TF 25: Potion

2.2K 156 37
                                    


TORMENTED FATE

" POTION "



"Papa, kamusta ka na ba?" Inilahad ni Shin ang kamay niya. Bumabagsak ang mga yebe. " Kailangan kita, nasisiraan na yata ako, palagi kong naririnig ang mga bilin mo. Pero hindi ko maiwasang magtanong. Paano ko nagkaroon ng mga kamukha? Paano na naging tatlo kami? Ako lang hindi ba? Alam mo naman na ayoko ng may kahati, isang beses lang akong pumayag, papa. Ako lang ang anak mo, " Maraming yebe sa paligid. 

Kung iisa-isahin niya ang nangyari. Biglaan silang nakalabas sa Abyss, nagising sila sa sari-sariling bahay at agad siyang tinawagan ni Jasmine kung panaginip lang daw ba ang lahat ng 'yon. HINDI dahil naroon pa rin sa balikat niya ang sugat na nilikha ng biglaang pagsugod ng mga asong lobong kulay itim at pula ang nanlilisik na mga mata. Ang kaibahan ng mga ito ay mayroong mga pakpak.

Ngunit nang makagat siya sa braso ay agad nagkaroon ng liwanag na sumilaw sa kanya kasunod na niyon ang pagbangon niya sa sariling kama sa Rainsworth Mansion. Wala ang kanyang ina, marahil nasa sacred Island ito. Ngayon ay umuulan ng yebe, at sa tuwing may nyebe parang ipinaalala nito palagi ang ama. Si Crescent, bakit ba napakahirap nitong abutin?

"Gusto mo bang mas maging malakas? Higit sa lahat? "

Boses na 'yon ang pumutol sa pag-alala ni Shin sa kanyang nakaraan. Lumingon siya sa likuran niya at nakita niya ang isang lalaking naka-itim na raincoat at nakatungo. Agaw pansin ang suot nitong trianggulong kuwintas na tila rubix cube. Tatanungin niya sana ito kung sino ito pero pagbuka ng bibig niya naglaho na ito kasabay ng malakas na hampas ng hangin.

"Shin, nandito ka lang pala," nginitian siya ni Jasmine na tinatangay ng hangin ang buhok. " Ipinagdala kita ng cookies, si mama ang may gawa nito. Ako na rin ang mag timpla ng tea, " anito na nakangiti.

" Bakit pumunta ka pa dito?" Tanong niya habang nilalapitan ito. Sabay silang pumasok sa mansion ng mga Rainsworth.

" Gusto ko kasing pag-usapan natin 'yung nangyari, naguguluhan ako. Abala rin si daddy kaya hindi pa niya alam na nakabalik na 'ko. Akalain mo bang may New World na silang ilulunsad?" ani Jasmine na inilapag sa glass table ng kitchen ang hawak na basket. " Wala bang ibang nilalang dito ngayon?" takang tanong ni Jasmine.

"Naabutan ko rin na wala sila dito. Baka may pinuntahan," sagot ni Shin.

"May pinuntahan? Maids and Butlers kasama? " Napapataas ang kilay na tanong ni Jasmine bago nagsimulang humanap sa mataas na bahagi na pa cabinet ng gagamitin sa kanilang tea ni Shin.

"Anong sinasabi mo about new world?" Inabot ni Shin ang maliit na disenyadong takure kay Jasmine dahil tumitingkayad pa ito maabot lang ang babasaging gamit.

" Maglulunsad sila daddy. Doon, wala ng kakaiba tulad natin, mga pure humans na lang. Ngayon kasi nanganganib na ang mga tao, mukhang nauubos na talaga sila. Kaya ang New world ay para sa kanila na. " ani Jasmine.

"Imposible, paniguradong nandoon kayong mga vampires,"

"Yep, actually pinagbabalakan rin kasi ng mga Nightray Clan na doon manirahan. Matagal na silang nakikipanirahan sa mga tao at iyon ata ang hindi mawawala sa kanila, " sagot ni Jasmine na tapos ng gumawa ng tea at naupo sa tapat ni Shin. Ang mga Nightray ang ikatlong pamilya ng mga pureblood.

" Werewolves, hindi ba kami kasama? " Sarkastikong tanong ni Shin. Hindi naman nakakibo si Jasmine. Hindi niya naisip na maaring itanong iyon ni Shin. Lalo pa't sa ngayon, napag-alaman niyang nagkakaroon na naman ng iringan ang Vampire Senates sa Kastilyo ng mga Wolveus.

RBW Series 2: Tormented FateWhere stories live. Discover now