Chapter 27 - unedited

746 19 1
                                    

I woke up to the sound of Alystaire talking to someone. Nanatili akong nakapikit habang nakikinig.

"Alright mom, we'll be there. See you!" Sabi niya sa kausap, yun nalang ang naabutan kong sinabi niya bago ibinaba ang tawag at nilingon ako.

"Hey, you're already awake." Bati niya sa akin at muling nahiga para yakapin ako. She's being clingy today huh. Sa tingin ko ay mga tatlong oras din kaming nakatulog dahil nung chineck ko ang oras ay past 6pm na.

"Is that Mommy Ely?" I asked her habang nakasiksik sa leeg niya at hinahalik-halikan ito.

"Yeah, they're inviting us over dinner tonight." Sabi niya sakin bago ako kurutin sa tagiliran.
"Stop it, Prim. We need to prepare for the dinner." Tapos ay tinulak niya ako at bumangon na para magtungo sa banyo. Phew she looks so sexy, nagmumukha siyang model sa itsura niya ngayon. Ilang saglit lang ay hindi na siya lumabas ng banyo kaya't sumunod ako para sumabay sa pagligo niya. No monkey business, promise!

Pagkatapos maligo ay nagbihis rin kami kaagad. Nagsuot lang ako ng white sleeveless crop top, denim pants, and white sneakers habang si Aly naman ay nagsuot ng black dress and stilettos. In less than 40 minutes, we're ready to go. Lumabas na kami ng unit niya at sabay na naglakad pa-elevator. Hinawakan ko siya sa bewang at idinikit siya lalo sa akin.

"San pala tayo punta love?" Tanong ko, hindi niya kasi nabanggit kung saan magdi-dinner eh.

"In our house. Your family will be there as well. We'll stay there for tonight." Sagot niya sa akin habang papasok kami sa elevator.

"Bakit biglaan naman ata?" Nagtatakang tanong ko ulit. Ipinatong ko ang baba ko sa balikat niya habang hindi pa nakakarating sa basement, nakahawak pa rin ako sa bewang niya at di naman siya nagrereklamo. Ayokong humiwalay sa kanya ngayon kasi namiss ko talaga siya.

"Apparently, they've been calling us since this afternoon. They said your phone is unreachable and I'm not answering. It's all your fault." She rolled her eyes at me at tinawanan ko lang siya.

Minutes later ay nakarating na kami sa parking, we used my car and as usual, I opened the car door for her. Nagsimula kaming magbyahe and unlike our previous car rides, now I can finally hold her hand again while I'm driving. My passenger Queen is back. Natawa ko sa naisip.

Habang nag d-drive ay patingin tingin ako sa side niya at di ko maiwasang mangiti.

"You look stupid." Pangongontra niya sa kasiyahan ko. Inirapan ko lang siya at nagpatuloy lang sa pagmamaneho.

It took us an hour and a half before reaching our destination. Subdivision ito ng mga Suarez pero dito rin nakatayo ang pinaka-bahay ng pamilya namin, halos katabi lang iyon ng bahay nila Aly. Pagka-park ko ng sasakyan ay bumaba na ako at pinagbuksan ng pinto ang maganda kong asawa. Ako na rin ang nagbitbit ng dala niyang bag kung saan naroon ang phones and wallets naming dalawa. Hindi na kami nag abalang magdala ng pamalit na damit dahil meron pa rin naman kaming gamit sa mga bahay ng parents namin.

Pumasok kami agad sa loob at malugod kaming winelcome ng mga kasambahay. Nag diretso kami sa dining room at bumungad sa amin ang sari-saring emosyon sa mukha ng dalawang pamilya.

"Ang tagal niyong dalawa, kanina pa kami gutom!" Gg na si bhoszx Prime. Inirapan lang siya ni Aly at dumiretso kami sa parents namin para bumati. Matapos nang batian ay ipinaghila ko si Aly ng upuan bago naupo sa tabi niya.

"What's with the sudden family dinner, dad?" Tanong ko kay daddy nung magsimula kaming kumain.

"Well, we're thinking of having a family vacation next month. We'd like to ask for your suggestions about the place." Sagot ni Dad sa amin. Nagkatinginan lang kami ni Aly, may klase pa kami next month at papalapit na rin ang midterms exam. I'm sure we'll be busy. Kakatapos lang nung talent show kahapon kung saan ako yung nanalo at oo nga pala, Foundation week din pala next next week.

Cruel Summer (GxG)Where stories live. Discover now