Chapter 39 - unedited

633 20 5
                                    

Warning: Explicit Words

Nagising ako nung makaramdam ako ng maligamgam at nakakasulasok na likidong tumutulo na ngayon sa buong katawan ko. Putangina. Mukha ba akong inidoro?! Naghihirap ba sila masyado at wala sila pambili ng yelo para malamig na tubig nalang sana ibinuhos sa akin? Sana nanghingi nalang sa akin ng pambili. Puta talaga. Gusto ko man murahin sila isa isa ay kailangan kong i-conserve ang energy ko. Buti nalang ay hindi dumapo sa bibig ko yung ihi. Tangina talaga. Dugyot ang tangina. Makalabas lang ako dito, ipapainom ko sa kanya yung ihi ng mga kasama niya!

"Wake up, princess." Tumingin ako sa demonyong nasa harapan ko bago iginala ang paningin sa paligid.

Madumi ang kwarto kung saan ako naroon. Sa tingin ko ay nasa isang abandonadong building kami sa kung saan. Nakatali ang mga paa't kamay ko sa upuan, buti nalang ay walang piring at busal ang bibig ko.

"Hindi ka ba sisigaw? O hihingi ng tulong man lang?" Rinig kong tanong ng demonyo.

I tilted my head and looked at him bago nagsalita, "Maririnig ba nila ako?"

"Hindi." Sabi niya.

"May tutulong ba sa akin?" Ako ulit.

"Wala." Sagot ulit niya.

"Oh diba? Bakit ko aaksayahin ang oras ko? Bobo ka rin eh." Pang lalait ko sa demonyo.

Isinampal niya sa mukha ko yung baril na hawak niya pero hindi ako nagpakita ng emosyon. I won't give him the satisfaction. Nginisian ko pa nga siya. Lalo pang napikon kasi inulit pa niya. Tumawa naman ako pagkatapos. Nakaupo na nga lang ako dito pero napipikon pa rin siya. I'm not gonna lie though, medyo masakit at mahapdi na yung sinampal niya. Sana sa kabila nalang niya inulit para pantay. Bobo din eh.

"Nagpaalam ka na ba sa minamahal mong asawa?" Tanong ulit niya.

"Hindi pa, saan ba ako pupunta para maipaalam ko?" Pang aasar ko. Wala naman ako magagawa kung magpiglas piglas ako dito kaya bubwisitin ko nalang siya. Mamatay man ako at least nabwisit ko siya.

Lumapit naman siya sa akin at buong gigil na hinawakan ang mukha ko.

"Akala mo ba makakalabas ka pa rito ng buhay?" Tumawa siya na parang demonyo. Ngingiwi sana ako kaso hawak pa rin niya yung mukha ko.

"Kung hindi para sa akin si Thyrese, mas lalong hindi siya mapupunta sa'yo!" Tanga nito, kasal na nga sa akin eh. Bobo! Dinuraan ko nga yung mukha niya. Dami satsat eh.

"Putang— bugbugin niyo 'to! Inuubos niya ang pasensya ko!" Nang gagalaiti na siya sa galit.

"Kalma ka lang, baka pumutok ugat mo sa leeg edi hindi rin napunta sa'yo ang asawa ko?" Ngumisi ako.

Sinenyasan niya yung mga alagad niya na simulan ang pagbugbog sa akin. Naglapitan naman sila at pinagsusuntok ako sa mukha, tadyak sa tyan, at iba't ibang parte ng katawan ang natanggap ko. Tangina! Nakakadami na sila ah? Ang sakit na rin ng katawan ko. Gusto ko lang naman ng kape kanina pero ito ako ngayon, abogbog berna.

Inaaliw ko nalang ang sarili ko sa pinag iisip ko dahil di rin naman ako makakalaban, nakatali pa rin ang mga kamay at paa ko. Naramdaman ko ang dugong tumutulo mula sa noo ko pababa sa mukha ko.

"Yan lang ba ang kaya niyo? Pakawalan mo kaya ako dito para patas tayo?" Sabi ko.

"Tumahimik ka!" Napangiwi ako sa lakas ng sigaw niya.

Gusto ko na matulog. Pagod na pagod na ang katawan ko. Ang tagal dumating ng sasagip sa akin, kung meron man. Pumikit ako saglit at inalala nalang ang mukha ng asawa ko. Hindi ko na inintindi ang kakaputak ng demonyo sa harap ko. Pumikit lang ako dahil wala na akong energy. Nakaupo na nga lang ako pero napagod pa rin.

Cruel Summer (GxG)Where stories live. Discover now