Chapter 38 - unedited

588 18 5
                                    

"Hoy! Tulala ka nanaman!" Napangiwi nalang ako nung maramdaman ko ang sakit sa likod kong hinampas ni Light. Bobo talaga!

"Ano ba yon? Leche ka!" Singhal ko sa kanya. Nandito kami sa likod ng school nakatambay sa ilalim ng puno, vacant kasi namin ng three hours.

"Kanina ka pa kaya namin kinakausap? Lutang ka na naman." Sabat naman ni Ryleigh.

I sighed. Two weeks na kasi nung makatakas yung gagong Corpuz na yun tapos one week ko na napapansin yung pag-iwas sa akin ng asawa ko. Hindi ko alam kung napaparanoid lang ako o talagang hindi niya ako pinapansin. Late na siya lagi umuuwi tapos pag tinatanong ko siya eh lagi niya lang sinasabi na may need siyang tapusin sa school. Hindi siya sumasabay sa akin pauwi, minsan lang rin siya sumabay papasok. Minsan kapag gigising ako, nakaalis na siya. Mag i-iwan lang siya ng note na nauna na siyang pumasok.

"Tignan mo, humiwalay nanaman kaluluwa niya sa kanya." Hindi ko sure kung si Ry o Light. I sighed again. I took my phone out para i-message si Aly.

My Wife ❤️

Hi love! Are you in your office?

Halos thirty minutes akong naghintay ng reply niya.

My Wife ❤️

Hi love! Are you in your office?

No, I'm having a meeting outside. Why?

Nothing. I just miss you. :(
Read 12:46pm

I sighed for the hundredth time. Hindi na niya ako nireplyan.

"Alam mo Lex, ano ba nangyayari sa'yo? Daig mo pa yung accountant sa kumpanya niyo." Hindi na nakatiis si Ry.

"Wala, madami lang akong iniisip. Lalo na at pa-gala gala pa yung hayop na yun." Sabi ko nalang.

Tumango naman sila, "Wala pa bang balita kung nasaan na siya?" Si Light.

Umiling lang ako. Walang alert na lumabas siya ng bansa o kahit sa domestic flights kaya siguradong nandito lang siya sa tabi tabi. Si Tito Vitto na rin ang nanguna sa paghahanap kay Corpuz. Kinakabahan ako dahil parang kalmado ang paligid, bukod sa asawa ko na hindi ako gaanong kinakausap ay wala pang kakaibang nangyayari. It's like the calm before the storm.

My Wife ❤️

Come to my office. I'm on my way back.
Don't use your car in the mean time.

Natuwa ako sa natanggap kong message ni Aly kaya dali dali akong tumayo. Nagtataka lang ako sa message niya pero hindi ko na inintindi.

"Mauna na 'ko, pinapapunta ako ni Aly sa office niya." Sabi ko sa dalawa.

Tumayo din sila, "Sama kami! Mainit dito. Makiki-aircon." Si Light, tumatawa pa. Kapal talaga ng mukha. Napailing nalang ako.

Naglalakad na kami pa-office ni Aly nung mag ring ang phone ko, chineck ko ito at nakitang si Prime tumatawag.

"Hello, ate?" Sagot ko.

"Sis, may I borrow your car? Susunduin ko lang si Summer, nasiraan daw siya somewhere." Anito sa kabilang linya.

"Yeah, sure. Where are you ba? On the way ako sa office ni Aly." Sabi ko

"Okay, salubungin nalang kita." Sabi nito at ibinaba na ang tawag.

Nagpatuloy kami sa paglakad at ilang saglit pa ay natanaw ko na si Prime palapit sa amin. Sinalubong ko naman siya at inabot ang car keys.

"Thanks sis!" Kiss nito sa cheeks ko.

Cruel Summer (GxG)Where stories live. Discover now