Chapter 30 - unedited

704 18 3
                                    

"Ms. Suarez?" Bungad nung kumatok sa pinto matapos itong buksan ni Alystaire.

"Yes?" Walang emosyong sagot ni Aly. Kasalukuyan kaming nag k-klase bago kumatok ang tila mukhang estudyante sa pinto kaya natigil kami.

"May nagpapabigay po, ma'am." Sabi niya sabay abot kay Aly ng bouquet of flowers saka paper bag. Lihim na napataas ang kilay ko sa nakita. Kinuha naman ni Aly yung inabot sa kanya kaya naglakad na palayo yung nagdala.

"Hala, baka galing kay sir Corpuz?" Bulong nung nasa unahan ko. Hilahin ko buhok mo eh.

"Baka nga, sabi nila si sir ang asawa ni ma'am eh." Sagot nung katabi niya. Pagbuhulin ko kaya sila? Siniko ako ni Ryleigh kaya nilingon ko siya at kinunutan ng noo.

"What?" Masungit kong tanong sa kanya. Nawala ako sa mood bigla.

"Kanina pa nakatingin sa'yo yung asawa mo." Mahinang bulong niya sa akin bago inginuso si Alystaire. Tumingin naman ako sa harap at nakitang nakatingin nga siya sa akin. I can see from her eyes that she's worried so I smiled at her to assure her that I'm fine. Nagpatuloy ang klase namin at maya maya ay binigyan niya kami ng seat work. Nung matapos ako ay tumayo na ako para ipasa sa kanya ang papel ko. Babalik na sana ako sa upuan ko nung tinaasan niya ako ng kilay.

"What?" I mouthed at her. Her expression softens and asked me if I'm okay.

"Are we alright?" Mahinang tanong niya, enough lang na marinig naming dalawa.

"Yes love, don't worry. Nag enroll na ako sa JRU." Nakangising sabi ko. Inirapan lang niya ako at pagkatapos ay binugaw na pabalik sa upuan ko.

Nang matapos na ang lahat sa seat work ay nagpaalala lang si Aly about sa lectures na dapat aralin. Since foundation week next week ay isang linggong walang klase. Pagkatapos niya mag instruct ay dinismiss na niya ang klase. Nagsimula na mag alisan ang iba habang ako ay nakaupo pa rin. Last class ko na ito sa araw na 'to.

"Uwi na kayo?" Tanong ni Ry.

"Hindi ko alam eh, baka may meeting pa si Aly. Why?" Balik tanong ko sa kanya. Tumingin ako sa unahan at nandon pa ang asawa ko, nagliligpit ng mga gamit.

"Dinner tayo sa restau mo. Libre mo kami." Ay wow! Siya ang nag aya pero ako pa ang maglibre. Inirapan ko nalang siya.

"Tanungin ko si Aly, chat ko nalang kayo. Maligo ka muna, ang baho m—" bago ko pa matapos ang sasabihin ay hinampas na niya ako.

"Alexys! Baka pwede mo na ako samahan ngayon? Lagi mo ako tinatanggihan." Si Tina, biglang lumapit sa amin.

Bago pa ako makasagot ay tinawag na ako ni Aly.

"Prim, let's go." Aya niya sa akin kaya tumayo na ako at nagpaalam kay Tina. Nagtataka man siya sa pagtawag sakin ni Aly ay hinayaan na lang niya ako makaalis. Kasabay ko naman si Ry na lumabas din. Kinuha ko ang gamit ng asawa ko para ako na magbitbit.

"Love, nag aaya sila Ry dinner daw sa Primavera's. May gagawin pa ba tayo dito sa school?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami. Kasabay pa rin namin si Ry. Maliwanag pa naman dahil mag 5pm palang. Marami pa ring estudyante ang nagkalat sa paligid, yung iba ay napapatingin pa sa amin. Tinignan ko ang asawa kong tahimik lang na nag-iisip.

"Hmm, okay. I don't have any meetings anymore." Sabi niya pagkalipas ng ilang minuto. Ang laki naman ng ngiti ni Ryleigh dahil sa pagpayag ni Aly.

"Meet nalang tayo sa resto around 7pm." Sabi ko kay Ry. Tumango lang siya at nagpaalam na sa amin para makauwi muna. Siya na rin bahala mag aya kay Light.

Naglakad na kami papunta sa parking dahil wala naman kaming kukunin sa office ni Aly. Bago makarating doon ay may aso nanaman kaming nakasalubong. Hindi na sana namin siya papansinin pero hinawakan niya sa kamay ang asawa ko para pigilan ito sa paglalakad.

Cruel Summer (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon