Chapter 6

765 24 0
                                    

Mabilis akong kumilos matapos marinig ang alarm. Nagsuot lang ako ng black sleeveless sando at denim shorts saka white sneakers. Matapos kong mailagay sa bag ang mga dinala kong gamit ay lumabas na ako ng kwarto. Siniguro kong nabitbit ko rin 'yung notes na inilabas ko kanina. Naglakad ako papuntang kwarto ni Ms. Suarez at kinatok ito. Ilang saglit pa ay binuksan niya ang pinto.

"Let's go?" Aya ko sa kanya. Tumango siya at pumasok ulit sa kwarto niya, kinuha ang gamit at saka lumabas.

Sabay kaming naglakad pababa ng hagdan. Dumiretso kami sa kitchen dahil narinig kong nandoon sila mom and dad. Nagpaalam kami sa kanila ngunit bago pa ako makalabas ay tinawag ako ni mommy at may sasabihin raw sa akin. Inabot ko kay Ms. Suarez ang susi ng sasakyan ko para mauna na siya roon. Pagkaalis niya ay naupo ako sa tabi ni mommy.

Sampung minuto lang ang itinagal ng pag-uusap namin ni mommy tapos ay lumabas din ako agad at dumiretso sa kotse.

"Nagpaalam ka na po kina sir Archie at ate?" Tanong ko sa kanya.

"Yeah. Let's go." Sagot niya. Mamadali yarn???

Lumapit ako sa kanya at napaatras siya, kinuha ko ang seatbelt at marahang kinabit. Pagkuwan ay nagsalita ako habang magkalapit pa rin kami, "Don't forget your seatbelt, please."

Nilingon ko siya at muntik na magtama ang labi naming dalawa. Itinulak niya ako ng konti para magkaroon ng space sa pagitan namin.

Umayos ako ng upo at nagsimulang mag drive. Hindi ko pala nasabihan 'yung mga hukluban na mauuna na akong umuwi. Bahala na sila sa buhay nila. Hindi naman sila papabayaan ni Prime at sir Archie.

Sa kalagitnaan ng byahe ay muli ko siyang kinausap.

"Do you want to go somewhere and eat?" Tanong ko sa kanya.

"No, let's go home straight." edi 'wag. I rolled my eyes internally.

Binuksan ko ang stereo at saktong paborito ko ang tumugtog.

In a crowded room a few short years ago
And sometimes there's no proof, you just know
You're always gonna be mine
We're gonna be

I'm gonna love you when our hair is turnin' gray
We'll have a cardboard box of photos of the life we've made
And you'll say, "Oh my, we really were timeless"

Tinignan ko si Ms. Suarez at nakita kong nakapikit lang siya at tila dinadama ang kanta. Napangiti ako sa ganda ng kanyang mukha. Akala mo maamong tigre sa tuwing nakapikit.

We're gonna be timeless, timeless
You still would've been mine
We would've been
Even if we'd met on a crowded street in 1944
You still would've been mine
We would've been

Natapos ang kanta ay hindi pa rin siya dumilat. Muli akong nag focus sa daanan at tahimik na binagbag ang kalsada. Hindi ko pala siya natanong kung san ko ihahatid pero siguro ay sa The Empire since doon ko siya hinatid nung nakaraan.

Isang oras muli ang lumipas at malapit na kami sa The Empire nang biglang umulan ng malakas. May kasama pang kulog at kidlat. Pisting yawa, ngayon pa talaga umulan oo. Nilingon ko si Ms. Suarez at seryoso lang siyang nakatingin sa pagbagsak ng malakas na ulan. Huminto ako sa tapat ng The Empire at lalabas na sana ako upang pagbuksan siya nang pigilan niya ako.

"Let's go to the basement. You might get stranded on the road if you insist to leave right now." Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Bukod sa mahaba iyon ay kababakasan ng concern ang tinig niya. Tumango nalang ako at hindi na tumanggi pa.

Cruel Summer (GxG)Where stories live. Discover now