PART I:Third Son

5K 298 66
                                    

PART I: 

     TORMENTED FATE THEME SONG: ( Pinaghugutan!)

WELCOME TO THE BLACK PARADE by MCR

DISENCHANTED by MCR

Mama by MCR

Brave heart ( Moonlight Version )

Over Soul by Hayashibara Megumi

Parallel hearts - FictionJunction



" THIRD SON "


- ALICE -

" Greece! " Sigaw ko. Nasaan na siya? " Lacie! Xerxes! " Ang sakit ng ulo ko. Noong nasa Abyss kami bigla na lamang nagkaroon ng pagyanig at inikot-ikot ako sa kawalan. Masyadong malakas ang hangin at resulta nga ang malalalim na sugat ko.

Nasa kakahuyan ako? Anong lugar 'to? Pinilit kong pawiin ang luha ko. I'm not weak ..

" Greece! " Sa'ming lahat siya ang pinakasugatan. Kung tinamaan din siya ng ganoon kalakas na hangin.. Kinagat ko ng mariin ang labi ko .. Hindi na nga siya makatayo sa pinsala at marami na siyang dugong nawala.

" Saan ka galing? " Isang babae na highschool ang lumapit sa'kin. Nakita kong naka uniform siya.

" Gaano 'to kalayo sa Imperial Palace?" Tanong ko sa kanya.

" Imperial Palace? " Tila nagtaka siya. " Bakit ka pupunta doon? Ginagawa na kasi siya at hindi p'wedeng pasukin. " anya

" Ginagawa? "

" Oo, after ng destruction ng pagbagsak ng floating fortress ngayon lang siya ginagawa. It's been ten years simula nung muntik ng magunaw ang buong mundo, "

" Ten years? " Nagkakaunawaan ba kami?!

" Sumama ka muna sa'kin. " Inalalayan niya ko. Sumama naman ako. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Nasaan na sila? Please, sana ligtas silang tatlo.

" Namatay na ang lola ko. Ako lang mag-isa dito, hindi niya ko kasing galing pero kaya kong hulaan ang mangyayari sa hinaharap. Mga vision lang at hindi ko pa gaanong nakokontrol, bigla na lang siyang lalabas. " Anya ng abutan ako ng tuwalya matapos makaligo.

Kurtina lang ang takip ng paliguan. Lumabas akong naka tuwalya lang. Maliit lang ang bahay niya. Halatang isang manggagamot ang nakatira. Antigo ang bahay at manipis na kama lang ang nakalagay sa malaking papag. Kung titignan ng buong-buo isang buong kuwarto lang iyon at walang karangya-rangya at pribadong mga kuwarto. Kahit ang lutuan niya ay pinalilingasan pa niya.

" Pasensiya ka na sa bahay ko, " anya na nakangiti ng tumayo sa pinalilingasan at mukhang may iluluto siya. Naupo ako sa isang antigong bangkito.

" Masyado ngang malinis, " totoo, sobrang linis. Marami silang kagamitan kahit may kaliitan ang bahay. Noon ko lang napansin na may isa pa palang kuwarto sa kabilang dako, akala ko kurtina lang.

" Itong nasa labas ang kama ni Lola. Iyon namang nasa loob ang kuwarto ko.. Doon ka na lamang, p'wede ka din dito tutal ay wala naman akong kasama." Siya na pumunta sa isang closet at humanap ng kung ano at sunod inabutan niya ko ng susuotin.

Totoo nga kayang sampung taon na ang nakakalipas? Parang imposible. Ano nga bang imposible sa loob ng abyss?

" Sino ang nagpapalakad ng Imperial Palace? I mean, sino ang nagpapagawa? " titig ko sa kanya ng makapagbihis na 'ko. Sinenyasan niya kong maupo dahil kakain na. Pakiramdam ko hindi ako gutom sa kakaisip kung nasaan sila. Kung nakaligtas ba ...

RBW Series 2: Tormented FateWhere stories live. Discover now