TF 18: Marked

2.7K 227 70
                                    


         Walang special chapter sang CRESLY dahil hindi naabot ang voting kaya itutuloy na natin ang story. Pero don't cha worry, next chapter meron ng CRESLY!  :) Si Shin ang nasa picture thankss!


                                         TORMENTED FATE

                                               "MARKED " 


"Sasamahan natin si Light para hanapin ang mga nawawala, kung kasama natin sila Greece nasisiguro ko na mas madaragdagan ang pwersa ng grupo natin. Tama si Light, siya lang ang may kakayahang magbukas ng lagusan sa Abyss at kailangan natin siyang tulungan," mahabang paliwanag ni Kae habang nagpupulong sila sa bulwagan ng La Confide.

"Nasaan si Aleissa? Ang babaeng 'yon talaga!" Asar na wika ni Vishnu na pataas-taas ang kilay. Malakas ang Misfortune na 'yon at matutulungan sila pero nawawala na naman ito.

"Alam n'yo naman na ang loyalty niya ay na kay Crescent, paano kung traydurin niya tayo?" singit ni Hunter.

"Traydor? Bakit? Kalaban na ba tayo ni Master? Hindi ko siya kalaban, he's my master, if the aimed of this group is to betrayed him, ayoko na, " Angela exclaimed.

"Tama siya, Master namin siya at ang rason kung bakit gusto naming sumama ay dahil kay Shin. Matagal man naming siyang hindi nakita gusto pa rin naming siyang protektahan, hindi ko siya kayang pagtaksilan," – Lian

""No, we will never betrayed him! We are his Ally! " Biglang bawi ni Hunter sa sinabi niya.

Matalim ang tinging ipinukol sa kanya ng mga kagrupo ni Crescent.

"Ally? Or fake ally? Nakita kitang nakikipag-usap sa mga Pureblood Vampire, at hindi kaila sa'min na si Vincent Zordick ay nagpahayag ng digmaan para lamang wasakin ang Abyss, at marami na silang gustong patayin ang buong pamilya ni Master!" Angela.

Napasabunot na lamang si Hunter sa ulo niya. Kung ngayon pa lamang ay nahihirapan na silang magkaisa paano pa sila magkakasundo sa iisang misyon? Walang tiwala ang mga taga-sunod ni Crescent kay Light at ang makipagtulungan dito ay Malaki talagang pagdududa para sa mga ito.

Pagkatapos ng usapan na 'yon ay nagtungo si Vishnu sa isang lugar sa kagubatan at natagpuan niya ang isang maliit na base na tila isang tanggapan lamang. Dire-diretso siya at sinalubong siya ng isang lalaking nagngangalang Winter.

"Nasaan si Crescent?" Tanong ni Vishnu na humalukipkip at nakipagsukatan ng tingin sa matipuno at guwapong lalaking tila tutupukin siya sa yelo at kalamigan ng mga tingin nito.

"Gusto niyang alamin kung sasali ka na sa Scorpions, at kung magiging isa ka sa 'min isasama na kita, " sabi ni Winter na bahagyang tumaas gilid ng labi. There's something about this --gay? Parang may kakaiba itong puwersa. Magtataka pa ba siya? Kung ninanais ni Crescent maging miyembro ng Scorpion ito, ibig sabihin may kakaiba itong potensyal.

"Oo, sasama na ako, " Walang abisong sagot ni Vishnu. Hindi lang ito para sa kanya, kailangan mahanap niya si Shin, kung si Crescent na mismo ang humihila sa kanya ay susunggaban na niya. Kung aasa siya kay Light, baka mamatay na si Shin sa loob ng Abyss. Bawat oras nanganganib ito at kailangan niya 'tong ilabas sa Abyss at ang matuklasan ang tunay na kasalanan ni Crescent sa pangyayaring nagaganap.

Sumakay sila sa isang Dragon chained patungo sa kuta ng mga Scorpions. Kilala ngayon ang Scorpions bilang isa sa pinakamalakas na grupo at ang magkakapatid na Sanctum na siyang may kinalaman sa walang habas na pamamaslang.

RBW Series 2: Tormented FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon