Chapter 2

1.1K 36 0
                                    

Naalimpungatan ako sa tunog ng aking phone. Nagmulat ako ng mata at kinapa-kapa ang phone sa side table. Sinilip ko muna ang oras at nakitang gabi na pala bago ko sinagot ang tumatawag. Si Prime lang pala.

"Hey, where are you?" Bungad niya sakin. Ano na naman kaya ang kailangan nito?

"At home, kakagising ko lang dahil sa tawag mo. Why?" Sinagot ko nalang at nagpasyang bumangon at nagtungo sa banyo. Nilapag ko ang phone sa gilid at ini-loud speaker ito.

Nagsimula akong maghilamos at mag toothbrush ng marinig ko ulit siyang magsalita, "Come here sa Plana's Pantry. Let's have a dinner. I'll wait for you."

Nag-okay lang ako tutal ay nagugutom na rin ako at pinatay na niya ang tawag. Naligo nalang din ako kasi nandito na rin naman ako sa banyo. Pagkatapos maligo ay nag-suot lang ako ng plain black shirt at tinuck-in ko sa denim pants. Pinartneran ko na rin ng kulay white na Nike court vision low next nature. Ilang sandali pa akong nag ayos at pagkatapos ay umalis na rin ako ng bahay matapos masigurong naka lock na ang lahat ng dapat i-lock.

Nag drive lang ako saglit patungo sa resto na sinasabi ni Prime. Pagkarating ay naghanap lang ako saglit ng parking space at pagkatapos ay lumabas na ng sasakyan. Pagpasok ko sa resto ay bumungad sa akin ang mukha ni Ms. Thyrese, nakaupo sila sa bandang gitna. May kasama siyang isang babae, hindi ko kita ang mukha dahil naka talikod ito sa kinaroroonan ko.

Bumilis na naman tibok ng puso ko pero hindi ko nalang pinagtuunan ng pansin. Inalis ko ang tingin sa kanila at hinanap ng mga mata ko si Prime. Nakita ko siya sa kabilang sulok ng resto, nakapangalumbaba at parang inip na inip. Nilapitan ko siya agad at binati siya nung maka upo ako sa tapat niya.

"Hey sis, what took you so long?" Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.

"Sabi ko sa'yo kakagising ko lang nung tumawag ka eh. Anyway, bakit mo ko niyaya?" Pagpapaliwanag ko naman.

"Masama bang yayain ang kapatid ko? Gusto lang kitang kumustahin. Hindi rin naman tayo masyado nagkikita sa school." Nakangiti na siya ngayon pagkatapos magsalita. Yes, unfortunately, kapatid ko siya.

"Okay lang ako ate. Humihinga pa naman. Ikaw? Si Xav?" Si Xavier yung bunso naming kapatid na lalaki. Nag-aaral rin siya pero sa ibang university, ayaw niya daw sa school namin kasi pareho kaming nandoon ni Prime.

"Okay naman sila mommy at Xav. Hindi mo ba sila kino-contact? Alam mo namang mag-aalala si mommy niyan sa'yo." She sighed.

"Hindi ko masyado naime-message si mommy pero nagkita naman kami two weeks ago kasama si dad. Kayo lang ni Xav ang hindi ko nakita." Masyado silang nag o-overthink sa akin, nag-aaral naman akong mabuti. Wala nga lang akong kasama sa bahay. Marunong din naman ako magluto at ibang gawaing bahay, ayoko kasi ng may ibang kasama.

"Ate, I have a question." Sabi ko. Naka-order na rin pala kami at hinihintay nalang namin yung foods kaya kukulitin ko muna ang kapatid ko.

"What?" Nakatingin lang siya sakin habang naka-taas ang isang kilay at nakasandal sa inuupuan niya.

"Sino 'yung kasama ni Ms. Thyrese?" Curious lang ako, bakit? Masama bang magtanong?

"High school best friend niya yun, ngayon lang ulit sila nagkita after so many years. Niyaya ko nga dito sa table natin pero gusto daw ng friend niya ng privacy since madami silang pag-uusapan." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Prime, akala ko panibagong manliligaw na naman niya eh.

Matagal ko na siyang ninanakawan ng tingin mula ng maging prof ko siya noon. Saglit lang din siya nagturo sa klase namin dahil nag substitute lang talaga siya dun sa totoong prof namin. Two months lang ata niya kami naturuan no'n.

Cruel Summer (GxG)Where stories live. Discover now