TF 14: The Game

2.4K 227 57
                                    


TF 14: THE GAME

**

"Paano babalik si Crescent, walang paraan talaga akong maisip , Makita kung paano siya nakabalik! And honestly speaking si Crescent talaga siya, hindi siya huwad o ano pa man. Pero paano nga yun mangyayari kung nasayo ang katawan niya?" Ani Vishnu kay Light. Sinadya siya ni Light sa La Confide, kasama nila si Aya, Hunter at Yen na dating tagapag-alaga ni Lyra .


"Walang tibok ang puso niya, isa lang siyang kaluluwa?" Yen


"May bumubuhay sa kanya. Nasisiguro kong may bumuhay sa kanya at hindi siya nagbalik ng kusa, " paikot-ikot si Vishnu.


" Tatlo ang anak niya, lahat sila alam nilang sila ang tunay na anak ni Crescent. Pero kung mahahati ang katawan ng anak niya, dalawa lang sana katulad naming dalawa, " ani Light na tumanaw sa bukas na bintana.



"Hindi kaya katawan niyang bago ang isa sa mga anak niya?!" ani Hunter kaya nagkatinginan sila. Ibig sabihin may huwad na anak?


" Kamukha namin ang mga anak niya, kung tutuusin ganoon din ang itsura namin noong kaedad namin sila. Walang pagkakaiba, ibig sabihin hanggang ngayon hindi gusto ni Dark na makaisa ang isa pang Crescent. Bigla lang may lumitaw na dalawa pa, samantalang si Shin lang ang kinilala niyang anak. Mahal na mahal ni Crescent si Shin, iisa lang ang paraan para mapalabas si Crescent, " ani Light na ikinapagtaka naman ng mga kasamahan niya.


"Ano?" Nangangamba si Vishnu sa sasabihin ni Light.


"Ilagay sa bingit ng kamatayan si Shin, " seryosong wika ni Light.


"Ano?!! " Gulantang na sigaw ng apat.


"Si Lyra ay hawak na niya, si Shin na lang ang hindi niya nahahawakan sa ngayon. Maaring isa sa dalawa pang anak niya ang huwad, lalo na ang isang 'yon kakaiba ang lakas niya. Ang tingin at tindig niya, para siyang si Crescent na walang takot kang makikita kahit katiting, isa sa kanila ang bagong katawan na kukunin ni Crescent. " Light

"Nakilala ko na rin ang isa, si Rozen ang nagpalaki sa kanya. Ibig sabihin lang ang isa pang anak niya na labis ang amoy ng dugo ay siyang walang kinalakihan na natutukoy, bigla lang siyang lumitaw,"

"Hindi ko mantindihan, pero hindi natin p'wedeng ilagay sa panganib si Shin! Ayoko nga siyang nasusugatan!" Si Aya.

"Nasa panganib na siya sa pagtapak pa lang niya sa lugar na 'yon. Underground assassination, may ipinadala silang kilala sa tawag na Sanctum brothers para kitilin ang buhay ng mga anak ni Crescent. Mga anak sila ng Diablo, sila ang kumikitil halos ng lahat ng Tribong may malalakas na natatagong kapangyarihan. They are serving for the Demon Lord, pero hindi natin sila makikilala kung nagpalit sila ng pangalan sa loob ng Abyss," Hunter


"Kilala ko sila, mga teenager sila na normal lang kung titignan mo. Pero malalakas talaga sila, piling-pili sila. Sa isang libong kaluluwa , pito lang silang nakasurvive sa Ice hell. Sila lang ang nabuhay, natalo nila maging ang pinakamalalakas na namatay dito sa mundo. Kaya inangkin sila bilang anak ng Demon Lord, wala silang mga alaala ng nakaraan nila kaya ang first to Seventh na pangalan ang naging tunay nilang pagkakakilanlan ngayon at ang apelyido nga nila ang Sanctum." Aya

RBW Series 2: Tormented FateWhere stories live. Discover now