Chapter 35 - unedited

615 20 2
                                    

It's been two months since the incident happened, we filed a case against Reigan Corpuz and until today ay on-going pa rin ang trial sa kanya. I don't know why it's taking this long kahit may evidences naman but whatever. As long as in the end ay mabubulok siya sa kulungan, walang magiging problema.

Napanood ko sa CCTV ang nangyari nung araw na yun at sana ay hindi ko nalang nakita. The bastard pushed Alystaire inside the room then locked it. After that ay ibinalibag niya sa pader at pinilit na halikan ito, she refused that's why he slapped her in the face then hiniklat niya ang suot nitong white long sleeves kaya nagkalasan ang mga butones at lumabas ang inner wear ng asawa ko. Malinaw rin sa video when he tried kissing her neck down to her chest. Pumiglas pa rin ang asawa ko and because of that, he strangled her using his belt. Bagay na hindi ko napansin nung dumating ako noon dahil sa sobrang galit at pag aalala ko. He's also under the influence of alcohol and drugs that time. My wife is still traumatized because of it and started seeing a therapist after it happened at hanggang ngayon ay regular pa rin ang pagbisita niya sa doctor niya. Naging mailap siya sa mga lalaki and it took her weeks bago nag loosen up kahit kila daddy. Nag break muna siya as a President ng school at si daddy Cai muna ang nag asikaso doon. Lagi naman akong kasama ni Alystaire kung nasaan man siya dahil ayaw niya rin na nawawala ako sa tabi niya. Pumapasok nalang ako sa klase during quizzes and exams, lahat ng lectures ay dito ko sa bahay pinag-aaralan. Advantage na rin na kami ang part owner ng school kaya naintindihan ako ng mga Professor ko.

Saturday ngayon at Midterms exam na simula sa lunes kaya nag re-review din ako, nandito ako ngayon sa library ng bahay namin ni Aly dito sa Nightingale Subdivision. Ito yung bahay na regalo sa amin ng parents namin nung kinasal kami, dito talaga kami tumutuloy noon kasi malapit sa Primavera's at Studio. Si Aly naman ay nasa kusina, mag di-dinner na rin kasi kaya siya na ang nag presintang magluluto. Abala ako sa pagbabasa nung naramdaman kong nag vibrate ang phone ko. Kinuha ko ito para icheck at nakitang may message ang kapatid ko sa messenger. Binuksan ko naman para mag reply.

Prime Alexandria Monterde
Hey sis! I'm on my way to your house. Makikikain ako! 🤤

Nag thumbs up nalang ako sa kanya. Wala naman akong magagawa, on the way na raw siya eh. Napairap nalang ako sa kawalan. Halos kalahating oras pa ang lumipas at ito na nga ang asawa ko, sinusundo na ako.

"Prim, let's eat na." Masuyong aya niya sa akin.

Napatitig naman ako sa asawa ko habang naka sandal siya sa hamba ng pintuan ng Library. Nakasuot lang siya ng maluwag na white shirt at dolphin shorts. Maaliwalas na rin ang mukha niya compared nung mga nakaraang linggo. Agad akong tumayo at lumapit sa kanya. Inalis ko yung buhok na tumatama sa mga mata niya tapos ay masuyong pinisil ang pisngi niya.

"Stop pinching my cheek! Masakit!" Reklamo niya sa akin at hinawakan pa ang pisngi niyang pinisil ko. Natawa naman ako at hinawakan siya sa bewang.

"Can't help it, ang pretty mo kasi." Sabi ko tapos ay iginaya na siya pababa sa dining.

Pagkarating sa hapag ay pinaghila ko siya ng upuan at uupo na rin sana ako sa tapat niya nung may mag door bell. Napa-face palm ako at naalala yung kapatid ko.

"Wait here, love. Ako na. Si Prime na siguro 'to." Sabi ko sa kanya dahil akmang tatayo siya para siya na ang mag bukas ng pinto. Agad naman akong nagtungo sa pintuan at sinilip muna sa peep hole kung sino yung nag do-door bell. Nakahinga naman ako ng maluwag nung makitang si Prime nga ito at hindi siya nag iisa, binuksan ko ang pinto para makapasok sila nung kasama niya. Napataas ang kilay ko nung masilayan si Ryleigh sa likuran niya na napakamot nalang sa noo.

Nauna na maglakad ang kapatid ko papuntang dining kaya binundol ko ang balikat ni Ry at hinila sa isang tabi.

I smirked at her bago ko siya tinanong, "Ikaw ah. Bakit kasama ka ni Ate?"

Cruel Summer (GxG)Onde histórias criam vida. Descubra agora