Chapter 28 - unedited

771 22 3
                                    

Tuesday na at nasa school ako ngayon. Kasalukuyan akong nasa cafeteria kasama si Light at Ryleigh. Hindi nanaman matigil ang bangayan ng dalawang kasama ko.

"Ry, nakita kita sa labas kanina. Bakit doon ka umihi?" Tanong ni Light. Nagtataka naman siyang tinignan ni Ryleigh.

"Bakit naman ako iihi sa labas? Nag-iisip ka ba ng maayos?" Pambabara naman ni Ry sa kanya.

"Oo, nakataas pa nga yung isang paa mo eh. Tapos binugaw ka lang ni Kuya Guard kaya umalis ka." Nagpipigil ang tawang sabi ni Light. Natawa naman ako, yung aso sa labas na nakita namin last week, pinangalanan kasi niyang Ryleigh dahil pareho daw kulay ng buhok nila.

Binatukan naman siya ni Ry sa sobrang inis. Tawang tawa lang ako sa kanila nung maramdaman kong nag vibrate ang phone ko. Tinignan ko ito at napangiti nung makitang tumatawag si Aly.

"Hon, where are you?" Bungad niya pagka sagot ko nung tawag.

"I'm in the cafeteria po together with Light and Ry. Do you need anything?" Masuyo kong tanong. Natigil sa pagbabangayan yung dalawa nung marinig ang mga pangalan nila.

"I left a paper bag in the car. Can you please get it once you're free?" Pakiusap niya sa akin. Pansin ko lang, hindi na kami natapos kakatanong sa isa't isa.

"Sure, my love. Did you have your lunch na?" I asked her kasi lunch time na.

"Not yet, I just finished my lecture. I'll eat with your sister later, she's just talking to someone." Mahabang sabi niya. Minabuti ko nang magpaalam para makapag pahinga siya ng konti.

"Okay love, let me know if you need something else ha? I love you!" Hinintay ko lang siya sumagot bago ko ibinaba ang tawag. Pagkuwan ay tumayo ako para pumunta sa kotse at kunin yung sinasabi niya.

"Saan punta mo, Lex?" Tanong ni Light.

"May kukunin lang sa car. Aalis na ba kayo?" Balik na tanong ko.

"Hintayin ka nalang namin dito." Si Ry. Tumango nalang ako at lumabas na ako ng caf.

Naglalakad ako ngayon papuntang parking lot, medyo mainit pero malapit lang naman kaya ayos lang. Nang makarating sa kotse ko ay agad kong kinuha ang paper bag. Hindi ko na inusisa pa kung ano ang laman nito at maingat na binitbit, medyo mabigat kasi. Habang naglalakad ako pabalik ng cafeteria ay nakita ko ang asawa ko at kapatid ko na naglalakad sa parehong direksyon na tinatahak ko. May asong nakabuntot sa likuran nilang dalawa. Binilisan ko ang lakad para malapitan ko sila agad.

"Sa caf kayo mag lunch?" Tanong ko sa kanilang dalawa pagkalapit ko.

"Yes, have you eaten?" Masuyong tanong ni misis. Tinanguan ko siya at sinabayan sa paglalakad. Si Prime ay busy kakadutdot sa phone niya habang yung aso sa likod ay nagmamasid lang sa amin.

"I went to the car to get this." Taas ko sa paper bag.

"Thanks hon. That's actually for you." Sabi niya at ngumiti pa sa akin. Kinilig ako sa nakita kaya napangiti rin ako, sinilip ko ang laman ng paper bag at nakita ang paborito kong kape at sandwich. Bakit hindi ko nahalatang kape ito?

"I forgot to give it to you this morning." Napakamot siya sa noo.

"Thank you, my love! I appreciate it." Sabay kami pumasok kanina pero hindi ko ito napansin. Ngumiti ako sa kanya at gustuhin ko man siyang halikan ay hindi pwede at madaming estudyante.

Bumalik na kami sa bahay namin nung Sunday, pagkauwi namin galing kina mommy ay doon na kami dumiretso. Pero pinag iisipan ko kung sa The Empire nalang ba kami o dun sa bahay ko sa isang subdivision malapit dito sa school. Medyo matagal kasi ang byahe kung doon kami sa bahay namin araw araw uuwi. Mas maganda siguro kung tuwing Friday nalang kami uuwi doon. Hindi ko namalayang nasa cafeteria na pala kami. Narinig ko lang ang pagtawag sa amin nila Light kaya doon kami dumiretso.

Cruel Summer (GxG)Where stories live. Discover now