Chapter 20 - unedited

620 18 0
                                    

Flashback
———————————————————

"Alexys Primavera Aragon Monterde, our batch Valedictorian!" Tawag sa akin ng MC. Nandito kami ngayon sa auditorium dahil graduation day na.

Tumayo ako sa kinauupuan at umakyat sa stage. Sinabitan ako ng maraming medals at inabot ang diploma ko. Kasama ko si Mommy at Daddy sa stage. Pagkatapos namin mag picture taking ay bumaba ulit kami ng stage at bumalik sa pwesto. Mamaya ay aakyat ulit ako para sa aking speech. Hindi ulit nakauwi sila Prime at Alystaire pero okay lang, next week ay lilipad kami sa London dahil sila naman ang g-graduate. Pagsasabayin na rin ang celebration namin pag uwi nila, ayon na rin sa kagustuhan ko.

"Again, congratulations and long live to us, my dear schoolmates and parents." Pagtatapos ko sa aking speech. Hindi ko na idinitalye ang mga sinabi ko dahil pareho lang rin naman yun sa iba. Nagpalakpakan ang lahat at ngumiti akong muli at saka bumaba ng stage.

Ilang oras lang makalipas ay tuluyan nang natapos ang graduation. Lumapit sa akin ang mga classmates ko para mag congrats at magpaalam. Nag picture taking kami bago ako tuluyang umalis para lapitan na sila mommy.

"Congratulations, darling! We're so proud of you!" Yakap sa akin ni mommy. Si daddy naman ay hinalikan ako sa noo at niyakap.

"Congrats, anak ko!" Malambing na bati ni daddy. "Congrats, ate!" Niyakap ko rin ang bunso namin.

Nag picture picture lang rin kami tapos ay umuwi na sa bahay. Doon kami kakain dahil nagpa-cater sila Mommy.

Mabilis lang lumipas ang oras at ngayon ay nandito na ako sa kwarto ko para magpahinga. Nakahiga na ako sa kama ng maramdaman ko ang phone na nag v-vibrate.

Triple A
Incoming call

Prime Monterde joined the video chat.
You joined the video chat.
Thyrese Suarez joined the video chat.

"Congratulatioooooons, Prim!" Masayang bungad ni Prime. Sa tingin ko ay nasa bahay sila ngayon dahil kwarto ni Prime yung kinaroroonan niya. 9pm na dito sa Manila at doon ay 2pm palang.

"Congratulations, Prim! We're so proud of you." Nakangiting bati ni Aly sa akin.

Halos isang taon na rin nakalipas mula nung magbakasyon ako sa London. Magmula noon ay mas naging close pa kami. Regular kaming nag vi-video call o kung hindi man ay magka-chat kami sa messenger. Binasted niya rin si Ben, sabi ni Prime, kaya tuwang tuwa ako lalo.

"Thank you sa inyo, Ate and Aly! Kayo naman ang next." I smiled at them widely.

"Yeah, are you coming here?" Tanong ni Aly, si Prime ay nakikinig lang.

"I can't. Sila mommy ay pupunta kasama ang parents mo at si ate Ty. May entrance exam kasi akong aasikasuhin." Malungkot kong sabi, pero joke lang yun. Gusto ko lang makita ang reaksyon niya.

Saglit siyang natigilan at pagkuwan ay tumango at pilit na ngumiti. Naguilty ako at gusto ko sanang bawiin pero nakita ko si Prime na nagsmirk. Aasarin nanaman ako neto mamaya panigurado.

"Awwe, kawawa ka naman hindi mo kami makikita. Mag stay pa naman kami dito for another year." Nanlaki mata ko sa sinabi ni Prime. Hindi ko alam kung nambu-bwisit lang siya or totoo yung sinabi niya.

"What? Is that true, Aly?" Si Aly nalang tinanong ko kasi mas matino isasagot niya. Nagkamot siya ng sentido bago sumagot.

"Yeah, we have a lot of things to process here before we can finally go home." Nanlumo ako sa narinig. Tumango nalang ako at pilit ngumiti. Na reverse back ako mga ante.

Cruel Summer (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon