Chapter 7 - unedited

759 24 3
                                    

Ang sarap ng tulog ko dahil umuulan at malambot ang aking unan. Sininghot ko pa at parang nasobrahan sa bango ata. Unti-unti akong dumilat at narealize kong si Ms. Suarez yung unan na sinasabi ko. Nakaunan siya sa aking braso habang magkayakap kaming dalawa. Nakasiksik rin ang mukha niya sa leeg ko. Nagtalo ang puso't isip ko kung babangon na ba ako o samantalahin ang pagkakataon na ganito kami. Sa huli ay nanaig ang aking puso, mas hinigpitan ko pa ang yakap at muling pumikit. Hindi ko namalayang tuluyan akong makakatulog muli.

I woke up for the second time and when I opened my eyes, ako nalang mag-isa ang nandito sa kama niya. Tatlong minuto akong tumulala para makapag adjust ang aking sistema bago bumangon at nagtungo sa cr niya. Kumuha ako ng un-used toothbrush sa drawer at nag toothbrush. Naghilamos na rin ako pagkatapos ay lumabas ng kwarto niya. Bumaba ako para hanapin siya. Nakita ko siya sa kitchen nagluluto ng almusal. Saglit ko siyang pinanood before I cleared my throat para kuhain ang atensyon niya. Nilingon niya ako at binati ko siya.

"Good morning po!" Nginitian ko pa siya para mabuo araw niya ngunit poker face lang siya at hindi man lang bumati pabalik. Kahapon binati niya ako sa bahay, sumimangot ako at nag-pout.

"Stop pouting, you look like a duck." Tamo, nanglait pa. Naghain siya at kumuha naman ako warm water para uminom. Sinilip ko yung niluto niya, garlic fried rice, ginisang corned beef na may potatoes, sunny side up egg, and hotdogs. Yum! Those are one of my favorites.

Naupo ako sa tapat niya at nagsimulang kumain. "Anong oras po ang first class niyo today?" Tanong ko sa kanya.

She looked at her wrist watch before answering me, "9am." Tipid na sagot niya. Tumingin din ako sa relo at nakitang 7:38am na. Tumango ako at nagtanong muli, "Gusto niyo pong sumabay?"

"Thanks but no, I'll use my car today." Tanggi niya. Tumango nalang ako. Sayang naman, akala ko ay makakasama ko pa siya ng matagal. Joke, abusado yarn?

Pagkatapos kumain ay siya na ang nagligpit at naghugas ng mga pinggan, pinilit ko siyang ako na pero tinaboy na niya ako at kailangan ko pa daw umuwi para makapag ready for school. Bumalik lang ako sa kwarto niya para kunin ang phone ko, paglabas doon ay pumunta ko sa kabilang room dahil nandon ang bag ko. Pagkakuha ay bumaba na ako ulit at nagpuntang kitchen para magpaalam sa kanya.

"I'll go ahead, ma'am. Thank you for everything!" Oh ha kung makapag thank you for everything ako eh akala mo di na kami magkikita. Tumango lang siya at tumalikod na ulit.

Hmp di man lang ngumiti. "Lalabas na po ako ha." Mahinang okay lang ang narinig ko sa kanya bago ako tuluyang lumabas. Diretso ako sa elevator at pagbaba sa basement ay sumakay ako ng sasakyan ko. Nagbyahe lang ako saglit pauwi at dahil magkalapit nga lang ay mabilis akong nakarating.

Mabilis lumipas ang araw, three weeks na mula ng magsimula ang second sem. Sa araw araw na yun ay mas lalo kong hinanap hanap ang presensya ni Ms. Suarez. Tuwing end of the class niya ay kasama niya akong nagpupunta sa office niya dahil ako nga ang class beadle. Okay lang naman kasi siya ang last class ko tuwing M-T-TH. Tinutulungan ko siya minsan mag check ng quizzes and all.

Thursday ngayon at katatapos lang namin ni Ry at Light kumain dito sa cafeteria. Nag ku-kwentuhan lang kami randomly ng tinawag ako ng ka-club member kong si Paula.

"Alexys, meron daw tayong club meeting ng 5:30pm. Ipapakilala daw ang bagong adviser natin. Huwag ka magpa-late ah." Sabi ni Paula. Member ako ng theater club— halo halo dito. May music, dance, and acting. Tinanguan ko si Paula at nagpasalamat. Nag retire na kasi si Sir John, yung adviser namin for the last three years.

"Ry, ayaw mo talaga sumali sa club?" Pangungulit ko kay Ry. Magaling kasi sumayaw ang isang ito kaso tinatamad daw siya kasi puro practice yun. Ilang years ko na rin siyang kinukulit para may kasama akong ka-close ko.

Cruel Summer (GxG)Onde histórias criam vida. Descubra agora