TF II: SEVENTH ( POV )

2K 166 25
                                    


SEVENTH SANCTUM (POV)
TORMENTED FATE


Nadarama ko na ang katapusan. Akala ko may pagkakataon pa para baguhin ang tadhana ngunit kahit anong pasikot-sikot ang daanan ko dito pa rin pala 'ko babagsak.

Nabatid ko na napiit na siya sa selda. Ang aking ama –na umabandona sa 'kin. Siya ang lalaking inaabot ko ngunit madalas ibinabaling ang tingin. Ngunit nang sabihin niya ang mga katagang " Para sa 'kin," ang lahat ng 'yon at ang mga dahilan niya –daig pang binudburan ng asin ang puso ko. Masakit ang naging pagtibok, tila nilalamukos ang damdamin ko at lalo lamang akong namumuhi sa paligid ko.

Nagsisisi ako na isinuko ko ang sarili ko sa kalaban. Pero paninindigan ko na rin ang nasimulan ko. Para kanino ba 'ko lumalaban? Para sa kanya hindi ba? Para matanggap niya! Para marinig ko na sambitin niya at tawagin akong anak!

Sa pagitan nang pakikidigma k okay Shin lalo lang akong binabalot ng galit. Nakikita ko at nadirinig ko sa kanya ang galit niya sa 'ming ama! Hayop siya, siya na itinuring na anak higit sa 'ming dalawa! Siya na nagtamas nang pamilya na hindi namin dinanas ang may lakas ng loob na sabihin na mas mabuti ng mamatay si ama?!

Pakiramdam ko gusto ko siyang wasakin, pagpira-pirasuhin! Oo, isa 'kong martir na anak! Sa kabila ng sakit at nagdurugong kalooban ko sa pagkainggit kay Shin ay nanatili ako para makita niya na higit akong malakas! Oo, lumakas si Shin ngunit 'di maikakaila na mas bihasa ako sa kanya.

Sa bawat pagbabanggaan ng mga sandata namin at pagpapalitan ng kasuklam-suklam na tingin at mga salita daig pang may naglalagablab na apoy sa pagitan namin! Tama, mamatay na si ama! Tama 'yon nang hindi na niya protektahan ang isang walang silbi at pakinabang na anak na tulad ni Shin! Tama na mamatay na siya para hindi na siya nasasaktan at nahihirapan pa. Napapagod na 'ko sa daang tinatahak niya –ayoko man maramdaman pero ako na ang nasasaktan para sa kanya!

" Namumuhi ako sa inyong dalawa!" galit na galit na wika ni Shin, nagngingitngit siya habang pilit na sinasangga ng espada niya ang espada ko. Bumabaon na halos ang paanan niya sa lupang kinatatayuan niya at marami ng wasak na 'ming paligid. Halos nagliliyab na rin ang paligid namin na tila ba nagpapaalala sa impiyernong kinamulatan ko.

" Hindi ko matanggap na may iba pa 'kong kapatid! Akala ko kami lang! Sinungaling siya! Para saan ang sandata na ibinigay niya?! Para kamuhian ko pa siya?! Hindi ko na siya mapapatawad maliban na lang kung mamamatay siya! " sigaw niya kasunod ng isang mabilis na pagbawi at siya namang tumutulak sa 'kin.

"Hangal ka! Wala kang silbi! Lumaki ka sa pagpapala ng pamilya pero hindi mo 'yon makita! Bulag ka! Tama, mamatay na siya! Tama nang ipaglaban niya ang pamilyang umpisa pa lang sirang-sira na! " Galit ko ring bawi ng pagbulyaw. Ang galit na nakalarawan sa 'kin ay agad napawi ng makita ko ang isang babae na nakatayo.

Tigmak siya ng luha at labis ang kalungkutan niya. Lyra –siya ang aming ina.Narinig niya ang mga salitang binitiwan namin, alam kong nasaktan siya. Nakita ko ang isang lalaki sa likuran niya. First Sanctum –may hawak siyang patalim na nakatapat sa leeg ni ina. Pero hindi takot ang nasa mga mata niya kundi kalungkutan.

"Patayin mo na siya, o' uunahin ko ang ina ninyo?!" naroon ang pagmamadali sa boses ni First –alam ko, dahil nalalabi na ang oras ng Abyss at ikamamatay naming lahat ang pagkawasak nito nang hindi pa nalalaman kung sino kay Crescent at Demon Lord ang nagwagi.

"Hindi mo siya kailangang idamay, siguraduhin mong 'di mo siya masusugatan kahit gaano kababaw buhay mo ang magiging kapalit niyon. " galit na wika ko. " Papatayin ko siya nang 'di kailangan ng utos ninuman!" singhal ko sa kanya at alam ko na kahit matapang ang tingin niya'y nakadama siya ng panlalamig.

RBW Series 2: Tormented FateWhere stories live. Discover now