Chapter 11 - unedited

674 18 1
                                    

Nagising ako before 11am, dumilat ako at hinayaan munang mag adjust ang paningin ko. Matapos ang limang minuto ay pakiramdam ko okay na ako kaya hinagilap ko ang phone ko na nasa side table. Bumungad sa akin ang iba't ibang notification mula sa iba't ibang tao.

 Bumungad sa akin ang iba't ibang notification mula sa iba't ibang tao

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Inuna kong buksan ang message ni Prime.

To: Prime Monterde
Good morning! Sure, give me a call nalang if susunduin na kita.

Next kong inopen yung message ni Ms. Suarez at nireplyan siya.

To: Ms. Sungit
Alright, I'll bring foods for lunch.

Pagkatapos ay nireplyan ko din si Light at nagmessage sa gc namin. Dahil mag e-eleven na, bumangon na ako at dumiretso ng banyo para maligo.

After maligo at magpatuyo ng buhok, I wore a white shirt na may roses sa harap as design. Pinartneran ko ng beige cargo pants at white sneakers. Nag ayos lang konti at hinayaang nakalugay ang medyo wavy kong buhok.

Bago lumabas ng kwarto ay inopen kong muli ang phone to check if someone messaged me. Nakita kong nagreply si Prime at Ms. Suarez.

From: Ms. Sungit
No need, I cooked.

Double wow. Ngayon lang niya ako inanyayahan sa office niya ng hindi related sa acads. Pero baka assuming lang ako, baka mamaya may ipapa-check lang pala.
Nireplyan ko rin si Prime at lumabas na ako ng kwarto.

Pagkarating sa garage ay sumakay ako ng sasakyan para mailabas ko na ito. Naisipan kong bumili ng bulaklak para sa binibining pupuntahan. Isang stem lang ng red rose ang binili ko para lowkey muna. Sa susunod na yung bigger.

Nagbyahe lang ako saglit patungong school at pagkarating ko ay nag park ako agad. Hindi ko kinalimutang kuhain ang rose na binili at naglakad na ako papunta sa office ni Ms. Suarez.

Ilang minuto rin ang inabot ng paglalakad ko at pagkarating ko sa tapat ng office niya ay kumatok na ako. Saglit lang akong naghintay at binuksan niya ang pinto. Itinago ko ang rose sa likuran saka ako pumasok. Nakasuot siya ng black v-neck shirt na pinatungan ng maroon leather jacket at denim jeans. Ang init init naka-leather jacket si miss ma'am amp.

"Good morning, ma'am! A rose for a beautiful lady like you." Bati ko sa kanya at pagkatapos ay inabot ang rose.

Ngumiti siya ng konti bago nagpasalamat. Uy tangina, ngumiti! Hindi labas ang ngipin pero napakaganda pa rin. Sana lagi!

"I asked you to come so you can help me check these papers." Ay de pota. Sabi na nga ba at magpapa-check lang.

Napasimangot ako sa isip ko pero nginitian ko siya para naman hindi mawala ang pagka-good mood niya. Excited pa naman ako, akala ko lunch date na! Tumango nalang ako at naglakad patungong couch. Inilapag ko dun ang mga gamit ko at kukunin ko na sana yung ipapa-check niya nung nagsalita siya ulit.

Cruel Summer (GxG)Where stories live. Discover now