Chapter 3

929 31 1
                                    

Mabilis lumipas ang mga araw at hindi ko namalayang Sabado na. Nakabili na rin ako ng regalo para kay Tita, binilhan ko lang siya ng mini bag from Hermes since collector siya ng bags.

Makikita ko nga pala ulit si Ms. Thyrese mamaya, nawala rin sa isip ko. Nagklase lang siya agad nung first meeting namin, hindi gaya ng ibang Prof na nag discuss lang about sa syllabus. Na-appoint rin ako bilang class beadle tuwing subject niya dahil sa kagagawan ni Ryleigh. Ayoko sana pero tinake ko na rin yun as an advantage para mapalapit ako sa kanya kaya hindi na ako umangal pa.

Bago ako bumangon ay inopen ko ang group chat naming tatlo.

⚖️ Trio Tagapayo ⚖️

Alexys with a y
Sasabay ba kayo sa akin mamaya?

Meralco 💡
Ou, beh. Anong oras tayo sisibat?

Ryleigh the horsey 🐴
Agahan natin! Baka maubusan ako shanghai 😭

Alexys with a y
Kinginang 'yan. Patay gutom!
Sige, alis tayo in 2 hours. Sa coffee shop tapat ng school tayo magkita kita.

Meralco 💡
Cge lods. C u!

Ryleigh the horsey 🐴
K! Bounce na 'ko.

Napailing nalang ako pagkabasa ng mga reply nila. Sineen ko nalang at nagsimula na akong mag-ayos. Hindi na ako kakain at bibili nalang ako sa coffee shop. I need my daily dose of vitamin Coffee! Mabilis lang akong nag-ayos dahil wala naman akong dadalhin dahil sa bahay lang naman nila Tita ang venue at halos kalapit lang nun ang bahay namin. Pwede ako sumaglit para magpalit or something.

After an hour and thirty minutes, ready na akong umalis ng bahay. I wore a simple dark brown leather tube and denim pants. I partnered it with a white Dr. Martens Woman 1460 mono smooth lace-up combat boots. I looked at the mirror for one last time before going out of the house. I locked all the doors and entered my car then I drove to the coffee shop.

Hindi pa man ako nakakapag-park ay nakita ko na ang dalawang hukluban na papasok ng shop. Nag park lang ako ng maayos at sumunod sa kanila. Dumiretso muna ako ng counter para mag order ng paborito kong kape at ng steak sandwich. Nag-crave lang ako nung nakita ko 'yung poster nila sa labas. Sinulyapan ko 'yung dalawa at nakita kong may bitbit na rin silang pagkain at kape. Kumaway lang sa akin si Ry at si Light naman ay kunwari walang pakialam. Iwanan ko siya dyan e! Ilang saglit pa ay ibinigay na rin sa akin 'yung order ko. Niyaya ko na silang dalawa lumabas para makapag byahe na rin kami. Hindi naman ganon kalayo ang pupuntahan, siguro ay dalawang oras lang kung hindi traffic.

Nang maka-settle na kami sa loob ng car ay nag umpisa ng magbangayan ang dalawang hukluban.

"Ang kulit mo Light, sabi ko sa'yo huwag mo palagyan ng kamatis 'tong sandwich ko!" Inis na sambit ni Ry.

"Edi sana ikaw na ang nag-order! Ikaw na nga ang binilhan. Bayaran mo ako!" Irap naman ni Light sa kanya. Dinilaan lang siya ni Ry at ibinato 'yung hawak niyang tissue kay Light. Si Ry ang katabi ko at si Light ang nasa back seat kasama ang bag nilang dalawa. Ba't kaya sila may bitbit na malaking bag? Plano ba nilang matulog doon?

"Naglayas ba kayo? Ang laki ng dala niyong bag ah!" Hindi ko na napigilang magtanong.

"Sabi ni ate Prime doon na raw kami matulog. Sabay sabay na raw tayo umuwi bukas ng gabi." Sagot ng panget kong pinsan.

Napairap nalang ako. Sabagay, wala akong balak ihatid sila pagkatapos ng salo-salo 'no! Nakakatamad kaya and for sure hindi mawawala ang inuman mamaya kasama ang iba pa naming pinsan sa father side.

Cruel Summer (GxG)Where stories live. Discover now