Chapter 9 - unedited

637 21 1
                                    

Gusto kong mag-shot puno dahil sa sinend ni Ilaw pero tinatamad ako kaya itinulog ko nalang. Kinabukasan ay maaga kong nagpunta sa coffee shop tapat ng school. Nag taxi lang ako kasi iniwan ko kahapon yung sasakyan sa parking ng school nung hinatid ko si Ms. Suarez.

Pagkarating ko sa Coffee or Milk, pangalan ng coffee shop, ay diretso ako sa counter. Nag order ako ng usual kong iced coffee at classic roast beef sandwich. Dalawang sandwich inorder ko kasi b-byahe ako pauwi ng Tagaytay. Nakalimutan ko kasi tawagan sina mommy kagabi at next week ay mag i-start na practice for the talent show kaya hindi ako madalas makakauwi na. Pagkakuha ng orders ko ay lumabas na ako at tumawid papuntang school. Diretso ako parking at kinuha ang sasakyan ko. Inistart ko ang sasakyan nang maisipan kong hatiran ng breakfast si Ms. Suarez. Tinignan ko muna ang oras at nakitang alas otso palang ng umaga. Sa tingin ko naman ay gising na siya.

Dala ang sasakyan ay bumalik ako sa CoM. Nag order ako ng Iced Dark Chocolate drink, vegetable salad, at classic roast beef sandwich para kay Ms. Suarez. Saglit lang akong naghintay at pagkakuha ng take out ko ay nagmaneho na ako papuntang The Empire.

Pagkarating ko sa tapat ng condo ay tinawagan ko si Ms. Suarez.

"Hi! Good morning." I said sa masayang boses.

"Who's this?" ouch pain pighati lumbay. Hindi niya nakilala ang boses ko.

"Si Alexys 'to. Nasa The Empire ka po ba ngayon?" Tanong ko.

"Yes, why? And you're the one who pissed me off yesterday?" Yesterday? Yesterday..... ahhhh yung nag text sa kanya. Natawa ako.

"Yes po hehe. Anyway, nagdala po kasi ako ng breakfast for you. Should I go up or iwan ko nalang sa guard?" I asked. Baka kasi ayaw niya ko makita, lalo na at may date siya kagabi. Lol ako pala yung may ayaw makakita sa kanya. Pero syempre joke lang yun.

"Come here." Wow, bago yun ah? Napangiti ako sa isinagot niya.

"Alright, I'll just park my car." She ended the call at agad akong umikot papuntang basement at nag park don. Bago lumabas  ng sasakyan ay binitbit ko ang breakfast niya pati na rin yung akin. Malay niyo ayain akong sumabay. Mindset ba, mindset!

Sumakay ako ng elevator at pinindot ang floor niya. Medyo matagal tagal ito dahil nasa 35th floor ang penthouse niya. Naglaro nalang muna ako ng car cops pampalipas oras. Nung makarating sa top floor ay agad akong umibis ng elevator. Naglakad konti at pagdating sa harap ng unit niya ay nag door bell ako.

Pagkabukas niya ng pinto ay agad akong kumaway sa kanya. She looks so hot.

"Hi! Good morning. Naabala ba kita?" Nahihiyang tanong ko. Pinagmasdan ko ang kabuuan niya at muntik na ako maglaway sa suot niya. Naka nighties lang siya na pinatungan ng silky robe kaya kitang kita ang kaseksihan niya.

"Are you just gonna stare at me or what?" Natauhan ako sa mataray niyang boses. Inabot ko naman sa kanya ang paper bag na may laman ng pagkain. Sana pala ay dumaan din akong flower shop para kumpleto.

"Thank you. Do you want to come inside?" Yes na yes for you, miss ma'am! Gusto mo kahit sa inside mo pa eh. Nakurot ko ang sarili kong kamay dahil sa naisip. Kaaga-aga puro kahalayan ang naiisip ko.

Pumasok ako sa loob at sinarado ang pinto. Sinundan ko siya at nagdiretso siya sa living room, pinatong niya sa glass table ang paper bag.

"Do you want anything?" Yes ma'am, I want you... for me. Char not char. Umiling nalang ako at naupo sa couch niya.

"I bought some food for myself as well. Can we eat together?" Tanong ko.

She nodded at me at inabot niya ang remote control bago naupo sa tabi ko. Hinanap lang niya si Prinsipe Mackaroo bago kumain at nanood. Buti hindi niya ako tinatanong kung bakit ko siya dinalhan ng food kasi hindi ko rin alam isasagot ko.

Cruel Summer (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon