TF II: Memories

2.3K 184 54
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bago tayo magpatuloy sa chapter na 'to nais kong pasalamatan lahat ng sumuporta sa first ever self-pub ko at ito na siya ngayon! *u* Iyan na ang book 1 ng RBW

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bago tayo magpatuloy sa chapter na 'to nais kong pasalamatan lahat ng sumuporta sa first ever self-pub ko at ito na siya ngayon! *u* Iyan na ang book 1 ng RBW. Sobrang happy ko na mahahahawakan ko/natin na siya soon. Sa lahat ng bumili salamat! At sa kahit 'di bumili ang suporta n'yo hanggang ngayon ay malaki ng bahagi para sa 'kin. I love you! :) 



IMPERIAL CITY

Katapusan? Nalalapit na ang pagtatapos at mangingiti ka na lamang na kahit pala ang pagdurusa'y may hangganan. Ngunit sa kabila niyon, kailangan mong subukan ng tanggapin na ngayon pa lamang maaaring ang katapusan ay mitsa nang paglisan ng ibang naging bahagi ng buhay mo. Bahagi na mauuwi na lamang sa mga alaala at hindi na muling madarama ng iyong mga kamay ang pakiramdam na hawak mo sila.

Nakabibinging pagkulog, kadilimang tila wala nang hangganan. Tila kahit saan ka lumingon wala kang matatanaw kundi ang nalalapit na pagkawasak. Pagkawasak ng mundong naging saksi sa kasiyahan maging sa pagdurusa at kasalo mo sa kalungkutan.

Ipinikit ni Lucylle ang mga mata niya kasunod ng pagragasa ng luha. Nakatanaw siya sa Imperial City at inaasam na sa muling paglabas niyon ay matatanaw na niya ang paglabas ng lalaking minamahal niya maging ang ama na nawalay sa kanila.

Ilang taon na ba ang lumipas? Gaano ba kabagal ang oras sa Abyss? Ano pa ba ang kailangan niyang sabihin sa sarili niya para magawa pa niyang patatagin iyon? Ilang taon na ang lumipas at maaaring araw lamang ang katumbas niyon sa loob ng Abyss. Ibang-iba na ang mundo at nalalapit na ang katapusan niyon. Ang iba'y nasa panibago ng replica ng mundo, mga walang alaala sa nakaraan at muling magsisimula ng pamumuhay. Ngunit hindi lahat papalaring maligtas at hindi lahat may pamilya pang mababalikan. Ang digmaan sa Abyss ay nagdudulot ng iba't ibang daluyong at unos sa lupa.

Mas nag-aalala siya kay Seventh, ang ama niya na si Vincent Zordick ay may koneksyon sa kanyang mga Grand kaya alam nilang nasa mabuti pa 'tong kalagayan. Pero katulad niya, hindi nila magawang itanong rito ang kalagayan ni Seventh dahil magtataka ito.

"Bumalik ka! Iyan ang pangako mo sa 'kin Seventh! Dalaga na 'ko, paniniwalaan mo pa 'ko kapag sinabi kong mahal kita –mahal na mahal kita!" sigaw niya habang walang patid ang pag-agos ng luha niya na tila baa yaw nang magpaawat. Matatapos na, iyon ang sinabi ng kanyang daddy kaya alam niya at nangangamba siya na hindi isa si Seventh sa lalabas ng buhay. Gusto niyang umasa at ikamamatay ng puso niya kapag hindi 'to nakaligtas.

RBW Series 2: Tormented FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon