The Emperor's Blood

1.9K 145 10
                                    


This is not an update.

THIS IS THE NEW INCOMING STORY!



" Bakit kailangan mong maghintay sa kanya? " Nakasandal si Ezekiel sa sasakyang itim habang minamasdan ang nililipad na hangin ni Lucylle. Naroon na naman sila at nagmamasid sa dating p'westo ng Imperial City.

" Nangako siya sa 'kin," halos bulong lang na sagot ni Lucylle. Paniguradong mabibigla ito oras na makita siya, dahil ganoon ang reaksyon ng kanilang ama matapos silang makita nito pagkagaling sa Abyss. Ganoon kabagal ang oras sa Abyss, tila ba bawat araw ay katumbas na nang isang buong taon.

" Ano pa lang sinabi sa 'yo ni daddy?" nilingon ni Lucylle si Ezekiel, isa 'tong ampon ng kanilang ama. Umayos naman sa pagkakaharap si Ezekiel kay Lucylle –ito pa rin ang larawan ng babaeng itinatangi niya.

"Bihagin ang puso ng prinsesa niya, " ngiti ni Ezekiel na ikinailing at ngiti ni Lucylle. " 

" Puntahan mo na si Francine, hinihintay ka na niya," ani Lucylle na iniayos sa gilid ng tainga ang buhok na humaharang sa mukha. " Kaya gusto ni daddy na kayo ang magkatuluyan dahil ikaw lang ang may kakayanan na kontrolin siya. Isa pa, kapag naging mag-asawa na kayo matutupad na 'yung pangarap mo na makabilang sa Heneral ng mga Vampire Knights. " dugtong ni Lucylle dito.

" At ikaw?" naroon ang kalungkutan sa boses ni Ezekiel.

Ngumiti naman ng matipid si Lucylle, " Maghihintay ako dahil nangako siyang babalik sa 'kin, maghihintay ako na masabi sa kanya ang mga salitang 'di niya sineseryoso noon dahil sa bata pa ako, " aminado naman si Lucylle kay Ezekiel sa nadarama niya para sa isa sa mga anak ni Crescent na si Seventh Wolveus o mas kilala bilang si Seventh Sanctum.

" Hindi ka ba napapagod mahalin siya?"

"Napapagod? " nagkibit balikat si Lucylle, " Hindi kailanman nakadarama ng pagod ang pagmamahal ko, nalulungkot lang ako dahil malayo siya at nag-aalala dahil baka nasa panganib na siya. Mahal ko siya, at alam mo na handa akong isuko ang pagiging Pureblood Princess ko sakaling ayain niya 'kong lumayo kami, " nangilid ang luha ni Lucylle ngunit pinilit niyang ngumiti," Alam mo ba na alam ko sa sarili ko na kaya kong isuko lahat sa kanya. Dahil oras na magbalik siya, gusto ko ng manatiling kasama siya at 'di na mawalay. " pinahid ni Lucylle ang mga butil ng luhang bumagsak sa pisngi niya.

Lumayo ang tingin ni Ezekiel, kakatwang isipin na ang babaeng mahal na mahal niya, nagmamahal ng nilalang na hindi nito halos ganoon kakilala. Hindi nito nakasama ng matagal at alam niya na mas matagal na niya 'tong nakasama, mas marami na siyang alam kay Lucylle samantalang ang lalaking 'yon –ano na bang alam nito?

**

Titig na titig si Francine sa lalaking nakatayo sa harapan niya. Napapaatras siya dahil nagawa nitong sanggain ang pag-atake niya, ibig sabihin lamang hindi ito pangkaraniwang nilalang.

" Sa 'ming mundo kita dadalhin, naakit ako ng kagandahan mo," ani Blood na nakangisi bago hinaltak ito sa sa braso at halos gahibla na lang ang pagitan ng mga mata nila. " Hindi mo 'ko matatakasan, maliban kung magsasawa akong paglaruan ka at kinakailangan na kitang itapon," anito na tila demonyong-demonyo kung makapagsalita.

"Bitiwan mo 'ko," iwinawaksi ni Francine ang braso niya. Nakadarama siya ng takot dahil kanina pa siya humihingi ng tulong ngunit alinsangan lamang ng dugo ang naaamoy niya –ibig sabihin marami ng patay sa pasilyo at tila ba siya na lamang ang buhay kasama ang lalaking estranghero na bigla na lamang pumasok sa dressing room niya. Kipkip niya ang tuwalyang tanging nakatapi sa kanya. Ngayon lamang siya nakadama nang labis na takot, iba ang kalakasan ng lalaking nasa harapan niya. Pangkaraniwan na tila mapula ang kulay ng mata nito .

RBW Series 2: Tormented FateWhere stories live. Discover now