TF 33: Dark is Back

2.1K 204 72
                                    


90 votes next chapter. 

TORMENTED FATE

DARK is BACK

( Kung mapapapansin n'yo naiba ang pangalan ni Demon Lord, may istorya kasi ako na ginagawa na, wala pa sa watty na iyan ang pangalan niya. I-eedit ko na lamang ang pangalan niya sa ibang kabanata. Isa pa, mas kilala n'yo naman siya bilang "Demon Lord " di ba? Salamat! :) **



**

" Ama, bakit kailangan naming lumabas ng Abyss?" tanong ni sixth sa Demon Lord na ang tunay na ngalan ay Gremory. Nilalaro niya ang isang voodoo doll na black, siya ang pinakabunso at kung titignan ay nasa disi-sais lamang siya. Pero ang pagkakasunod-sunod nila ay hindi sae dad, kundi sa kung kalian sila kinuha at inampon ni Gremory.

"Dahil masyadong mapanganib sa inyo ni Fifth dito," nakangiting wika ni Gremory na ginulo ang buhok ni Sixth.

"Paano ka dito ama? Ayoko naman masaktan ka, mag-aalala ko, "anito, ito ang pinakamalambing sa mga anak niya. Maging si Fifth ay ganito rin, iyon lamang ay mas malapit sa kanya si Sixth dahil ito talaga ang pinaka pumukaw ng atensyon niya noon sa pakikipagsapalaran sa impiyerno. Hindi ito katulad ng mga kapatid na may kakaibang determinasyon, lakas, ito ay isang pangkaraniwan ngunit ang mga mata nitong kulay lila ang pumukaw ng atensiyon niya.

"Kung magsalita ka, parang isang mahinang nilalang si ama, " si Second na palaging seryoso ang mukha. May ginto itong kulay ng buhok at madalas na may suot na salamin dahil sa mas madalas itong naglalaro ng computer games kapag walang ipinagagawa ang ama. Naroon sila sa bulwagan kung nasaan ang trono ng kanyang ama sa kastilyong inagaw nit okay Crescent ang kilalang Kastilyo ng salamin at ang replica nito ay nasa mundo ng mga mortal na tinitirhan ni Crescent noon at lugar na kinamatayan nito. Maliit nga lamang iyon kumpara sa orihinal.

" Gusto kong mag-ingat kayo, sa mundong ito, kayo ang pinakamahalaga sa 'kin. Hindi ko hahayaan may isang mawala sa inyo, " wika ng Demon Lord na si Gremory.

"Gusto naming makipaglaban kasama ka, mas gugustuhin naming unang mamatay bago ka nila malapitan," si Fourth na may mahabang buhok at isa ito sa madalas mapagkamalang babae, kulay abo ang buhok nito at madalas na nakapusod pataas ang buhok.

" Sundin n'yo si ama, malakas siya at alam naman natin na walang makahihigit sa kanya, " ani First na naroon at ito ang pinaka-babaero slash eksperto sa mga sandata.

"Isa pa, hindi ko kayo ilalaban kung kakayanin ko naman sila, hindi ko gugustuhing masaktan kayo dahil dugo ko ang bumuhay sa inyo at hindi ko maatim na mamatay kayong muli, hindi ko na magagawang ibalik kayo, " anito kaya natahimik silang lahat.

"Malakas kaming binuo mo, ngunit hindi mo kami gustong isama sa digmaan kapiling mo," malungkot na saad ni Sixth kaya nangiti si Gremory.

"Protektahan n'yo siya hangga't kaya ninyo, " ani Gremory, alam nila na si Sixth ang pinaka-mahina sa kanila. Kaya palaging sinasamahan nila ito.

" Paano si Seventh? " tanong ni Third nang magkalapit-lapit na silang magkapatid.

"Hindi siya makakalabas dito, may marka siya ng Abyss," tugon ni Gremory. "Silang tatlo ang buwis sa mundong ito kaya naman wala silang kakayahang makaalis ditto hanggang sa itinakdang araw, ngunit h'wag kayong mag-alala, makaliligtas siya kung pipiliin niya kayo bilang kapatid niya at ako bilang ama niya," ngiti niya sa mga anak na tumango naman. Hindi man nila gusto ang ugali ni Seventh, nakasama nila ito nang ilang beses, mas malakas ito sa kanila at aminado sila na kakaiba ito. Ipinaliwang nang kanilang ama na silang anim ay mula sa isang tao na sinalinan lamang ng kapangyarihan, samantalang si Seventh ay isinilang na walang laman at dugo ng isang tao.

RBW Series 2: Tormented FateWhere stories live. Discover now