TF: 12

2.3K 189 40
                                    


Scorpions Gate


 ''Nagdatingan na sila," Ylerys. 


" Pero ang triplets lang ang susubukin natin. So, hayaan mo ng makapasok ang lahat" sagot ni Lander.


Nasa loob na ang iba nating kasama, sila na ang bahalang magmatyag. " Ylerys.


 "Sa palagay ko may isa ng dumarating. " Lander. Nasa ikalawang palapag sila ng tore. Si Shin ang una nilang nakita. May isang babae itong kasama na nakapayong. "Ako ng bahala sa kanya," ngisi ni Lander na agad naglaho sa harapan niya. Ewan na lang niya kung matupad niyang papasukin lang ang ibang manlalakbay. O papatayin na niya kung wala naman mga potensyal.


****

- Ylerys -


Iisa na lang ako. E diba may dalawa pa? Fck. Kailangan ko pa palang gamitin si Evitha. Nangisi ako. Evitha is my power spirit. She came from the grave. Siya ay isang demon beast na nakakulong sa ilalim ng tore. Isa siyang nakakatakot na kunehong itim at may nagtatalasang mga ngipin. Sa laki niyang iyon na halos tatlong palapg ng tore na 'to ay kasing bilis ng maliit na kuneho ang kanyang pagkilos. Di ko naman ipapapatay ang anak ni Lord Crescent. Sa pamamagitan ng manipulation ko sa contract naming dalawa, mabilis ko siyang mapapahinto.


"Evitha .. Maglalaro tayo," nasa baba na ako ng tore. Pinalabas ko siya at kitang-kita ko sa dilim ang p agpula ng mga mata niyang kamumulat lang. 



 " Ikaw na ang bahala kay Seventh, ako ng bahala sa anghel," pinalabas ko na siya. Wala na akong magagawa kundi ang panoorin si Evitha na pinapaslang ang mga manlalakbay na gusto rin makapasok sa underground. Puro dugo ang paligid. Ang iba naman ay gumagawa ng paraan para mapatay si Evitha.


 Mga tanga. Espiritu lang siya. Sinugod ko agad si Cresentine nang makita ko siyang nakatayo kasama ng isang babae. Mabilis ako na parang hangin nangisi ako ng sipain niya agad ako. Shet! Ang galing, ang bilis ng mga mata niya! Tumalon ako palayo sa kanya. " No wonder, anak ka nga niya" ngiti ko. 


Halata ang bigla sa mukha nung babae. Samantalang nakataas lang ang isang kilay ni Crescentine. Sa isang iglap naging matalim ang tingin niya. 


 " What do you want?" He asked. Sht. Wala man lang smile? Ayos na kahit ngisi pero ang suplado!


" To test you," sagot ko. Sinugod ko sya nang nakangisi. Mabilis na parang isang bihasang ninja. Natadyakan ko siya ng malakas pero tila may humarang! Paglayo ko nang bahagya nakita ko na nakaharang ang mga palad nung babae at nakalikha siya ng shield. Woah. Nice partnership! 



 "Sige na, papasukin ko na... " Nabigla ako sa pagsigaw ni Evitha. As if she's in deep pain. Nilingon ko siya sa likuran at laking gulat ko nang nagkalat ang mga patay na manlalakbay. At..... "Seventh.." naibulong ko na lang sa hangin nang makita ko siyang nakatayo lang at nakangisi.


 Nakaharap na siya sa'kin. Nagwawala si Evitha at sa pagkamangha at kilabot ko sa nakikita kong pagwawala ni Evitha habang sinasakal ito sa buong katawan ng kadena mula sa maitim na kalangitan. 

RBW Series 2: Tormented FateWhere stories live. Discover now