New Year Special Lyra and Crescent

2.5K 226 31
                                    


Dedicated 'to sa lahat ng active na voters and commenters! *u*  Sana hindi kayo magsawang basahin ang istorya nila. So malapit na ang fighting scene, noon nagsali ako ng mga names from readers kung hindi ko na naisama names nyo nalimot ko na. Naformat kasi ang laptop ko, alam n'yo na pasira-sira nakakainis na nga haha! So heto na sila : 


New Year Special Lyra and Crescent



NEW YEAR SPECIAL


" Palagi na lamang akong inaalila! Kung makikita ko lang sana ang babaeng itinadhana sa 'kin edi sana hindi ako naiinggit sa 'king Panginoon! Namatay ng paulit-ulit aba'y pagbangon guwapo pa rin! Bakit masyadong pinagpala ang aking Panginoon sa lahat-lahat!" Inarte ni Tomo habang papunas-punas ng mga figurine sa iba't ibang paligid ng kastilyong salamin. Nananatili sila roon ni Lyra, para ngang pinalalaki nito kaagad si Chrysanta dahil kung hindi ay dapat nasa Abyss sila para kung gaano kabagal ang oras doon ay ganoon rin kabagal ang paglaki ng sanggol.


"Tomo, ang ganda-ganda talaga ni Chrysanta, kung hindi lamang siya isang Prinsesa. "Sabi ni Leo na anyong tao habang karga-karga si Chrysanta ngayon. Paano ba naman ay nagbabalak yatang gumawa ng isang buong batalyon si Crescent ng anak at kakain na lang ang inilalabas sa kuwarto.


"Kung nabubuhay lang sana si Kana. Sabi ng Panginoon isang anghel si Kana kaya hindi niya nakita sa pinatunguhan niya na malamang sa malamang impiyerno!" Tumawa ng malakas si Tomo at agad ding napawi ng makita si Crescent na walang kangiti-ngiti sa kanya kaya agad siyang napalunok.


" Pumunta ka sa mga Scorpions, kumuha ka ng tatlong makakasama ninyo ditong babae. At iabot mo 'to kay Vishnu, " may inihagis na nakabilog na itim na papel si Crescent na agad sinalo ni Tomo. Si Vishnu? Kabilang na sa Scorpions? Napakalakas ng grupo na 'yon na ang misyon ay ligpit ang Sanctum Brothers. Bakit nga kaya ipinaliligpit ng Panginoon niya ang magkakapatid na 'yon? Kilalang berdugo ang mga kalalakihang iyon. Pero ano bang kinalaman ng mga iyon sa Panginoon niya?


"Princess," nginitian agad ni Crescent si Chrysanta na kinuha nito kay Leo. Narinig nila ang hagikgik nito na tila musika. " Gusto mo bang ipasyal ka ni papa?" kausap ni Crescent na ikinakangiti ni Leo at Tomo. Hindi nawawala ang ngiti ni Crescent habang kinakausap ang sanggol na naringgan nila ng salitang " Papa " Chrysanta's first word."Gusto mo bang makilala ang mga kuya mo ha Princess?" Sa sinasabi ni Crescent nagsisimula silang magtaka. Napapatango na lang sila ng marealize na baka ang Scorpions ang tinutukoy ni Crescent.


Umalis na ito sa harapan nila at nagtungo sa terasa kasama si Chrysanta. Hanggang sa glass door patungong terasa kitang-kita nila na kinakausap ito ni Crescent. Para daw mabilis itong matutong magsalita kailangang kausapin ito. Kaya nga maya't maya rin nilang kinakausap si Chrysanta kapag gising ito at sasagot naman ito na akala mo nauunawaan sila.


"Nasaan si Crescent?" Kabababa lang ni Lyra at mukhang kaliligo lang nito katulad ni Crescent ng bumaba at bakit nga parang bihis na bihis ang mga ito?


"Aalis kayo Lyra?" si Tomo


" Sabi niya may pupuntahan daw kami, magdedate kami pero kasama si Princess! Isa pa may ipapakita daw siya sa 'kin," sabi ni Lyra na ngumiti habang binabagtas nito ang saan patungo sa terasa.

RBW Series 2: Tormented FateWhere stories live. Discover now