TF 27: THE Beginning of the END

2K 176 56
                                    


Thank you for always commenting and voting tormented Fate :) <3 


**

" Light, ito ang ipinagmamalaki ko sa 'yong mga imbensyon ko!" wika ng baliw na scientist kay Light bago nito binuksan ang ilaw ng laboratoryo.

Nabigla si Light ng makita si Monique sa isangcapsule na may mangasul-ngasul na tubig habang panay ang ilaw ng mga buton sa paligid nito.

" Monique, " wika ni Light na hindi makapaniwala.

Pero isa sa ikinagulat niya ang iba pang capsule. Si Crescent, napakaraming kamukha nila ni Crescent.... Anong klaseng kalokohan iyon!

" Sila rin, " sabi nito na ang itinuturo ay ang nasa kabilang bahagi na ikinabigla rin ni Light. Ang anak niyang si Lacie, si Greece at ang kapatid niyang si Xerxes.

"Kambal kayo ni Crescent. Alam mo ang kahinaan niya, ang buhay nila o ibibigay mo si Crescent sa 'kin para buhayin ang isang daang replica niya? Dugo niya nag kailangan ko, Light, kapalit ng mga nilalang na 'to. Isa, apat ang kapalit hindi mo ba gusto iyon?" Tumawa ito ng malakas. " Kung papatayin mo 'ko, sinisiguro kong mamatay rin sila, sayang naman, " anito pa na nakapagpagalit kay Light ng husto. Anong binabalak nito? !

BLACK MARKET

" Nabalitaan ko nga ang nangyari sa patimpalak. Ayon sa mga piratang naligaw rito noong nakaraan, nagpupuntahan ang ilang nakaligtas sa kuta ng mga Scorpions," wika ng isang magandang kulutang babae na pribadong bahagi lang ng dibdib nito ang halos natatakpan at nakasuot ng maiksing short. Ang ICE HOPE ay isang bagong BAR sa Black Market na puntahan ng mga matataas na uri ng manlalakbay. Dito kasi matatagpuan ang pinakamahal na alak at mga naiibang pagkain na hinuhuli pa sa Death Sea na tahanan ng mga hindi pa nakikilalang mga uri ng pagkaing dagat.

" Kung ganoon doon namin kailangan pumunta?" tanong ni Jasmine na hindi mawala ang pagkairita sa mga babaeng nasa paligid na halos hubad na sa pagseserve sa mga naroon.

"Bakit survivor ba kayo?" Tila hindi ito makapaniwala. Matapos nitong ilapag ang mga inorder nila ay kinipkip nito ang tray sa harapan.

" Yes! What do you expect? I'm Vlad Zordick's daughter, nothing more, nothing less! I'm a Vampire Princess! " eksaheradang wika ni Jasmine sa tila nang-uuyam na babaeng puro Boobs!

Napasinghap ang mga naroon sa narinig. Sino ba namang hindi nakakakilala kay Vlad doon? Vlad is the from the first batch of pureblood vampire resurrected and knowned as one of the most strongest immortal living.

Natawa naman ang babae at abala sa pagsiyasat sa tahimik na tahimik na si Shin. Ito ang nagtanong tungkol sa kung may balita ba tungkol sa biglaang paglalaho nilang mga natitira sa loob ng Abysscentine.

"Maligayang pagdating sa ICE HOPE!" Masiglang bati ng lahat ng babaeng naninilbihan nang marnig ang pag-iingay ng wind chimes na nagpapahiwatig na may pumasok. May exit kasi roon sa ikalawang pintuan kaya puro papasok lamang ang dadaan doon.

Isang lalaki na may maitim na buhok at matapang na mga mata ang pumasok. Kung titignan ay hindi nalalayo ang edad nito sa kanila. Bagama't ganoon man ang tingin nila, hindi na lingid sa kanila ang kaalamang marami ng mahika para magmukhang bata ang tao. But there's something about that man, may nakasuksok na espada sa likuran ito at nakangiti agad na pumasok.

" Meron ba sa inyong nakakaalam kung nasaan si Crescent?" anito na lumapad ang ngiti at may ibinagsak na isang maliit na sakong nakabukas at lumitaw ang mga kumikinang na ginto.

RBW Series 2: Tormented FateWhere stories live. Discover now