TF 5: Red Scorpions

2.5K 232 60
                                    


** Bago n'yo basahin. Paalala lamang, to avoid confusions basahin nang marahan. About kay Crescentine, Shin at Seventh. Don't cha worry ang pinanggalingan nila ay marereveal na sa kani-kanilang POV. Lahat pa ng lumalabas ay pagpapakilala sa mga characters, napakarami pong papasok na bagong tauhan kaya pakilista na ang bawat grupo sa papel hahaha! Ganito .. Team Neo .. Team Scorpions.. Team Shin.. at anu-ano pa hahaha! *u* O'sha mahaba na sa ending uli ako eekstra.

#MisaCrayola



TORMENTED FATE 

CHAPTER 5

" RED SCORPIONS "


SCENE 1

" Magkasundo tayo Light, "sabi ni Lyra sa pagitan nang paghinga ng malalim. Para sa ikabubuti ng anak niya, para sa hindi pag hadlang dito ng iba. Kailangan nitong magawa ang mga bagay na iniwanan dito ni Crescent.

Magkatitigan sila sa loob ng tanggapan ng bisita ng mga Rainsworth. Bakit ba kasi kamukha ni Crescent si Light? Pakiramdam niya kaharap niya ang asawa. Isipin pa lang si Crescent parang pinanghihinaan na siya ng tuhod.

" Anong gusto mo? " Nakangiti naman si Light kaya naiinis na naman si Lyra. Bakit ba ang hilig nitong ngumiti? Kung si Crescent 'to tataasan siya nito panigurado ng kilay. Bakit ba gusto niyang maging katulad ni Crescent si Light? Ganoon ba talaga siya kadesperadang muling makasama ang asawa?


SCENE 2

" Hindi pa siya gano'n kalakas pero nakikita ko na agad sa mga mata niya ang pagnanasang maging pinakamalakas," ngisi ni Neo habang nakaupo sa mala trono niyang upuan habang kumakain ng cookies at nakatingin sa malaking monitor.

Kasalukuyang naroon si Shin at nakikipaglaban sa iba pang nais maging miyembro nila. Malakas ito, pero wala pa siyang nakikitang espesyal sa kakayahan nito.

"Sa tingin mo ba may ibubuga 'yan? " Ani Zuki na aminado naman na malakas si Shin. Pero may magagawa pa kaya ito sa huling palapag kung saan naroon na ang pinakamalalakas na napili? Hindi nila kailangan ng maraming aalagaan. Tatlo o limang kasapi lamang ay ayos na.

"Hindi mo naman kailangang madaliin, teenager lang 'yan dadaan pa sa proseso!" ani Ylerys na ikinakibit na lamang ng balikat ni Zuki. Pareho silang nasa likuran ni Neo.

Nakikipaglaban si Shin at kitang-kita ang pagiging bihasa ng kamay nito sa pagpaslang. Sa isipan ni Neo, iniisip niya na ano ba ang magagawa niya para palakasin ito? Sa kabatirang namatay na si Crescent, parang gusto niyang akuin ang pangangalaga kay Shin. Kamay lang nito ang ginagamit sa pagpaslang. Katulad ni Crescent hindi ito nagpapalit anyo bilang taong-lobo, mas lumalamang na pagkakamalan mo 'tong bampira dahil mahahabang kuko lang nito ang pinampapaslang nito.

Nakatitig sila sa monitor. Nangiti si Neo na natapos ni Shin ang tatlumpung kalaban nito na talaga namang patapon. Gasgas lang ang tinamo nito at nadumihan lang ang damit nito ng mga dugo mula sa mga kalabang mandirigma na bagsak at duguan.

"Dalhin na siya sa huling palapag," wika ni Neo nang pindutin ang asul na buton sa upuan na awtomatikong nakakonekta sa bawat palapag na pinapanood niya.

"Pero may mga maglalaban pa? Baka nakalimutan mo lang," ani Lander na siyang husgado sa nagaganap na labanan.

"Gusto ko siyang makitang lumalaban," Nakagat ni Neo ang labi niya na ikinadugo niyon. Hindi niya mapigil magdiwang ang isipan. Si Shin Crescent Wolveus, titignan niya at susukatin ang kapangyarihan nito. Hindi siya dapat biguin ni Shin lalo pa't buhay na buhay ang dugo niya.

RBW Series 2: Tormented FateWhere stories live. Discover now