estudyante niya ako ngayong sem pero kahit madalas kaming magkasama ay never namin napag usapan pa ang tungkol sa nangyari noon. Siguro ito na ang tamang panahon para ayusin ang sa amin. Enough na siguro yung ilang buwan kaming magkalayo sa isa't isa.

Pagkatapos kong maglinis ng sarili ay tumabi na ako pahiga sa kanya inayos ko ang kumot niya at sumiksik ako sa leeg niya at niyakap siya. Dahil sa pagod ay unti-unti rin akong nakatulog.

Mataas na ang sikat ng araw nung magising ako, buti nalang ay Sabado ngayon kaya walang problema. Wala na rin si Alystaire sa tabi ko kaya bumangon na rin ako para maghilamos at toothbrush. Pagkatapos ay lumabas ako ng kwarto at bumaba. Nakita ko siya sa kusina na nagluluto. Pinagmasdan ko muna siyang mabuti bago ko siya nilapitan at niyakap mula sa likod. Naramdaman kong bahagya siyang natigilan ngunit hindi naman niya ako pinaalis.

"Love?" Bulong ko sa kanya habang nakayakap pa rin.

"Hmm?" Mahinang sagot niya. Nang matapos siya sa ginagawa ay iniharap ko siya sa akin at tinignan sa mata.

"Can we talk after this?" Masuyong tanong ko. She sighed before nodding her head.

"Go to the living room and watch something first. I'll just finish what I'm doing." Pagtataboy niya sa akin kaya sinunod ko muna siya. Sabi naman niya ay pwede na kaming mag usap mamaya.

Prente akong naupo sa couch at nagbukas ng tv at dumiretso sa Netflix. Manonood nalang ako ng Bake Squad, may season 2 na kasing inilabas. Nasa episode 3 na ako nung tinawag ako ni Aly para kumain. Nagluto siya ng garlic pepper beef at fried chicken. Kulang nalang ay bubuyog para mukhang nasa jollibee na kami ngunit syempre, mas masarap ang luto ng asawa ko. Magana akong kumakain at paminsan minsan ay ninanakawan ko siya ng tingin. Kumunot ang noo niya nung mahuli niya ako ulit.

"Stop looking at me, Prim. Eat properly. We'll talk later." Masungit niyang sabi.

Napanguso ako pero sinunod ko nalang siya. Mahirap na at baka gilitan ako nito sa leeg. Matapos naming kumain ay ako na ang nagpresentang magligpit at mag hugas ng mga ginamit namin. Umakyat rin muna siya sa kwarto niya kaya't pagkatapos ko sa ginagawa ay sumunod ako. Pagpasok ko sa kwarto ay hindi ko siya nakita pero naririnig ko ang lagaslas ng tubig mula sa banyo. Naliligo siguro siya. Lumabas ako ng kwarto niya at nagtungo sa kabila para doon nalang maligo. Halos trenta minutos lang akong nagbabad sa tubig. Nagsuot muna ako ng puting roba bago patuyuin ang buhok. Nang matapos ako ay bumalik ako sa kwarto ni Aly para manghiram ng damit ngunit pag bukas ko ng pinto ay nakita ko siyang naka taas ang paa sa upuan sa harap ng vanity niya habang naglalagay ng lotion. Nag-init ang pakiramdam ko sa nakita at pilit na binalewala ito. Pagkapasok ko sa kwarto niya ay isinara ko ang pinto niya at naglakad sa direksyon niya. Agad siyang napatigil at tumingin sa akin. Tinaasan niya ako ng kilay kung kaya't napakamot ako sa sentido.

Cruel Summer (GxG)Where stories live. Discover now